minsan malambot, minsan makunat…

hayyyyyyyyyskul reunion

Waaaahhh! Unang post ko to. Ayun.

Maaga ko nagising ngayon, kaso ewan ko kung ano bang ginawa ko at pass 7am na ko nakaalis ng bahay, pangatlong late ko na ata to para sa unang buwan ng taon. Ayos! Hayst.

Natuwa lang ako sa usapan ng nakasabay ko sa jeep kanina (“ay chismoso.” … “di ah, nasa pagitan kase nila ko kaya naririnig ko” …”wosho, ikaw pa biktima ganun?” … “ahehehe”). At sila ang bida sa kwento ko. 😀

“Nong, eto bayad oh”

“Wag na. Ayos na yan.”

“Kaw talaga… ”

“Hehe…”

“Magkabatch ba tayo?”

“Ha? Hindi. Si Emil.”

“Ahhhh…. Kayo ba magka-batch? Umatend ka ng reunion nyo? ”

“Oo, kabatch ko asawa mo. Sumama kami sa reunion. ”

“Kumusta? Di nman payabangan?”

“HIndi…Dun kami sa Tonya’s, bago nga dumating samen, ok na e.” (Ano kaya un?)

“Ha? Anong bago dumating sa inyo?”

“Ang dami kase nag-uwian galing abroad. Sila Cynthia, Bert…” (madami pang pangalan yan)

“Ah talaga? Umuwi talaga para sa reunion. Ayos un ha. Ano nga un sinasabi mong di na umabot sa inyo?”

“Ah un bill, pagdating samen, kumpleto na ung bayad e. Hahaha! Puro galing abroad e. Nagkangitian na nga lang kami nila Emil. Tas tumawag pa nga  cla Ron, nasa Starbucks lang daw sila”.

“Sumunod pa kayo dun?”

“Oo.. Lapit lang e..” (madami pa sya sinasabi. halatang excited magkwento.)

“Madami kayo? Ano ba yun, section nyo lang?”

“Mga 60 siguro kami. Halo halo na un ng batch, mga section 1-4… Si Cynthia kumuha ng lahat sumama at contact numbers .”

“Cynthia Espiritu?”

“Hindi.”

“Cunanan?”

“HIndi, ICAM un e. Nagtampo nga daw nun nalaman na may reunion. E ICAM naman sya nun.Un reunion nga namen preparation lang un para sa 2011 e.” (hmmm… nalilito na ko dito, halo halo sagot ni mamang driver… ano kayang meron sa 2011?  di ba 2012 un? Ahehehe…)

“Nong dyan na lang ako sa may ICAM ha, may ihahatid ako sa anak ko. ”

“Oo ICAM sya nun elementary… (tuluy tuloy pa din sa pagkkwento)”

“Dyan na lang ako sa ICAM, wag mo ko ilagpas.”

Tuloy pa din c Mamang driver a.k.a. Nong sa pagkkkwento. Lalagpas na si Ale. Ahahaha

“Para! dyan na lang ako sa tabi!” (buti na lang libre pasahe nya kundi malamang nanggagalaiti na to sa driver)

“Ah dito ka na ba? O cge, ingat.”

“Salamat…”

Hayyy… kakainggit naman sila. Ilang taon na din akong wala sa high school. Almost 10 years na din.

Kakamiss. Simpleng simpleng buhay…  Kumusta na kaya sila ngayon? San na kaya sila? Malamang ung iba may pamilya na (“talaga! Pagka-grad nyo pa nga lang ng hiskul dami na nabuntis e!” … “oo na… shadup!”)

Di na ko aasa ng reunion ng elementary, wala na ko contact sa kanila e, sa probinsya kase ko nag-elementary. Kelan kaya hiskul reunion namen? Nga pala schoolmate ko un dalawang nag-uusap, si aleng pasahero at mamang driver. Siguro nasa 40’s na sila. Imagine ganun na katagal lumipas, pero kung magkwentuhan sila parang last week lang sila nag-high skul. Ahehehe… Sana un 2011 na binabanggit ni Mamang Driver ay Grand Reunion ng High School namen… 🙂

Advertisements

13 responses

  1. wow sarap sana mag reunion. year 2000 ng magkaroon kami ng reunion ng mga hiskul batch ko since den wala ng reunion hehe. Salamat sa pagdaan sa bahay 🙂

    Enero 14, 2010 bandang 11:58 umaga

    • salamat sa pagdaan etcosera!:)
      tara reunion tayo… wahehehe… 😀

      minsan nagreunion kami ng section lang namin, Dec 2008 yata. wala pang sampu umatend, ang malala pa, karamihan mga barkada ko din na madalas ko nman nakakasama. hahaha 🙂

      Enero 14, 2010 bandang 1:20 hapon

  2. waaah..kakatapos lang ng 60th grand reunion namin ng skul ko…di ako naka-attend…pano naman mahal ng pamasahe…!!!sayang talaga!

    Enero 14, 2010 bandang 7:33 hapon

    • waaaah! sayang naman. makitingin ka na lang sa mga pics nila sa facebook kuya blu. 🙂
      nilagay pala kita sa blogroll kuya 🙂

      Enero 15, 2010 bandang 1:59 hapon

  3. nakakaexcite ang mga reunion.
    makikita mo ang mga pagbabago sa pisikal na anyo, sa estado, at malamang pati sa ugali.
    ang nakakatuwa ay nandyan pa rin ang trademarks ng bawat isa. may malakas tumawa, mahinhin kumilos, maarte, magiliw, bibo, at iba pa…

    wow. 10 years na po kayong di highschool.. mabilang nga…
    siguro 20 up kayo?

    Enero 15, 2010 bandang 3:29 hapon

    • hahaha! tama, ung trademarks ng bawat isa. ung pinkamahinhin sa klase ang unang nabuntis. wahahaha! joke lng (pero totoo un sa batch namen hehehe…) tapos pag nagkikita kita kami ng ibang mga classmates ko, paulit ulit lang nman pinagkkwentuhan, pero un tawa ganun pa din. mas riot siguro kung grand reunion. 🙂

      oo nasa mid-20s ako. 🙂

      Enero 15, 2010 bandang 4:50 hapon

  4. aw, kaka-miss ang dami ko na ring reunion at gatherings na di pinuntahan.
    feeling ko kasi wla akong ipagmamalaki… dahil isa akong hampas-lupa kumpara sa mga ex-crushmates ko. ahaha!

    sorry naman, naki-ride lang sa jeep at inasam ang beef tapa na muling matikman… 🙂

    Enero 17, 2010 bandang 11:45 hapon

  5. nyay! sayang naman. di ka naman pupunta dun para makipagsabayan sa mga mayayabang (for sure meron at meron dun magyayabang). hehehe.. nakakamiss ang skul days at un ang gusto mong balikan. tama? 🙂
    para din syempre makita kung ganu na kataba un crush mo dati. ahahaha! (salbahe ko talaga…)

    salamat sa pagdaan G. taga-bundok… sizzling beef tapa, coming up! 😀 (nakakagutom tuloy. ahehehe)

    Enero 18, 2010 bandang 9:31 umaga

  6. oo nga! iba talaga ang mga reunion. dun nagkakabukingan at nagkakabiglaan kung sino nagkatuluyan o si ano may gusto pala ke ano tapos kalaunan mag-asawa na sila. haaay… yung batchmates ko halos matagal ko na sila di nakikita. pero at least my e-group na minsan dun ko nasisilip ang mga ilang balita.

    teka, di ba my DQ party? pede ba yun parang reunion kuno?

    Enero 19, 2010 bandang 12:29 hapon

    • salamat sa fb at fs, kahit papano nakakabalita pa din sa mga dating classmates. mas masarap magkwentuha ng harapan at pagtawanan sabay sabay ang skul days. ahehehe…

      DQ po ba kuya? hmmmmm… mami kaye oh, DQ daw. hahhaha 😀

      Enero 20, 2010 bandang 10:13 umaga

  7. yiN

    Sana kami matuloy yung samen ngayong mayo, o abril, o marso yata. Ewan. Kakamis ang haiskul!

    Enero 24, 2010 bandang 8:26 hapon

    • ayos yan. summer ang reunion. usually December reunion d b?

      Enero 24, 2010 bandang 9:27 hapon

  8. Pingback: But I Won’t do That. « Maskara

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s