minsan malambot, minsan makunat…

Archive for Pebrero, 2010

fx habits

Nagising ako kanina sa fx  nang biglang lakasan ni manong driver radyo nya, aba tambalan na pala. Ugali ko na matulog sa fx, mahaba-haba din ang isang oras na byahe (di pa kasali dyan ung 30-40 mins jeepney ride galing sa bahay). Di naman ako naasar, napangite pa nga ako sa mga kaadikang hirit ni nicole-hyala. An tagal ko nang di nakakapakining ng fm sa umaga. Na-adik ako sa tambalan dati, araw araw pagpapasok na ko sakto un sa time slot nila. Pero pag tagal tagal magsasawa at magsasawa ka sa routine nila. Lumipat ako nung time na un ng sinusubaybayan. Naki-good times with Mo ako. Un ung time na nauso ung laro nyang forbidden questions. Sinubaybayan ko ung show mula nang si andi9 pa ang kasama nila, tas papalit palit ng guest dj nung mag-quit si Andi, naging si Maui (ang batang may boobs  ayun kay wilma), pero di nagtagal pinalitan sya ni Wilma Doesn’t (ewan ko kung tama spelling, wateber). Then alam ko bumalik ulit si Andi for a while, pero muling umalis at ngayon si Grace Lee na kasama nila Mo at Mojo.  Tlgang kinwento ko pa. hahaha… Bkit nga ba Andi 9? Kung loyal listener ka daw ng show masasagot mo un. Ang tanda ko, andi 9 kase almost perfect na daw si andi (based kay mo) medyo sumablay lang sa boobs. hehehe… ayun. Ung kulang kay Andi kay Grace nag-uumapaw, sobra sobra! wahahaha! The twins pa nga ang tawag nila. Hahaha! 😉   Kahit nung di na regular ung forbidden questions nila na every wednesday sa pagkakatanda ko, lagi pa din ako nakikinig sa kanila. Gusto ko kase ung mga kantang pinapatugtog ni Mo. Dun ko nalalaman mga bagong kanta actually.

After sometime, nagsawa din ako sa pakikinig sa madalas na conceited na si Mo. Ahehehe… Lipat naman ako sa masasabing classic na, na sina Chico & Dela Mar sa Morning Rush. Kaya nga ko may link ng blog ni chico (*turo sa gilid). Sinubaybayan ko ung top10 nila na may iba ibang topic. Kahit seryosong topic, laging merong pang-adik na entry.

Nang magsawa na ko sa routine ko na pagkasakay ng fx e salpak ng headset, tulog na lang ginawa ko. Pagkaupo, kandong ng bag, akap, tulog time. hehehe… Di na ko nkapakinig ng top10 sa morning rush, kaya sa blog ko na lang sinubaybayan. Kaya may link ako ng blog ni chico (*turo sa gilid). Di ko nman nababasa lahat ng entries nya, mostly ung top10 lang talga saka ung mga entries nya ng pag may photo shoot sya.  Astig ng mga kuha nya, ang galing. Mahilig din ako sa photography pero wala kong slr o dslr, digicam lang meron ako. At dahil ako ang may cam, madalas ako nagiging photographer ng tropa pag may out of town. Next time mag-post ako ng mga kuha ko, cybershot nga lang gamit ko. 🙂

Ang layo na naman ng narating ng kwento ko. hahaha… Tungkol dapat to sa tambalan kaninang umaga. Oh well, dahil dyan, di ko na makkwento mga kaadikan nila Nicole-hiyala at Cris-tsuper. hahaha! pero na-miss ko ulit makinig ng radio show. Masubukan nga ulit bukas, sana lang di ako antukin…

Advertisements

kumusta ka?

kumusta ka amoy usok na tinapa, maanghang na caldereta, malasang corned beef at malinamnam na roast beef? ahehehe… pambungad pa lang kaadikan na. patay tayo dyan….  o sya, medyo serious to, malamang karamihan ng mapopost ko nman talaga dito ay more on my serious side, ung mga nararamdaman ko na di ko mai-share sa tunay na buhay. umpisahan ko na ha…

(naisulat ko to kagabi bago matulog….)

nakakapagod. parang hapong hapo ako. alam mo ung pakiramdam na nahulog ka mula sa napakataas na lugar pero oras na ung lumipas e hindi ka pa din sumasayad sa lupa? lutang.  nasa ere pero di ka nman lumilipad kase nararamdaman mong bumubulusok ka pababa, at wala kang magawa kundi ramdamin ang malakas na hangin na sumasalubong. sa dami ng nangyari, di ko na lam kung pano ako magrereact sa mga bagay bagay. gusto ko ngayon maging sponge, ung tipong sasaluhin ko na lang muna lahat, ung hindi ko kaya, hahayaan ko na. gusto kong pumikit ng matagal, umasang makakatulog at sa muling pagmulat ng mata, hindi man ayos ang lahat, pero at least medyo settled na, kaylangan ko na lang makibagay, di ko na kaylangan makigulo, di ko kaylangan magdesisyon. makikisabay na lang. gusto kong lumayo, para pagbalik ko iba na ang sitwasyon, ung tipong wala na kong magagawa kundi tanggapin na lang kung ano man ang abutan ko. sa mga pagkakataong ganito, gusto kong marinig lahat ng sumbat at galit ng mga taong nasagasaan at nadamay dahil sa mga maling desisyon  ko. gusto kong maramdaman lahat un. ayoko ng ganto ako, para akong manhid. ayaw gumana ng utak ko, naghihintay na lang ng mangyayari… para akong zombie.

Bat ba ko nagkakaganito? Konektado to dito gulit…guilt…guilt...

(eto naman tumatakbo sa isip ko kanina, habang nasa byahe papasok ng opisina. first time na di ako nakatulog sa fx…)

Para akong nakakapit sa isang maliit na sanga na anytime ay pwedeng mabali. Dahil takot ako, ayokong bumitiw,  kaya pati sya pilit ding kumakapit. Ayaw nya kong iwan sa gantong sitwasyon. Nakikita ko nahihirapan sya, kahit  iba ang pinapakita nya. Pinipilit ko pa ding kumapit, ayokong bumitiw, tama, ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya pero ayoko syang bumitiw, ganun ako ka-selfish. Ang sama ko, hinintay ko pang umabot sa puntong tumulo ang luha nya sa sakit bago ako mahimasmasan sa mga nangyayari. Para akong tanga, naisip ko naman na anytime ay pwdeng mabali ang maliit na sangang yun. Alam ko din  na sa dulo kakaylanganin namin bumaba sa ayaw at gusto ko,  babagsak at babagsak  kami pareho. Pero I chose to prolong the suffering. Halos matunaw ako sa hagulgol na narinig ko sa kanya, wala ko nagawa kundi yakapin sya at mag-sorry ng paulit-ulit…  At ngayon heto na ako,  taking my first big  step.  I’m letting her go… I’m giving up. Sabay na kaming bibitiw. Walang kasiguruhan kung ganu kasakit ang pagbagsak, kung gano kabigat ang paghakbang papalayo. Hindi ko alam kung may matitira pa samen pagkatapos ng lahat, sana ma-save pa ang friendship. Alam ko mahirap at kumplikado. Pero tanggap ko na, tama na ang pagiging makasarili… Di ko maiwasan umasa, sa dami ng pinagdaanan namin, sa muli sanang pagku-krus ng landas, tuluyan nang naghilom ang sugat na ako ang may gawa…

Ayun. Pero ayokong tapusin ang post na to ng ganto kabigat. Sige, ibahin naten ng konti… Tulungan nyo kong sagutin tong isang tona di ko masagot mag-isa:

Eto ang eksena:  langaw na lumilipad sa loob ng kotse

At eto naman ang problema ko: pag umandar ba ung kotse, ibig sabihin ba nun lumilipad din ung langaw ng kasing bilis ng sasakyan? kase kung hindi, dapat tatalsik un sa likod na salamin? tama?  (teka kung windshield ang tawag sa salamin sa harap ng sasakyan, anong tawag dun sa likod? hmmm…) at pag pumreno ung sasakyan bakit hindi sila nauuntog sa windshield? kung 120kph ang takbo ng kotse, ganun din kabilis ang lipad ng langaw???


It doesn’t matter who you are, We all have our scars

“It doesn’t matter who you are, We all have our scars” eto  ym status ng isang kaibigan  kahapon. Madalas mga lyrics ng nagugustuhan nyang kanta ginagamit nyang status. At madalas din nagugustuhan ko ung mismong kanta. Kaya eto ako ngayon (inaaliw ang sarili, binababate-bate ang itlog sa ‘king tabi… ahehehe… naalala ko lang bigla ung green dept na kanta). Kaya eto ako ngayon, pinu-post ung kanta. Sa tulong ni mr. google nahanap ko naman. At gaya ng dati nagustuhan ko nga.. Di naman ako emo mode ngayon pero sobrang na-appreciate ko ung lyrics. Malamang idagdag ko to sa mga kantang pinakikinggan ko pag senti-mode ako.  🙂 🙂 🙂

Scars

-Allison Iraheta

Did I say something stupid?  There goes one more mistake…
Do I bore you with my problems? Is that why you turn away?

Do you know how hard I tried
To become what you want me to be?

Take me…
This is all that I’ve got
This is all that I’m not

All that I’ll ever be
I’ve got flaws, I’ve got faults
Keep searching for your perfect heart

It doesn’t matter who you are, We all have our scars
We all have our scars

You say don’t act like a child, But what if it’s a father I need?
It’s not like you don’t know what you got yourself into
Don’t tell me I’m the one who’s naive
Do you know how hard I’ve tried To become who you want me to be?

Take me
This is all that I’ve got, This is all that I’m not
All that I’ll ever be
I’ve got flaws, I’ve got faults
Keep searching for your perfect heart
It doesn’t matter who you are, We all have our scars
We all have our scars

Come on, just let it go… These are things you can’t control
Your expectations, your explanations… Don’t make sense to me… You and your alternatives
Don’t send me to your therapists
Deep down, I know what you mean
And I’m not sure that’s what I wanna be
No

Take me, This is all that I’ve got, This is all that I’m not
All that I’ll ever be
I’ve got flaws, I’ve got faults… Keep searching for your perfect heart
It doesn’t matter who you are,  We all have our scars… We all have our scars
Oh no no no

Did I say something stupid
There goes one more mistake…


walkathon

Wala pa din malinaw kung anu na next samen. ayun. mahirap. kala ko walang problema kung hahayaan na lang muna ung nangyari. lagi ako nag-iisip. kaya para di tuluyang mabaliw (OA! hehe…)  lumabas ako kahapon para maghanap ng screw para sa pang-exercise ko (may nabaling part kase). tagal ko nang balak ayusin un, di ko lang nabibigyan ng oras. nagpunta ko ng recto para maghanap ng nasabing screw, khit alam kong halfday lang ang mga hardware ng linggo, nagbakasakali na din. gusto ko lang din talaga maglakad lakad. mag-isip isip… nakarating ako sa recto, Tosuy ang target ko, kase lahat ng screw meron sila. takbuhan nmin un during college days para sa mga projects. As expected, bigo nga ako, kase sarado. Naglakad lakad ako, baka sakali may ibang bukas. Natawa ko kase may makita akong mama, ipinapasyal ang alaga nyang hayop. hahaha! alam mo kung ano? baboy damo! hahahaha! nakikita ko lang madalas un nakatali sa harap ng mga chinese resto. kahapon nakita ko pinapasyal na parang aso! ahehehe… Malapit na ko sa raon, kaya naisip ko sumadya na din dun. Kala mo pasyalan e no? hehehe… Gusto ko lang talga maglakad lakad. Madalas kami sa raon dati nun nag-aaral pa ko. Dito kami bumibili ng mga pam-projects. Pag may laboratory kami, takbuhan namin ang alexan, bili ng IC, transistor, LED, basta lahat ng kaylangan namin para sa kurso namin andun. (Parang SM, we’ev got it all for you! hehe…) Pag nagpupunta ng raon, di maiwasan magtingin ng mga DVD. Hahaha! Pero di sa mga movies, di nman ako bumibili ng dvd movies. hahaha! Back in college days, daming nagkalat na porn dvd’s, walang pinagbago, gang ngayon ganun pa din. Kasama ko mga barkada ko nun college, nakikihalungkat din kami. Nakikipagsabayan  sa mga malilibog na tao dun. hahaha! Gang ngaun napapatingin pa din ako, pero di na ko nakikalkal. wala kong balak. Kahit naman dati, mahilig lang ako makitingin pero never akong bumili. Sa paglalakad lakad ko naalala ko college life ko, namiss ko mga tropa ko. Medyo matagal tagal na pala ung huli nmin pagkikita kita, at di pa kami nakumpleto nun… Ganun siguro tlga pag may gumugulo sa isip mo, bumabalik ka sa time na  mas simple ang buhay, defense mechanism na din siguro ng utak, para di mag overheat. Sa paglalakad lakad kahit papano nakaka-refresh ng utak. Nkakabawas sa pag-iisip ng malalim.

After ko sa raon, nagtake out ako ng fries at float sa mcdo, sa may sta. cruz. sumakay ng jeep. Next stop, Intramuros. Tambay sa walls. Namiss ko to. Sa Intramuros ako nag-aral. walang nagbago ganun padin,  natatagpuan ko pa din sarili na naa-amaze sa lugar, samantalang tambay ako dito noon sa loob ng limang taon. I always find tranquility in the walls. Tambay habang kumakain ng fries at umiinom ng float at nakatanaw lang sa golf course. Gusto ko sana mahiga kaso nakaputi ako… Di na pala ko sa dating tambayan nakatambay. May entrance fee na kase sa baluarte, kung san nagppractive kami dati ng mga presentation namin para klase… Nang mainip ako, naglakad lakad sa Intramuros, an dami ng bago sa pamantasan. Wala na un mukhang squater na building sa gilid, napalitan na ng Corazon Aquino Building. May mga benches na sa bungad pagpasok mo ng gate. (Di ako pumasok sa loob ng skul, wala nman ako official business at isa pa, Sunday.) Ung dating quadrangle na may court ng basketball at volleyball, ngayon covered na. Astig. Ang dami nang malilit pang mga structures na itinayo sa school, 4 na taon na kong di nkapasok dun, ang dami nang bago. Mas gumanda. Apat na taon na din pala kong nagttrabaho ngayon. Sa paglalakad lakad ko, san na ba ko ngayon? Ahehehe…  masaya naman ako kung san ako napunta, di kasing laki ng ibang kabatch ko ang sahod pero ok naman. Mas pinili ko ang linya ng kurso namin, sila nman ay nagpunta ng programming… Tuwing sahod na may kasamang bonus, napapamura ako sa laki ng tax. Tumitigil na lang ako pag naiisip ko na nasulit ko nman ang gobyerno sa loob ng labing anim na taon. Mula kinder, elementary, high school, gang makatapos ng kolehiyo sa public school ako. Kaya dapat thankful pa din ako, iniisip ko na lang na ito ung way to give back, at isiping maraming bata ang mkakapag-aral sa mga tax na nahoholdap saken. (hehehe… may bitterness pa din. hahahaha)

Nakarating ako ng San Agustin church, may kinakasal, kaya lakad ulit ako. Manila Cathedral naman, may kinakasal din. Balik ako San Agustin kase kanina patapos na ung kasal dun e. Malas. May kinakasal ulit, bago na. O sya, pede na din, pumasok ako sa simbahan. Tinapos ko ung misa kahit ung sermon ni Father ay para sa kinakasal. Nagdasal na din ako, humingi ng guidance at enlightenment sa mga bagay bagay na gumugulo sa isip ko…

Di pa dun natapos ang araw ko, naglakad ulit ako. Sm Manila naman. Wala nman bibilhin, dun na lang ako kumain…

Ayun. Natapos ang buong hapon ng linggo ko sa paglalakad lakad. Masaya naman. Umuwi ako ng bahay na magaan ang pakiramdam… (at masakit ang paa. hehehe…)   🙂