minsan malambot, minsan makunat…

Archive for Enero, 2010

guilt… guilt… guilt…

nahihirapan ako ngayon. ilang araw kong tiniis. kala ko, mauna sya magparamdam, khit ano lang sabihin nya. ung normal namin. pero wala. para akong tanga, ayoko syang itext pero nag-aantay ako ng reply, anu un mental telepathy?! engot ko. hayst.

sabi nya dati, dont go near the clift, kung alam mong mahuhulog ka. pero anong ginawa ko? lumapit ako at isinama ko pa sya. ayun, pareho kaming nahulog. ang hirap ng gantong pakiramdam. kase naman ini-expect ko syang pigilan ako. kaso baliktad ang nangyari, naisama ko sya, di nya ko pinigilan. sabi nya gusto ko pa daw bang lumapit. di ako nagsalita. ang totoo natatakot ako, pero nakita ko sa mata nya na gusto nya. hinawakan nya ko sa kamay, hinayaan ko sya. sabay kaming lumapit. palapit ng palapit sa bangin. bumagsak. nahulog kami pareho.

nagtatawanan pa kami nun maghiwalay pauwi. di nya napansin un sugat ko, nagdudugo. di ko din napansin kung nasugatan sya, parang wala naman.  baka pilay. wag naman sana.

ambigat ng pakiramdam na may naligaw ng landas ng dahil sayo… lalo na  malapit sayo.


Trip ko lang magpaka-cheesy!

Trip ko lang magpaka-cheesy! wahahaha…

ang eksena: Lalake bumisita sa bahay ni babae…

“Pa-open nman neto please… di ko mapihit e.”

“Bakit pa kelangan magbukas ng coke?”

“Para sayo…”

“Bat kelangan pa ng coke?  e…  ikaw naman ang happiness ko.”

“hihihi… kaw talga.”

“may tanong pala ko….”

“ano yun?”

“Google ka ba?”

“huh?”

“Kase lahat ng hinahanap ko nakita ko na sayo…”

“Oi, hindi lahat lahat ng ginagawa mo natutuwa ako ha…”

“Ay, sorry na …” (namula sa hiya si lalake)

“minsan kinikilig ako… ” (wahahaha, an landeeeeee!!!)

“teka, anong oras na pala?”

“baket? uwi ka na agad?”

“hindi naman, pero pag kasama kase kita parang tumitigil ang oras e…” (naks! an lupeeeet!)

sobrang chessy talaga!!! waaaaaaaahhhhhh!


monday blues

naku po.. lunes na naman. sana every other day na lang ang pasok (tas ang sahod ganun pa din. ahehehe…). Hirap pag monday. Galing ka ng weekend na puro gala, parang ngayon pa lang sana makakapahinga. An lamig pa sa umaga, antagal nakaupo sa trono, wala naman lumabas. Actually di naman ako natatae, pinapakiramdaman ko pa kase ung tubig, onti onti lang buhos…  ahehehehe… Ayun. Late tuloy. At ngaun, eto, walang magawa.
“tamad tamaran ka na naman”
“oo nga e… ang mahirap andyan mga boss, mas mahirap magpanggap na busy.”
“magtrabaho ka kaya”
“hayyy… wala nga magawa e, nakakapagod pumetiks..”
“ahahaha… kapal talaga!”
“oi, di ah. kala mo ako lang ganto dito? lahat kaya. mas magaling lang silang magpanggap na busy… kala mo ah!”
“oo na, gumaya ka naman.”
“ahehehe… kaya nga ko nahihirapan e, parang nakakahiya lalo andito mga boss…”

“kaya mo yan…”

“ang magpanggap na busy???”

“toink! ndi, hanap ka ng kapakipakinabang na magagawa.”

“ok. sana may ma-accomplish  ako ngayong araw na to.”


hayyyyyyyyyskul reunion

Waaaahhh! Unang post ko to. Ayun.

Maaga ko nagising ngayon, kaso ewan ko kung ano bang ginawa ko at pass 7am na ko nakaalis ng bahay, pangatlong late ko na ata to para sa unang buwan ng taon. Ayos! Hayst.

Natuwa lang ako sa usapan ng nakasabay ko sa jeep kanina (“ay chismoso.” … “di ah, nasa pagitan kase nila ko kaya naririnig ko” …”wosho, ikaw pa biktima ganun?” … “ahehehe”). At sila ang bida sa kwento ko. 😀

“Nong, eto bayad oh”

“Wag na. Ayos na yan.”

“Kaw talaga… ”

“Hehe…”

“Magkabatch ba tayo?”

“Ha? Hindi. Si Emil.”

“Ahhhh…. Kayo ba magka-batch? Umatend ka ng reunion nyo? ”

“Oo, kabatch ko asawa mo. Sumama kami sa reunion. ”

“Kumusta? Di nman payabangan?”

“HIndi…Dun kami sa Tonya’s, bago nga dumating samen, ok na e.” (Ano kaya un?)

“Ha? Anong bago dumating sa inyo?”

“Ang dami kase nag-uwian galing abroad. Sila Cynthia, Bert…” (madami pang pangalan yan)

“Ah talaga? Umuwi talaga para sa reunion. Ayos un ha. Ano nga un sinasabi mong di na umabot sa inyo?”

“Ah un bill, pagdating samen, kumpleto na ung bayad e. Hahaha! Puro galing abroad e. Nagkangitian na nga lang kami nila Emil. Tas tumawag pa nga  cla Ron, nasa Starbucks lang daw sila”.

“Sumunod pa kayo dun?”

“Oo.. Lapit lang e..” (madami pa sya sinasabi. halatang excited magkwento.)

“Madami kayo? Ano ba yun, section nyo lang?”

“Mga 60 siguro kami. Halo halo na un ng batch, mga section 1-4… Si Cynthia kumuha ng lahat sumama at contact numbers .”

“Cynthia Espiritu?”

“Hindi.”

“Cunanan?”

“HIndi, ICAM un e. Nagtampo nga daw nun nalaman na may reunion. E ICAM naman sya nun.Un reunion nga namen preparation lang un para sa 2011 e.” (hmmm… nalilito na ko dito, halo halo sagot ni mamang driver… ano kayang meron sa 2011?  di ba 2012 un? Ahehehe…)

“Nong dyan na lang ako sa may ICAM ha, may ihahatid ako sa anak ko. ”

“Oo ICAM sya nun elementary… (tuluy tuloy pa din sa pagkkwento)”

“Dyan na lang ako sa ICAM, wag mo ko ilagpas.”

Tuloy pa din c Mamang driver a.k.a. Nong sa pagkkkwento. Lalagpas na si Ale. Ahahaha

“Para! dyan na lang ako sa tabi!” (buti na lang libre pasahe nya kundi malamang nanggagalaiti na to sa driver)

“Ah dito ka na ba? O cge, ingat.”

“Salamat…”

Hayyy… kakainggit naman sila. Ilang taon na din akong wala sa high school. Almost 10 years na din.

Kakamiss. Simpleng simpleng buhay…  Kumusta na kaya sila ngayon? San na kaya sila? Malamang ung iba may pamilya na (“talaga! Pagka-grad nyo pa nga lang ng hiskul dami na nabuntis e!” … “oo na… shadup!”)

Di na ko aasa ng reunion ng elementary, wala na ko contact sa kanila e, sa probinsya kase ko nag-elementary. Kelan kaya hiskul reunion namen? Nga pala schoolmate ko un dalawang nag-uusap, si aleng pasahero at mamang driver. Siguro nasa 40’s na sila. Imagine ganun na katagal lumipas, pero kung magkwentuhan sila parang last week lang sila nag-high skul. Ahehehe… Sana un 2011 na binabanggit ni Mamang Driver ay Grand Reunion ng High School namen… 🙂


Hello world!

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!