minsan malambot, minsan makunat…

monday blues

naku po.. lunes na naman. sana every other day na lang ang pasok (tas ang sahod ganun pa din. ahehehe…). Hirap pag monday. Galing ka ng weekend na puro gala, parang ngayon pa lang sana makakapahinga. An lamig pa sa umaga, antagal nakaupo sa trono, wala naman lumabas. Actually di naman ako natatae, pinapakiramdaman ko pa kase ung tubig, onti onti lang buhos…  ahehehehe… Ayun. Late tuloy. At ngaun, eto, walang magawa.
“tamad tamaran ka na naman”
“oo nga e… ang mahirap andyan mga boss, mas mahirap magpanggap na busy.”
“magtrabaho ka kaya”
“hayyy… wala nga magawa e, nakakapagod pumetiks..”
“ahahaha… kapal talaga!”
“oi, di ah. kala mo ako lang ganto dito? lahat kaya. mas magaling lang silang magpanggap na busy… kala mo ah!”
“oo na, gumaya ka naman.”
“ahehehe… kaya nga ko nahihirapan e, parang nakakahiya lalo andito mga boss…”

“kaya mo yan…”

“ang magpanggap na busy???”

“toink! ndi, hanap ka ng kapakipakinabang na magagawa.”

“ok. sana may ma-accomplish  ako ngayong araw na to.”

Advertisements

28 responses

  1. lababo

    pareho tayo. may dapat gawin pero tinatamad. aywanaresign! haha

    Enero 18, 2010 bandang 12:42 hapon

    • hey lababs! nakow! tink tways muna! hirap buhay ngayon. pero kung in demand naman ang field mo edi bayolmins!

      kumusta na?

      Enero 19, 2010 bandang 12:14 hapon

      • lababo

        may nangyari na naman kuya bong, see recentest post (di kaya ako mabugbog ng titser ko ng eng1 dito? haha) kaya lalong umigting ang pagnanais kong magresign. Hay. Hindi naman siya in demand ata pero anjan naman ang mga kaklase dati na may alam na mga bakante…

        Enero 19, 2010 bandang 4:14 hapon

  2. wahahaha! di pa pede mag-resign, kaylangan ng pagkakakitaan. at least may bayad kahit pumipetiks! hahaha 😀

    Enero 18, 2010 bandang 3:56 hapon

  3. awts pareho tayo walang magawa sa opis,,mas mahirap at nakakapagod ang petiks sa work..

    Enero 18, 2010 bandang 4:02 hapon

    • tama ka dyan bb. etchosera, buti sana kung me pa-popcorn habang pumipetiks! wahahaha! abusado. hahaha

      Enero 18, 2010 bandang 4:46 hapon

  4. lababo

    pero naiisip ko may ibang kumpanya na pwedeng bayaran ako nang mas malaki sa pagpetiks. haha

    Enero 18, 2010 bandang 4:02 hapon

    • Hahaha! ayos yan lababo ah, gusto ko din yan, mas malakeng bayad sa pagpetiks. kung iisipin mo nman kase mas mahirap magpanggap na busy kesa ung busy ka talaga. ahahaha… 🙂
      pede kaya ko humingi ng increase??? wahahaha

      Enero 18, 2010 bandang 4:45 hapon

  5. hahahah nakakaaliw..

    natawa ko sa may pahinga dapat after gala. hehehe

    buti ka pa nga may gala. may weekends. ako day off ko wednesday lang pano naman ako. haha

    Enero 18, 2010 bandang 10:06 hapon

    • Hay ako din. Ang gala ko, maglakad sa loob ng Alabang Town Center para makarating sa terminal ng van. Gala ba yun?

      Isa pang nakakaaliw. Buti ka pa, may kita kahit walang ginagawa. Ako, may ginagawa all the time. Malaki nga kita, ala naman kwenta. Ahahaha!

      Enero 19, 2010 bandang 2:02 umaga

      • @jason: may weekends ka naman ah! nasa office nga lang. ahehehe…
        ganun talga, after ng gala dapat may pahinga pa. ahahaha

        @chad:ang hirap naman ng trabaho mo, wala ng gala halos tapos lagi pang busy sa trabaho.. manlibre ka kaya? para maiba, tutal malake nman kita mo. ahehehe

        Enero 19, 2010 bandang 10:25 umaga

  6. Ahaha! Di ako makarelate sa day-off at gala…

    …gusto ko maranasan ang mga yan pati ang pag-petiks. 😀

    Enero 18, 2010 bandang 11:12 hapon

    • nakakalungkot nman yan taga-bundok kung puro work work work. umuwi ka muna ng pinas at pumetiks sandali. 🙂

      Enero 19, 2010 bandang 10:27 umaga

  7. WildCat

    Maraming galit sa Mondays dahil nga iyon ang simula ng araw-araw na trabaho sa opisina. Ako kapag tinatamad nagbababad sa internet o kaya naman matutulog. Hahaha

    Enero 19, 2010 bandang 3:52 umaga

    • wahahaha! maghapon din internet ko mula ng mahilig ako sa bloghopping at ngayon may sarili na din akong blog.. di ako makatulog dito sa ofc, dami tao e, obvious masyado na walang ginagawa. at least sa internet kala nila nakatutuok p din sa trabaho, at naka-tiger look pa! wahahaha 😀

      Enero 19, 2010 bandang 10:29 umaga

  8. kaye

    hmmm…masarap magpetiks pero mahirap nga magpanggap.

    lika dito, gusto mo ng magagawa? dami ko kasi natambak na trabaho dahil matagal akong wala. gusto mo ko tulungan? 😉 wala nga lang bayad. hahaha! ah. masarap pa rin magpetiks kasi binabayaran kahit papano. hehehe

    Enero 19, 2010 bandang 10:17 umaga

    • wow! mami kaye, ur really back! at nandito ka pa, nakakatuwa naman…
      sige, tulong ako basta sama mo ko sa DQ. ahehehe

      Enero 19, 2010 bandang 11:31 umaga

      • kaye

        sempre naman at pupuntahan kita. tagal na nga ako nagtataka bakit wala kang site eh. at ngayon na meron na, shempre happy ako for you. 🙂

        pwede na ulit magplano ng DQ party. sige ba, sama ka. 🙂

        Enero 19, 2010 bandang 1:10 hapon

  9. hi po! makikigulo lang. akshuwali, hirap nga ng lunes kasi kelangan ulit gumana ang utak ng medyo seryoso sa trabaho. pero ganun tlaga para sa pamilya at sa mga pang-araw-araw.

    ako kakalipat lang ng bagong trabaho at nasa pangalawang week pa lang ako. pero kapa galore sa trabaho pero sabi nga ng asawa kong si Kaye, kaya ko ‘to! yun lang enuf na for me lagi to get by and do my work well.

    di bale, mas masaya naman yang syo bayad ka lang ng papetiks petiks. pero alam ko sa abroad (di ko matandaan kung saan) na may isang trabaho na mataas ang sweldo, na gagawin mo lang ay maglaro at mag-enjoy. yun ang kakaiba!

    makikigulo ulit ako next time ha! *kaway kaway*

    Enero 19, 2010 bandang 12:22 hapon

    • “sabi nga ng asawa kong si Kaye, kaya ko ‘to! yun lang enuf na for me lagi to get by and do my work well” –> ang sweet nman tlga oh! si mami kaye ang “google” mo kuya bong! (magulo ata, mami tapos kuya. ahehehe)

      interesado ako sa trabahong yan abroad ha, hmmmm… sabihan mo ko kuya pag naalala mo na kung san un.

      Enero 19, 2010 bandang 4:56 hapon

  10. i know you.

    Enero 19, 2010 bandang 3:09 hapon

  11. wes

    Ano po kasi work mo?

    Enero 24, 2010 bandang 8:11 hapon

    • chikret, baka mahuli pa ko. hihihi… ayun.

      Enero 24, 2010 bandang 9:38 hapon

  12. yiN

    Ako wala yang lunes lunes blues na yan, martes nag-uumpisa linggo ko hekhek.

    Enero 24, 2010 bandang 8:27 hapon

    • wahahaha! ang kuleeet! martes nga nman umpisa ng workdays mo, kaya walang kang monday blues. hahahah. adik.

      Enero 24, 2010 bandang 9:20 hapon

  13. Pingback: But I Won’t do That. « Maskara

  14. haha… ang galing nito. bow. 😀

    Marso 15, 2011 bandang 7:22 hapon

    • ahahaha! inulit kong basahin yung post, natawa lang ako sa sarili ko. ang sipag ko magsulat nung umpisa, kausap ko po nyan sarili ko.

      maraming salamat po! ate susan?

      Marso 16, 2011 bandang 8:58 umaga

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s