minsan malambot, minsan makunat…

Pinakahuli / Pinakabago

KM3: Tinig… o Ingay?

Ako daw ang “aktibista” ng klase namin noong nasa kolehiyo pa ko. Ewan ko sa kanila, ang alam ko lang pinaglalaban ko pag alam kong nasa tama ako. Hindi naman ako nakiki-epal sa iba o umaastang superhero ng mga naaapi, hindi din tipong spokesperson. Kung tutuusin nga, ako yata yung pinakatahimik sa klase. Nasa loob daw ang kulo.

Sa Intramuros ako nag-aral, katabi ng tanggapan ng gobyerno na laging sinusugod ng mga manggagawa. Sila yung mga nakakumpol at sumisigaw sa gitna ng kalsada. Mga naka-megaphone at may dala-dalang mga plakard habang namumudmod ng mga flyers na maya maya lang ay nagkalat na sa buong lugar. (Sayang ang papel at dagdag trabaho sa mga nagwawalis ng lansangan.)

Sa totoo lang, nung mga panahong yun madali nila kong makukumbinsi na sumama sa pakikipaglaban  ng karapatan nila. Siguro dahil bata pa at hindi pa talaga mulat sa totoong buhay, idealistic pa. Bawat sigaw nila talagang pumapasok sa tenga ko at parang alingawngaw na paikot ikot sa utak ko. Ramdam ko yung hinagpis nila, malinaw ang ipinaglalaban. Nakakaawa dahil  pagkatapos ng ilang oras ng pagbibilad sa araw at mamaos sa paghiyaw upang maiparating sa kinauukulan ang hinaing nila, wala pala ang Kalihim nag-lunch out sa Manila Hotel o sadyang sound-proof lang talaga ang mga opisina ng gobyerno? Ang mga manggagawa uuwing  pagod at gutom.  Natapos ang isang araw ng pakikipaglaban sa buhay, pero hindi natapos ang laban.

Ngayon naman na nagtatrabaho na ako, madalas pa din akong maging saksi sa mga ganitong tagpo.  Pero hindi basta mga manggagawa na lang. Hindi ko alam kung ano o sino ba sila. Ang palatandaan ko lang sila yung mga grupo na laging sumisigaw ng “Ibagsak ang Imperyalismo”, “Tigilan ang Kapitalismo”, “Tuta ng Kano! Patalsikin” — na hindi ko naman talaga nainintindihan, labas pasok lang sa tenga. Sila yung mga sinasabing mahihirap na may pambili ng mga materyales para sa susunugin nilang imahe. Sila yung mga artistic na nagdedesenyo sa mga malilinis at masyadong “plain “na mga pader. Sila yung mga hindi nagbabayad ng buwis dahil kahit pambili ng pagkain ay wala. Sila yung mga nagmamartsa sa gitna ng lansangan kasabay ng mga pampublikong sasakyan na lulan ang mga mangggagawang mahuhuli na sa oras ng paghahanap-buhay.

Hindi ko na alam kung tama pa ba ang pinaglalaban nila o alam pa ba nila ang pinaglalaban nila? Nagkamali ba ako ng paghusga o ang paninindigan nila ang nagbago? Iba nga ba ang nakikita ng mata sa kalam ng sikmura? O talagang iba na ang sukatan ngayon ng paninindigan. Tinig pa ba o ingay na lang?
Advertisement

Parang si Tapa yun ah… Nagbabalik?

Kumusta na dito blogsphere? Mundong minsang inikutan din ng buhay ko. Halos isang taon mula nung huli kong buksan ang blog ko. Nakakaligaw na… Medyo nag-iba na ang layout ng dashboard. Haha! Hindi man ako naging aktibo sa pagsusulat, paminsan-minsay nagagawa ko pa ding dumalaw sa blog ng ilan. Buti’t may facebook din ako bilang Beeftapa at kahit papano’y nakakabalita pa sa mga bloggers na naging kaibigan ko na. Ilan na din sa kanila ang nakasama ko sa mga EB at out of town adventures.

Nakakamiss din magsulat. Nakakatakot nga lang din bumalik baka wala na kong abutan… Pero syempre, kung gugustuhin kong makabalik at muling sumabay sa paglalakbay ng mga bloggers, dapat umpisahan ko na. Konting tulak para muling gumulong ang blog ko.

Madami nang nagbago sa normal na takbo ng buhay ko,  kasama na ang pagiging “almost always idle employee”. Kaya nawalan din talaga ko ng oras. Ang dating naghahanap magagawa para mabilis lumipas ang oras ay naging abala sa paghahanap ng oras upang mapagkasya ang mga kaylangang tapusin. Oo, naging busy ako sa trabaho. Hindi nga din ako makapaniwala. Ahahaha! Pero hindi ko naman hinayaan na mawalan ako ng oras para sa personal kong kaligayahan, ang magbyahe. Tulad ng nabanggit ko kanina, isang grupo ng bloggers na personal ko nang naging kaibigan ang nakasama ko sa lakwatsa sa Ilocos at Bohol, bukod pa syempre sa mga byaheng barkada at pamilya ko naman ang kasama. Dalawang byahe din ang hindi natuloy sa mga plano ko nung nakaraang taon.  Unang beses ko sana makikita yung taga Davao. At yung isa naman na taga-CDO, na medyo ilang beses ko na naka-bonding. Sana matuloy ngayong taon.

Isa pang kumain ng oras ko ay ang pagkahilig sa mga gadgets. Napadalas ako sa pagbabasa sa mga forums at balita sa mga bagong labas na telepono. Nakailang bili at palit din ng gadget. Masakit sa bulsa pero napasaya naman ako… pansamantala. Nagsulputan din ang mga online/group buying na nakaka-tempt naman talaga ang price ng mga tour packages. Medyo napabili din ako nitong mga to.

Yan ang kwento sa labas. Pero sa loob ko, madaming nangyari. Ayoko lang talaga ma-categorize  bilang emo. Alam kong sa takbo ng mga huling naisulat ko puro kadramahan na,  ayokong dagdagan pa. Kaya mas pinili kong hindi magsulat.

Pero tapos na ko sa chapter na yun. Kaya eto, susubukan ko ulit makisalamuha sa inyo at sana makakilala ng mga  bagong kaibigan 🙂

KM2: Sya at ang Buwan

Napapadalas ko syang makitang nakadungaw lang sa bintana. Tulala, nakatitig lang. Pabagsak sa bintana ang pagkakasandal,  kita sa postura ang pagkahapo. Mula sa maliliit na mga galaw nya ay kita ang bigat ng dinadala, dinig ang impit na halingling ng pagdurusa.

Buntong-hininga. Sunud-sunod ang paghugot ng malalalim at pagpapakawala nito, halatang pilit inilalabas ang mga dikyang umuubos sa natitira nyang pagkatao. Kuyom ang mga palad dala ng panibugho, ngunit hindi sapat upang maging lakas para makatayo.

Payapa na ang paligid, nakabibinging  alingawngaw ng katahimikan na ang namamayani, ngunit walang nagbabago, nangangalumata na sya ngunit sa akin pa din nakatuon ang malamlam nyang mga titig. Halos matunaw ako sa nakikitang lugaming bumabalot sa kanyang kabuuan, nais kong bumaba’t iparamdam ang aking pagdamay.

Ayokong kainin sya ng kadiliman.

Ang maliliit na pagkilos ay sinabayan pa ng mayat mayang pagdiin ng mga nakatiklop na mga palad. Pinipigilang kumawala ang nararamdaman. Isa pang mahabang buntong-hininga at binasag nya ang katahimikan. Nagsimula sa ungol hanggang sa maging bulong. Kalmado ang tinig ngunit walang buhay.

Naroon sya sa kanyang sulok, pilit ginagawang peklat ang sariwang sugat.

——————————————
Nag-iisa ako ngayon sa gitna ng sitwasyong sya ang maygawa. Naiwan akong mag-isang harapin ang mga multong sya ang lumikha. Mas pinili nyang  tumakbo sa karuwagan nang matuklasan ko ang yungib nyang puno ng nakagigimbal na nilalang. Mga manananggal na syang pumapapak sa akin ngayon. Ako at ako lang sa digmaang sya ang sa aki’y nagdala.

Nababalot ako ng poot. Hinayaan nya kong lamunin ng galit. Wala syang ginawa upang mabawasan ang sakit. Ngunit sa kabila nito, heto pa rin ako’t naghihintay, umaasa sa kalinga nya na sa aki’y magpapapanatag.
——————————————

Tulad nya’y isang paslit na nadapa’t nasugatan. Mahina. Naghihintay ng taong makikinig at hahaplos sa kanyang buhok upang mawala ang takot. Isang hele na magpapahimbing sa galit sa kanyang puso…

Sanay maging sapat ang munti kong kinang hanggang sa marating nya ang dulo ng madilim na kinaroroonan. Sa dulo ay isang banal na bukal na papawi sa pagkahapo, magpapahupa sa naghuhumulagpos na galit at muling magbibigay ng panibagong buhay sa pusong nagkulay kuyukot sa paghihingalo…

Gaya ng mga nakaraang gabi, bago pa tuluyang maglaho ang liwanag ko, muli nyang sinambit: “salamat buwan sa muling pagdamay…” kasabay nun ang pagbukas ng kaninay nakakuyom na mga palad at maluwalhating pag-agos ng kaninay kristal sa kanyang mga mata.

Aking adhika, sa muling pagsilay ng maharlikang liwanag ay masaksihan ko naman ang dating mala-pulot pukyutan at  maaliwalas na mga mata.

*** Nais iparating ng may-akda ang pasasalamat sa Diwatang Aninipot para sa larawang “dear moon”.

lyric-mode

Eto’ng mga chop-chop lyrics ng pinakikinggan kong mga kanta ngayon habang nagpapalipas ng sama ng loob oras dito sa opisina.

———————————-

You look so beautiful tonight
Reminds me how you laid us down
And gently smiled before you destroyed my life

Would you find it in your heart
To make this go away
And let me rest in pieces
———————————-
I’m still alive but I’m barely breathing
Just prayed to a God that I don’t believe in…

While I’m wide awake she’s no trouble sleeping
‘Cause when a heart breaks, no it don’t breakeven, even, no

What am I suppose to do
When the best part of me was always you and
What am I suppose to say
When I’m all choked up and you’re okay

I’m falling to pieces, yeah
I’m falling to pieces
———————————-

Oh dear, you look so lost
Your eyes are red, the tears are shed
This world you must have crossed, you said…
And you said, you don’t know me
And you don’t wear my chains, oh yeah…

I think I need a sunrise
I’m tired of Sunset
I hear it’s nice in the summer
Some snow would be nice, oh yeah
———————————-

I close both locks below the window
I close both blinds and turn away
Sometimes solutions aren’t so simple
Sometimes goodbye’s the only way

And the sun will set for you
The sun will set for you
And the shadow of the day
Will embrace the world in grey
And the sun will set for you
———————————-

I don’t know what’s worth fighting for
Or why I have to scream.
I don’t know why I instigate
And say what I don’t mean.
I don’t know how I got this way
I know it’s not alright.
So I’m breaking the habit,
I’m breaking the habit
Tonight

Clutching my cure
I tightly lock the door
I try to catch my breath again
I hurt much more
Than anytime before
I had no options left again

I’ll paint it on the walls
‘Cause I’m the one that falls
I’ll never fight again
And this is how it ends
———————————-

I said  all I need
Is the air I breathe
And a place to rest
My head

Do you think you can find it?

———————————-

When will this end
It goes on and on
Over and over and over again
Keep spinning around I know that it won’t stop
Till I step down from this for good
———————————-

sulat para kay bespren

Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Walang mali sa ginawa mo. Gusto mong maging malinaw ang lahat. Nagkataon lang na magkaiba kayo ng paraan ng pagresolba ng di pagkakaintindihan. Hindi din nman ako sang-ayon sa paraan nya. Hindi uubra na lagi na lang kinakalimutan ang mga di pagkakasundo nang hindi nacclear lahat ng issues ng dalawang panig.
Wag mong kaawaan ang sarili mo sa mga nangyayari.  Ginawa mo ang bagay na sa tingen mo ay makakapagpatahimik sa loob mo. Iba ang naging reaksyon nya, sya ang may problema.
Aware ako sa mga naging kasalanan mo sa kanya. Alam kong hindi ka naging faithful sa kanya at nang mahuli ka ay wala kang ginawa para ipagtanggol ang sarili mo. Tinanggap mo lahat ng pang-aalipusta nya sa pagkatao mo. Hinayaan mo syang ilabas lahat ng galit nya at tinanggap mo lang lahat ng yun. Nang hiningi nya sayong sabihin mo sa kanya ang lahat ng nangyari, ibinigay mo sa paniniwalang wala kang karapatang tumanggi kahit na pakiramdam mo nun ay tinatanggalan mo ng dignidad ang sarili mo. Bawat salitang binitawan mo nun ay parang hampas sa pagkatao mo. Pero hinayaan mo lang para lang mapakita ang sinsiredad mo sa paghingi ng tawad. Sapat na ang pagdurusa mong yun. Hindi na nya pwedeng isumbat sayo yun. Lalot matagal nang nangyari ang kataksilan at nito lang nya natuklasan. Matagal na panahon mo nang itinago yun sa sarili mo at pinilit kalimutan, nga lamang ay nabuko ka pa din. Ginawa mo ang lahat upang maging malinaw sa kanya ang lahat. Inamin mo ang pagkakamali mo at humingi kang tawad. Sapat na yun mula sa yo. Tinanggap ka nyang muli, hindi ko lang alam kung napatawad ka talaga nya. Kase malake at masakit talaga ang nagawa mong pagkakamali.
Ngayon na ikaw naman ang humihingi ng paliwanag mula sa kanya, sa kanyang mga ginagawang pagsisinungaling. Ayaw nyang pag-usapan at pilit kalimutan na lang daw. Nagkasala ka sa kanya, sabihin na din nating madumi ka, pero hindi ibig sabihin nun wala ka nang karapatang malaman ang katotohanan. Karapatan mo yun. Nung sya ang humingi ng linaw sa mga pagkakamali nun, ibinigay mo yun, kahit pa mapahiya ka sa sarili mo sa bawat pagrecall mo sa mga ginawa mo. Ngayon na ikaw ang humihingi ng paliwanag, hindi naman makatwiran na isumbat nya sayo ang pagkakamaling yun.  Dahil nagtatanong ka pa lang at humihingi ka ng linaw. Ano bang ayaw nyang pag-usapan dun? Mas maige ngang maging malinaw ang lahat nang walang naiiwang sama ng loob.  Pero sabi mo nga, ganyan ang paraan nya ng pagresolba ng mga bagay bagay, ang huwag na lang pag-usapan at kalimutan.  Hindi ako naniniwala sa gantong paraan.  Katulad ng tubig sa aquarium,  kaylangang linisin, hindi uubrang antayin lang tumining sa ilalim ang dumi dahil pag dumating ang araw na ito ay maalog, muling lulutang ang mga duming pansamantalang nanahan sa ilalim, muling lalabo ang tubig.

Alam mo namang nandito lang ako lagi, itagay naten yan 🙂

***updated 4/12/2011  Would like to share this conversation (sms) from an offline commenter. Medyo mahaba nga lang.

Monday, April 11, 2011

[Toks] 8:11 PM Wag asahang pareho ang treatment sa 2 incidents. Nung ngkasala si A, wlang gnagawang masama si B. Pero pinatawad, inunawa^t inintindi ni B. Ngkasala si B, may history si A. A is not completely absolved from fault. A cannot impose on B 2 do the same. It^s 4 A 2 undrstand B if A wants to save their love.

[tapa] 8:15 PM But A still deserves explanation lalo nat may kinalaman sa tiwala. Ang nagawang kasalanan ni A ay labas sa panibagong issue of trust.

[tapa] 8:34 PM Manong, may kulang sa kwento. Hindi s walang kasalanan si B, mas malalla nga lng ung naging kasalanan ni A. Madaming kasinungalingan si B, kahit bago pa magkasala si A. ang gustong malinawan ni A ay ang patuloy na pagsisinungaling ni B.

[Toks] 8:36 PM W8 lng ha. Meeting pako hehe

[Toks] 9:00 PM Trust is earned parekoy. It is not something owed. Neither can it be imposed. The relationship is doomed to fail if a partner is hounded by doubts. Most of all, sometimes the truth hurts. Balik ulit meeting hehe. Balikan kita ulit

[tapa] 9:06 PM Pano kung madaming beses nang nahuling nagsinungaling? Hindi ba kaylangan nang pag usapan. Ilatag lahat ng baraha nang maging malinaw?

[Toks] 9:16 PM Ano na tawag sa equipment used to separate elements/substances in a colloidal suspension? Yung pinapaikot-ikot yung test tube at maalog yung laman?

[Toks] 10:06 PM Lies beget lies parekoy. Anong goal ni A? Mas masakit lang na malaman ang extent ng kasinungalingan. Masyadong mahirap ibalik ang tiwala kapag nagkalamat na. True love na lang talaga para mabalik yun.

[tapa] 10:09 PM Mas masakit pero mas madaling magtimbang ng bagay bagay pagkatapos.

[Toks] 10:24 PM For what? Para ma-appease ang ego? Na tama ang hinala? And that it^s right to leave B just in case? Let B have her face intact. Wag ng overkill. Kasi if A truly loves B, A would have to take B as a whole, past,present and future, otherwise, it will eventually fail.

[tapa] 10:28 PM Kahiit ibig sabihin nun pauilit ulit na kasinungalingan pa ang mangyayari? Mahirap magtiwala at magbigay ng pang unawa sa taong kayang kaya kang pagsinungalingan ng nakatitig sa mata mo.

[Toks] 10:32 PM Kaya nga. Kung wala na ang tiwala, tapusin na. Kung mahal talaga, tuloy pero buong tanggapin, walang sisihan. Kung may duda parati, mahina ang pundasyon, guguho yon, di magtatagal.

[tapa] 11:02 PM Ang stand ko tapusin na. Pero parang ayaw pa ni A bumitiw. Hinihintay nya pa si B na gumawa ng paraan. Nghihintay sya ng paliwanag ni B. pero sabi ko nga mahirap intindihin ang taong ayaw magsalita at sinusumbat lng ang mga dating pagkakamali ni A. Gusto ni B instant, na parang walang nangyari.

[Toks] 11:38 PM Unless mahal pa rin ni B si A, hindi niya yun gagawin. It^s time for A to move on. Magkakasiraan lang sila lalo kapag ipilit pa. They can start anew but they need to bury the past, if not- the past will haunt them.

Tuesday, April 12, 2011

[Toks] 12:18 AM Sabihin na lang nating naglaro sina A at B. Natalo ni B si A. Gusto ni A talunin si B pero ayaw nang maglaro ni B. Kailangan nang maghanap ng ibang kalaro si A. Pero higit sa lahat, mas mainam isiping nag-enjoy pareho sina A at B sa paglalaro. Na sa mga susunod na laro, mas mag-eenjoy pa sila, maski sila man ay magkakampi o magkatunggali o maski na iba na ang kalaro nila. Hangad ko ang panalo nila pareho. Sport lang. :d

[tapa] 5:38 AM Magkaiba tlaga tayo ng stand pagdating sa kung kaylangan pang iclear ang mga bagay bago magsimula ult(o tapusin). Hehehe… Anyways, mas katanggap tanggap sa tingen ko ung huling txt mo. Masakit lng tlga pag turn mo na e saka nman ubos na pala ang oras, time is up, at ayaw na mag extend ng kalaro mo. Un siguro ang kulang ni A. Nakalimutan nyang tanungin si B kung game pa ito for another round. Pano kung hinihintay lng pala ni B na maubos ang oras para matapos n ang laro. Masaklap pero wala nmang choice kundi tanggapin. Awts… Magandang umaga manong! Nagtatae ako. Hahaha

[Toks] 6:37 AM Emo-dium haha. Pwedeng i-contest ni A ang pagkapanalo ni B, pero ang kabutihan non? Last few minutes na ng laro. Pag nafoul si B, si A may free throws. B first watches from the sidelines, but when A throws the ball, B can block it, and A may not make the shot to score. If A still manages to score, the game will be extended, but the records remain that B was fouled at the dying minutes. And if the foul made was B^s 6th, then B is out of the game! Game over!!!

conversation with enGINeer

Status: Unwell…

enGINeer: whats wrong?!?
tapa: ewan
tapa: paggising ko na lang ganun e
tapa: hehehe
tapa: kaylangan ko lng siguro ng kausap
enGINeer: anyare?
tapa: not necessarily tungkol sa kung anuman ang gumugulo saken
enGINeer: ano nga gumugulo sa iyo?
tapa: hahaha

….

….


enGINeer:Do not ever think or feel you are alone. There are worse problems in the world, in varying degrees, that confronts us.

Let’s just say, we form part of the circuitry of this life. You are one of the components of what keeps this life going. If you pluck any of the components in the circuitry, one part of the circuit would go bust and may, in fact, ruin the entire circuitry.

But this life is so complex that there are buffers included in the circuitry so that the removal of any one of the components in the circuit would not ruin the entire system; or better yet, for those buffers to strengthen and reinforce the performance of the components in the system.

The mesh of life is indeed amazing!

*** sa pangalawang pagkakataon, pinangaralan na naman ako ng kuya kong to sa paraang para akong nasa Circuits class lang. next time kwento ko nman ang tungkol sa Venn diagram. lol… very appreciated manong. thanks!

bangkang may tagas

Madalas masarap ang umayon na lang sa agos ng tubig. Kapag napapagod na sa pagsagwan, hayaan itong dalhin ka kung saan man. Namnamin ang bawat sandali ng kapayapaan. Sana lang laging smooth-sailing.

Pero alam naman nating hindi lahat ng parte ng ilog ay malalim, madaming parteng mabato at malakas ang agos. Patuloy ang ilog sa pag-agos kahit pa mapa-idlip ka sa parteng mapayapa.


Hindi maiiwasang makasalubong ang malalaking bato na susubok pataubin ang bangka mo… ang bangka ninyo.

Sa mga pagkakataong nalagpasan nyo ito, hindi ba ang sarap sa pakiramdam na nakaraos kayo ng magkawak-kamay? sabi nga nila, what doesnt kill makes you stronger. lahat ng pagsubok na matagumpay na nalagpasan ay nagdadagdag ng kulay at tibay sa buhay. Ganun sana…
Masarap sana kung handa din ang kasama mong sumagwan upang labanan ang pwersa ng tubig, tumulong upang mabalanse ang lahat nang hindi tuluyang mapataob basta-basta. Pero pano kung sa tuwing makakasalubong na ang rapids, ay napapakapit na lang sya sa bangka? susukatin ang dami ng tubig na pumapasok? bibilangin ang butas kung saan sumisirit ang tubig? hayyyy… mahirap sumagwan mag-isa, pero mas mahirap kung pareho kayong sumasagwan sa magkaibang direksyon. walang malinaw na patutunguhan.

Pagkatapos ng unos, isang mapayapang araw. Malalim na tubig.Oras ulit upang mamahinga.ilapag ang sagwan, at muling namnamin ang kapayapan. O oras na upang iwan bangkang binutas na ng pagsubok upang di na tuluyang masira’t malubog sa susunod na paglusong?

makunat na ang tapa… isang taon na!

A:  Uy, mag-iisang taon na pala blog mo! Anong balak mo? Manghihingi ka ba ng pic greeting?Coffee painting na lng    saken. Hahaha!
B:  Toink! Hindi ako manghihingi. Sige, gawan mo ko ng coffe painting. Yung gravatar ko ha. Ahahaha! Tignan naten. Hehehe…

at tinotoo nga po nya…

Ang totoo nyan, yung coffee painting talaga ang original, ginaya ko lang ang pose 😀

Isang taon na nga mula nang gumawa ako ng account ko sa dito sa wordpress. Target ko nung umpisa at least isang post kada Linggo. Natupad ko un nung mga unang buwan ng pagbblog. Sa pagiging active ko sa bloggging noon, madami akong nakilala. Naging mga kakulitan sa ym at idinagdag sa FB. May mga nakilala ng personal at naging kaibigan.

Sa grupo ng mga bloggers na nakasama ko sa inuman nang sinabit ako ng “pinsan” kong blogger (lima sila kaya medyo napipi ako nun at humihingi ako ng paumanhin kung di ako nagpakilala  agad ng maayos), sa nanong bantay ni Lapu-lapu, sa mga nakasama kong kumain ng alimango’t tempura sa seaside nung birthday ko— si pinsang blogger slash legal adviser na hindi pa din nabibigay ang librong pa-birthday daw nya, sa ate-atehan kong hindi ako pinasalubungan ng camel na walang goiter sa batok (sya din ang taga-bura ng mga mukha sa tuwing magpopost ako ng mga pics), si mojacko na nagpa-pizza nung birthday nya at laging ipinamamalita na payat na sya, at sa butiking kuripot na malakas palang kumain at magaling sa photoshop— sa diwatang madaldal na hindi nagpapatalo na sinamahan akong mamili ng pastel, durian, marang at magosteen na pasalubong at sa mga kwento nyang halos buntong-hininga lang ang pagitan. Maraming maraming salamat.

Hindi ko man napangatawanan ang regular na pag-uupdate ng blog, regular pa din akong bumibisita sa mga bahay ninyo. Nagsimula ako bilang blog-reader/hopper, kaya siguro mas madalas pa akong pakalat-kalat sa bahay ng iba kesa gumawa ng sariling post ( o excuse lang daw sa katamaran ko gaya ng ibinibintang saken ng diwatang gala? ahahaha! ) Basta sa lahat ng mga nakasalamuha ko  at sa mga mapapadaan pa sa blog-hay na to maraming-maraming salamat, ganun din sa mga inaakyat-bahay ko nang di nila nalalaman. Salamat sa inspirasyong hatid ninyo sa akin. Hindi ko na kayo mababanggit isa-isa, itatag ko na lang sa fb. 🙂

Madami pa sana kong gustong makilala sa personal na blogger kaso likas na yata saken ang pagiging ilag sa mga bagong kakilala…  Panawagan pala sa mga uuwi dyan ngayong taon, pasalubungan nyo ko at siguradong kahit sa airport pa lang ay pupuntahan ko na agad kayo. hehehe…

*** Espesyal na pasasalamat sa gumawa ng coffee painting version ng gravatar ko. Galing-galing naman.  Salamat 🙂

Unang Akyat (Mt. Makulot)

Last Saturday, sa wakas ay natuloy din pangarap kong totoong pamumundok. Hindi ko nga lang inasahan na ganun pala kahirap dahil ang sabi nung kasama naming hiker ay pang-beginners.
Inakyat namin kasama ng ilang kaibigan, bagong kaibigan at isang hiker ang Mt. Makulot sa bayan ng Cuenca, Batangas. Nagsimula ang akyat-proper mga alas otso ng gabi at wala pang sampung minuto ay nakakarinig na ko sa mga kasama namin na nagtatanong kung malayo pa. Napapangite na lang ako. Makaraan ang ilan pang minuto ay isa na ko sa nagtatanong kung malayo pa ba. Pakiramdam ko kase ay halos isang oras na kaming naglalakad paakyat ng bundok yun pala kinse minutos pa lang daw! Huminto saglit ang guide. Ang akala ko ay para hintayin yung mga nahuhuli sa paglalakad. Hindi pala, san dali lang daw at may tumatawid na ahas! Akalain mong di pa kami lubusang nakakapasok sa talagang masukal na gubat ay may check point na agad. Ambagal nyang tumawid pramis. Nagmamadali kaming maglakad nung makalagpas sa trail yung ahas. Mula nung sandaling yun ay mas naging alerto ako. Ginamit ko na ang sarili kong flashlight para liwanagan lahat ng hahakbangan ko na nung umpisa’y inaasa ko lang sa flashlight ng kasama ko.

Ilang falls at bundok na din ang napuntahan ko at isa ko sa mga nauunang maglakad. Pero ngayon pa lang yung totoong mountain climbing. May trail naman kaya hindi ka mahihirapang sundan ang guide kahit pa napakabilis nya. Bago pa kami umabot sa first stop over ay ramdam ko na ang pagod. Backpack na puno ng damit at pagkain at may nakasabit pang  isang litro ng tubig, Flashlight at apat na litrong tubig sa kanan, at tent nman sa kaliwa.  Ang laking pagkakamali ko na isang 4L na tubig ang binili ko para sa amin ni gf.  Mas maiging tig-iisang litro or 1.5 litrto na lang sana para naisiksik sa mga bag namin. Ang hirap umakyat ng paa lang ang ginagamit at pang-balanse lang ang kamay imbes na pang hatak sana sa katawan. Halos mabasag na yung dala kong galon ng tubig kakahampas tuwing aakyat sa matarik na trail. Ganun din yung tent, halos mapunit na yung case. Umabot naman sa lagpas kalahati bago ako tuluyang sumuko sa mga bitbit ko. Nakiusap ako sa isa kong kasama na sa kanya muna yung tent.Kahit ilang stop over kami at ilang minuto din ang mga pahinga, halos sumuko din ang mga binti ko. Hindi ko na halos maihakbang, parang naninigas na at hindi ko makontrol paangat. Yun ang unang pagkakataon na narasan ko yun. Akala ko hindi ko na kakayanin pang umakyat ng mas mataas at matarik pa. Habang tumataas kami ng tumataas ay patarik ng patarik ang daan at wala na ang mga batong pwedeng pakunan ng bwelo, puro lupa na lang kaya mas matinding kapit at pwersa sa binti at paa.

Nang malapit na kami sa tuktok at huling stop over na para magpahinga, tanaw na tanaw na ang bayan at mga syudad sa Batangas, parang christmas lights! Kaya mas nagkaron ng lakas para sa huling leg ng akyat. Pinauna na ko ng guide sa pag akyat sa natitirang ilang metro pero mas matarik pa. Dalawang beses akong nadulas at dumausdus  pababa. Walang makapitan dahil puro talahib na lang ang nandun at mamasa masang lupa. Natakot kaming lahat dahil nasa mataas na bahagi na kami, kaya nagpasya silang umikot sa kabila para i-check kung mas ok ang daan sa kabila. Mas malayo at mas matalahhib perro mas ok ang daan dun. Habang ako naman ay pinilit na lang umakyat dahil mas mahirap bumababa sa kinalalagyan ko nun.

Nakarating kami sa tuktok mga pass 10Pm na, naliligo sa sariling pawis, madungis at puro putik.  Nag-set up agad ng tent para makapagbihis at makapagpahinga sandali bago magluto ng hapunan. Pagkatapos kumain ay konting inuman at bonding pa kasama ng barkada at mga bagong kaibigan hanggang ala-una ng madaling araw at kinabukasan na kami nakapaglibot.

Nakakapagod at nakakatakot na pag-akyat pero eto ang mga tanawin mula sa tuktok ng Mt. Makulot at katabi nitong bundok na kung tawagin ay Rockies.

Sunrise in Mt. Makulot (Medyo makulimlim...)

Mt. Makulot Summit

To Rockies from Camp Site

Rock Climbing in Rockies

 

On Top of Rockies

Aerial shot? Parang Turtle yung Island 😀

Kunwari di ako natatakot...

Ligaya

Sept. 26, 1995

Naghahapunan kami nila Kuya, ate at bunso habang nanonood naman sila Tatay at Nanay (Lolo at Lola) ng TV nang biglang magtahulan ang mga aso namin. May bisitang dumating.

Galing ng Maynila si Kuya Anjo, pinsan namin sa side ni Papa. Pinapasundo daw kami ni Mama at miss na miss na daw kami. Matapos ang halos isang buwan nila Mama at Papa na magkasama sa Maynila, magkikita-kita na ulit kami.

Kinumusta ni Nanay ang kalagayan ni Mama. Mmaayos naman daw sabi ni Kuya Anjo. Natuwa kami sa narinig naming yun kaya lalo pa naging excited sa pagbyahe kinabukasan. Pero iba nman ang reaksyon ni Nanay, parang malungkot. Naisip ko baka nangungulila lang din sya sa anak nya.

Bi-byahe kami bukas. Kinakabahan ako. Naalala ko pa nung una kaming magbyahe nila Mama at bunso papuntang Maynila para magbakasyon. Palibhasa’s di sanay sa byahe,  halos bumaliktad ang sikmura ko at simutin lahat ng laman sa sobrang pagkahilo. Ipinagbalat ako ni Mama ng dalanghita, piniga-piga nya ang balat para lumabas ang amoy at inilapit sa ilong ko. Malaking tulong yun sa akin nakakabawas sa pagkahilo. Lima hanggang anim na oras na ganun ang tagpo sa bus. Bago pa makarating ng Maynila ay daig ko pa ang lantang gulay. Ganito na naman panigurado bukas, kaso nga lang wala si Mama na magtatalop ng dalanghita. Di bale, magkikita kita naman kami pagkatapos.

Sept. 27, 1995

Mga alas otso kami ng umaga lumuwas. Kaming magkakapatid,  kasama si Nanay at si Kuya Anjo.  Excited ang lahat,si ate nagbaon pa ng nilagang itlog baka daw kami gutumin sa byahe.  Nung una’y ayos pa naman ako. Sight-seeing sa mga bukiring nadadaanan. Pero sa bawat pagpreno ng bus ay sumasabay sapag-ikot ang sikmura ko. Unti-unting umikot ang paningin. Bumigat ang pakiramdam. Walang epekto ang bonamine. At inilabas ko lahat ng kinain. HIndi lang pala ko ang ganun, pati si Nanay, duet kami.

Pasado alas dos na nang makarating kami ng Maynila, at dahil sabik kaming makita si Mama, napagkasunduan na naming dumerecho sa Chinese General Hospital.

Halos isang buwan na din syang naka-confine doon mula nang ilipat sya ng ospital ni Papa mula sa probinsya. Kahit nung nasa ospital pa sya sa probinsya ay di namin sya nadalaw. Bawal daw ang bata sa ospital.

Maliit ang ospital sa probinsya at hindi matukoy ang sakit ni Mama, kung kayat mismong doktor na ang nagsabing mas makakabuti kung madadala si Mama sa Maynila para masuri ng mga espesyalista. Humingi ng tulong si Papa sa Mayor para sa ambulansya, pero sa kasamaang palad ay walang available nung araw na yun. Ayaw nang ipagpaliban pa ni Papa, ang paglipat ng ospital. Kaya minabuti na lang nyang bumili ng folding bed at magrenta ng jeep para madala agad si Mama sa Maynila. Hindi naging maganda ang unang tagpo sa ospital, palibahasa’y naka-tsinelas at nakapambahay lang si Papa,  hindi agad inasikaso. Isipin mo ang anim na oras na byahe at sa jeep pa. Awang-awa ako kay Papa nung kinukwento nya yun.

Narating namin ang ospital katirikan ng araw. Sinita kami ng guard na naka-duty, may kasungitan sya. “Hindi pa oras ng dalaw, alas tres pa.” Wala kaming nagawa kundi maghintay sa lilim ng maliit na puno sa may gilid. Parang countdown naming hinintay bawat segundong lumipas.  Ano ba naman ang ilan pang minutong ipaghihintay kumpara sa pinagdaanan namin sa halos anim na oras na  byahe at ilang linggong di pagkikita.  Ilang saglit na lang, nasa loob lang ng ospital na yun si Mama at hinihinaty kami.

Alas tres impunto, pinapasok naman kami ng wala nang tanong-tanong. Nauna sa paglalakad ang pinsan ko at si kuya, at bago pa man kami makarating sa kwarto papalabas na sila. “Nakauwi na daw sila Mama” salubong ni kuya na nakangite.  Lahat ng pagod, gutom  at kaba biglang nawala napalitan ng pananabik  sa narinig naming yun. Lahat nakangite. Nabuhayan  ng loob. Sabay sabay kaming naglakad papalabas  nang tanungin kami ulit ng guard. Nagtaka siguro na kakapasok lang namin ay palabas na agad.

“Sino bang  hinahanap  nyo?”…  “Si Ligaya S_______ po”…

“Ahhh wala na…  nakaburol na sa Tondo.”

Madaling araw ng araw na yun pumanaw si Mama.