minsan malambot, minsan makunat…

guilt… guilt… guilt…

nahihirapan ako ngayon. ilang araw kong tiniis. kala ko, mauna sya magparamdam, khit ano lang sabihin nya. ung normal namin. pero wala. para akong tanga, ayoko syang itext pero nag-aantay ako ng reply, anu un mental telepathy?! engot ko. hayst.

sabi nya dati, dont go near the clift, kung alam mong mahuhulog ka. pero anong ginawa ko? lumapit ako at isinama ko pa sya. ayun, pareho kaming nahulog. ang hirap ng gantong pakiramdam. kase naman ini-expect ko syang pigilan ako. kaso baliktad ang nangyari, naisama ko sya, di nya ko pinigilan. sabi nya gusto ko pa daw bang lumapit. di ako nagsalita. ang totoo natatakot ako, pero nakita ko sa mata nya na gusto nya. hinawakan nya ko sa kamay, hinayaan ko sya. sabay kaming lumapit. palapit ng palapit sa bangin. bumagsak. nahulog kami pareho.

nagtatawanan pa kami nun maghiwalay pauwi. di nya napansin un sugat ko, nagdudugo. di ko din napansin kung nasugatan sya, parang wala naman.  baka pilay. wag naman sana.

ambigat ng pakiramdam na may naligaw ng landas ng dahil sayo… lalo na  malapit sayo.

Advertisements

18 responses

  1. haiz

    Enero 25, 2010 bandang 5:41 hapon

  2. wala akong masabi,,alam mo na un…

    Enero 25, 2010 bandang 5:41 hapon

    • yeah, opo. alam ko na. salamat…

      Enero 26, 2010 bandang 2:07 hapon

  3. Hoh noh!!! Alam ko kung bakit di halata kung me sugat siya o wala. Internal hemorrhage yung pag-durugo niya.

    Sad naman nito.

    Enero 25, 2010 bandang 11:21 hapon

  4. dhyoy

    hindi mo naman ginusto yun eh… instead na maguilty ka, find a way na mabilis gumaling ang mga sugat.

    Enero 27, 2010 bandang 12:03 umaga

    • maraming salamat miss Joyo… heard so much good things bout you 🙂

      Enero 27, 2010 bandang 1:43 hapon

  5. kaye

    hmmm…ano na ngayon, friends and lovers ba ang tema natin?

    hala… kahit malungkot ang post mo parang natuwa at kinilig pa ako. hehe. hopeless romantic e. sorry na.

    bakit kasi pwede namang tawagan, naghihintayan pa. tapos pahihirapan mo ang sarili sa paghihintay. gumawa ka ng paraan para kausapin siya at nang maitanong sa kanya kung kumusta, nasugatan din ba siya? may pilay ba? nakakalakad na ba siya?

    hay. very symbolic, pero… basta! 😉

    Enero 28, 2010 bandang 1:13 hapon

  6. salamat mami kaye. di ko po kase makwento ng derecho. much better na po though di pa din ganun kalinaw. sugat? gusto nya ipakitang ayos sya, ayos ang lahat, pero iba po nararamdaman ko (o paranoid lang ako?)

    napangite mo ko mami sa kilig kilig mo. hehehe

    Enero 28, 2010 bandang 1:51 hapon

  7. hmmmm….self-control

    Enero 29, 2010 bandang 6:48 umaga

    • tama kuya blu… at mahina ako dun lalo na kung lahat ay umaayon, sitwasyon, lugar, oras. mahirap.

      Enero 29, 2010 bandang 10:00 umaga

  8. pruelpo

    hehehe, galing ng story lines. magaling na ba ang sugat? sarap basahin. nakiraan lang.

    Enero 29, 2010 bandang 7:10 hapon

    • tingin ko di pa tuluyang magaling, ayoko tanggalin ang bandage, baka lalong lumake ang sugat. sa ngayon ganun na lang po muna…
      salamat po sa pagdaan…

      Enero 29, 2010 bandang 10:24 hapon

  9. that’s what the gravity of earth and the gravity of love’s common denominator.

    you can’t resist the fall.

    Enero 30, 2010 bandang 2:37 umaga

    • tama, kaya minsan mas magandang sabayan na lang at i-enjoy, kesa labanan at masaktan.

      Pebrero 1, 2010 bandang 11:26 umaga

  10. ha? nakikialam na rin. lol.

    Enero 31, 2010 bandang 8:42 hapon

  11. haha! natawa ko sayo.

    salamat sa pag daan..

    Pebrero 1, 2010 bandang 11:27 umaga

  12. Pingback: But I Won’t do That. « Maskara

  13. hello.

    hmm… may nangyari kayang kasunod ang kwentong ito? baka isang vignette lang na pampakilig sa readers? “]

    sino ba ang mas guilty, iyong sanay na nandawit ng walang karanasan? o, iyong walang karanasang nais sumubok ng panganib – kung paano malagay sa bingit? :s

    ang huli ay tila handang masugatan. ang una ay tila hindi handang mandamay, haha. ba’t di na lang sya kaya nagpatihulog mag-isa?

    just wondering aloud. ang higpit kasi ng impluwensya ng wallpaper na cliff, e. hihi. 😀

    Marso 13, 2011 bandang 7:31 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s