minsan malambot, minsan makunat…

walkathon

Wala pa din malinaw kung anu na next samen. ayun. mahirap. kala ko walang problema kung hahayaan na lang muna ung nangyari. lagi ako nag-iisip. kaya para di tuluyang mabaliw (OA! hehe…)  lumabas ako kahapon para maghanap ng screw para sa pang-exercise ko (may nabaling part kase). tagal ko nang balak ayusin un, di ko lang nabibigyan ng oras. nagpunta ko ng recto para maghanap ng nasabing screw, khit alam kong halfday lang ang mga hardware ng linggo, nagbakasakali na din. gusto ko lang din talaga maglakad lakad. mag-isip isip… nakarating ako sa recto, Tosuy ang target ko, kase lahat ng screw meron sila. takbuhan nmin un during college days para sa mga projects. As expected, bigo nga ako, kase sarado. Naglakad lakad ako, baka sakali may ibang bukas. Natawa ko kase may makita akong mama, ipinapasyal ang alaga nyang hayop. hahaha! alam mo kung ano? baboy damo! hahahaha! nakikita ko lang madalas un nakatali sa harap ng mga chinese resto. kahapon nakita ko pinapasyal na parang aso! ahehehe… Malapit na ko sa raon, kaya naisip ko sumadya na din dun. Kala mo pasyalan e no? hehehe… Gusto ko lang talga maglakad lakad. Madalas kami sa raon dati nun nag-aaral pa ko. Dito kami bumibili ng mga pam-projects. Pag may laboratory kami, takbuhan namin ang alexan, bili ng IC, transistor, LED, basta lahat ng kaylangan namin para sa kurso namin andun. (Parang SM, we’ev got it all for you! hehe…) Pag nagpupunta ng raon, di maiwasan magtingin ng mga DVD. Hahaha! Pero di sa mga movies, di nman ako bumibili ng dvd movies. hahaha! Back in college days, daming nagkalat na porn dvd’s, walang pinagbago, gang ngayon ganun pa din. Kasama ko mga barkada ko nun college, nakikihalungkat din kami. Nakikipagsabayan  sa mga malilibog na tao dun. hahaha! Gang ngaun napapatingin pa din ako, pero di na ko nakikalkal. wala kong balak. Kahit naman dati, mahilig lang ako makitingin pero never akong bumili. Sa paglalakad lakad ko naalala ko college life ko, namiss ko mga tropa ko. Medyo matagal tagal na pala ung huli nmin pagkikita kita, at di pa kami nakumpleto nun… Ganun siguro tlga pag may gumugulo sa isip mo, bumabalik ka sa time na  mas simple ang buhay, defense mechanism na din siguro ng utak, para di mag overheat. Sa paglalakad lakad kahit papano nakaka-refresh ng utak. Nkakabawas sa pag-iisip ng malalim.

After ko sa raon, nagtake out ako ng fries at float sa mcdo, sa may sta. cruz. sumakay ng jeep. Next stop, Intramuros. Tambay sa walls. Namiss ko to. Sa Intramuros ako nag-aral. walang nagbago ganun padin,  natatagpuan ko pa din sarili na naa-amaze sa lugar, samantalang tambay ako dito noon sa loob ng limang taon. I always find tranquility in the walls. Tambay habang kumakain ng fries at umiinom ng float at nakatanaw lang sa golf course. Gusto ko sana mahiga kaso nakaputi ako… Di na pala ko sa dating tambayan nakatambay. May entrance fee na kase sa baluarte, kung san nagppractive kami dati ng mga presentation namin para klase… Nang mainip ako, naglakad lakad sa Intramuros, an dami ng bago sa pamantasan. Wala na un mukhang squater na building sa gilid, napalitan na ng Corazon Aquino Building. May mga benches na sa bungad pagpasok mo ng gate. (Di ako pumasok sa loob ng skul, wala nman ako official business at isa pa, Sunday.) Ung dating quadrangle na may court ng basketball at volleyball, ngayon covered na. Astig. Ang dami nang malilit pang mga structures na itinayo sa school, 4 na taon na kong di nkapasok dun, ang dami nang bago. Mas gumanda. Apat na taon na din pala kong nagttrabaho ngayon. Sa paglalakad lakad ko, san na ba ko ngayon? Ahehehe…  masaya naman ako kung san ako napunta, di kasing laki ng ibang kabatch ko ang sahod pero ok naman. Mas pinili ko ang linya ng kurso namin, sila nman ay nagpunta ng programming… Tuwing sahod na may kasamang bonus, napapamura ako sa laki ng tax. Tumitigil na lang ako pag naiisip ko na nasulit ko nman ang gobyerno sa loob ng labing anim na taon. Mula kinder, elementary, high school, gang makatapos ng kolehiyo sa public school ako. Kaya dapat thankful pa din ako, iniisip ko na lang na ito ung way to give back, at isiping maraming bata ang mkakapag-aral sa mga tax na nahoholdap saken. (hehehe… may bitterness pa din. hahahaha)

Nakarating ako ng San Agustin church, may kinakasal, kaya lakad ulit ako. Manila Cathedral naman, may kinakasal din. Balik ako San Agustin kase kanina patapos na ung kasal dun e. Malas. May kinakasal ulit, bago na. O sya, pede na din, pumasok ako sa simbahan. Tinapos ko ung misa kahit ung sermon ni Father ay para sa kinakasal. Nagdasal na din ako, humingi ng guidance at enlightenment sa mga bagay bagay na gumugulo sa isip ko…

Di pa dun natapos ang araw ko, naglakad ulit ako. Sm Manila naman. Wala nman bibilhin, dun na lang ako kumain…

Ayun. Natapos ang buong hapon ng linggo ko sa paglalakad lakad. Masaya naman. Umuwi ako ng bahay na magaan ang pakiramdam… (at masakit ang paa. hehehe…)   🙂

Advertisements

51 responses

  1. dhyoy

    hmmmm halatang obvious na mahaba-habang lakaran ang naging kaganapan sa buhay mo kahapon, ang dami mong nakwento weh ehehe…

    maganda daw yung misa kahapon.. tama ba? kasi para daw sa akin yung first reading… 1 Cor.13:4-13….its about LOVE!

    Pebrero 1, 2010 bandang 3:30 hapon

    • mahabang lakaran nga Miss Joyo. an dami kong memories na nabalikan…

      sorry ate, ung misa na na-attend-an ko, para sa kasal. iba yata un sa normal na misa. 🙂

      Pebrero 1, 2010 bandang 3:55 hapon

    • kaye

      yep, tama, the reading was about Love. 🙂 kaya maganda siya kasi very familiar sa marami ang reading kahapon.

      Pebrero 2, 2010 bandang 1:46 hapon

  2. kaye

    PLMer ka pala? ganyan nga, nakakadismaya ang tax kasi ang laki tapos di naman napupunta sa dapat puntahan kundi sa bulsa ng kung sino man. kaya ngayong eleksyon sana tama ang mga ihahalal natin (wishful thinking. hahaha)

    anyways, you know, you really amaze me. Everytime you write something new here, I get a glimpse of the kind of person you are and I would say I am liking you better. I think you are a very sensitive person. 🙂

    at sana may kasagutan nang naghihintay sa mga iniiisip mo… good luck, kapatid.

    Pebrero 2, 2010 bandang 1:45 hapon

    • salamat sa pagdaan mami kaye…
      eleksyon po ba? naku ako nga di pa ko makapili kung dun ako sa hindi magnanakaw o dun sa hindi na kaylangang magnakaw. as of now, mas pabor ako sa pangalawa, kaso may doubt pa, dami kase nya issues.

      “I think you are a very sensitive person.” –thanks po 🙂
      pede sensible na lang mami? ahahaha 😀

      Pebrero 3, 2010 bandang 2:48 hapon

      • kaye

        e maging masaya ka na sa sensitive kasi di ka pa sensible dahil di pa rin naman malinaw ang mga bagay bagay sayo. hahahaha!

        pero wag ka magalala, magiging ok ka pa rin. at natutuwa ako na ganyan kang klaseng tao 🙂

        Pebrero 3, 2010 bandang 5:22 hapon

  3. sana maging malinaw na sau ang lahat. peace of mind para sau.

    Pebrero 2, 2010 bandang 5:52 hapon

    • salamat bb. etchosera!
      balik ka na sa bahay mo, lagi ka nasa galaan. 😀
      sana ok ka na…

      Pebrero 3, 2010 bandang 2:51 hapon

      • naka lock ang bahay ko. di ko makita ang susi, di ako makapasok 🙂

        Pebrero 3, 2010 bandang 3:42 hapon

        • lagi nga ko dun, tas ikaw di ka makapasok. adik ka? ahehehe… bigyan kita duplicate key. 😉

          Pebrero 3, 2010 bandang 3:56 hapon

          • asus lagi daw sia dun ni hindi nga kita nkikita dun. iniwan mo na rin un 😦

            Pebrero 3, 2010 bandang 4:50 hapon

          • nasabi ko na kase ung sasabihin ko, kaya di na ko nag-iiwan ng bakas, pero pasilip silip ako dun, at wala ka.

            Pebrero 3, 2010 bandang 5:14 hapon

          • kaye

            uy, ako din dumadalaw lagi dun, kanina nga lang nagback read pa ako eh. kasi naman, dear, balik ka na sa bahay mo. di mo naman kelangan pumunta sa ibang bahay na di dapat puntahan kasi ngayon nakakapagbloghop ka naman di ba? 🙂

            Pebrero 3, 2010 bandang 5:24 hapon

          • mejo ok na nga po ako mami kaye kaso naka lock kasi ung bahay di ako makapasok 😦

            Pebrero 3, 2010 bandang 7:29 hapon

          • kaye

            pagawan natin ng bagong susi 🙂

            eto, hug kita!

            Pebrero 4, 2010 bandang 4:16 hapon

  4. wahahaha. napakahabang lakaran nga. pero enjoy din namn di ba?
    ako mahilig akong maglakad lalo na pag mag isa, masarap din kasi minsang mapag isa, pero msarap din may kasama kaya pag minsan mag walkathon ka ulit. sabihan mo ko.. samahan kita.hahaha magkakasundo tayo sa lakaran. apir! nice post. mahaba pero puno ng kwento. =)

    Pebrero 4, 2010 bandang 9:02 hapon

    • mahilig ako maglakad lakad lalo pag nag-iisip, pero di sa mall, mas gusto ko sa kalsada, sa park, sa mga normal na buhay. an daming realizations na pumapasok. tara, maglakad lakad tayo minsan…

      Pebrero 5, 2010 bandang 1:01 umaga

  5. kaw naman kasi beef tapa….

    lakad ka ng lakad tignan mo nag reminisce ka tuloy.. nakakamiss lang ang college days talaga ano??

    ako ngayon kahit nagtatrabaho na, tambay pa rin ng walls.. swerte lang siguro kasi katabi ng pinagtatarabahuhan ko ang walls.. at ang sm manila. madalas kami dyan ng mga kaopisina ko lalo na pag hapon.. makikitang tumatambling ang hamster dyan.

    yung baboy damo ba na yun yung kulay itim na mukhang gusot ang mukha? hahahah ang kyut kaya nun. haha

    kaya ko ring maglakad ng mahaba kaso ayoko ng mag-isa. malungkot kasi tapos parang lalong humahaba ang nilalakad.

    Pebrero 7, 2010 bandang 9:24 umaga

    • mas gusto ko mag-reminisce ng masasayang memories pag may gumugulo sa isip ko, nakaka-refresh, kaya mas nakakapag-isip ng maayos. di nman malungkot maglakad ng mag-isa, mas madaming realizations pag mag-isa hamham…

      ung baboy damo, tama itim at bilugan ang katawan, may naka-usling pangil at gusot nga ang mukha! ahahaha 🙂

      Pebrero 7, 2010 bandang 8:58 hapon

      • masarap nga mag-isa.. pero may mga oras lang o instance lang. hindi dapat palagi..
        masarap magmuni muni
        kaso mabilis din lilipas ang oras
        at mapapansin mong marami ka sanang nagawa.

        pero fulfilling din naman kasi nagkaroon ka ng peace of mind.

        Pebrero 9, 2010 bandang 11:59 umaga

  6. yiN

    Wui taga-pangasinan ka ba kasi?? Naglakad-lakad.. Emote.. Ang tyaga mu neh? Ganun kahaba la ka kasama? Lablayp ba? Hehe. Tara lakad-lakad tayo minsan!=p

    Pebrero 7, 2010 bandang 5:56 hapon

    • Wui! nabuhay ka na nman yin! ahehehe… yup, pangasinan ako.
      Most of the time, pag problemang puso lang ako naglalakad ng mag-isa, ung ibang prob mas gusto ko may kasama. Saka lakad-pasyal lang ako kaya di nman ganu nakakapagod. Pag-uwi n lang ng bahay dun mo mararamdaman sakit ng paa.

      Pebrero 7, 2010 bandang 8:53 hapon

  7. yiN

    San dun?? Ilocano o pangalatok? Papaka-busy sa work medyo kasi naliligaw na ng landas.

    Pebrero 8, 2010 bandang 12:11 hapon

    • oist Yin gusto mo edit ung comment mo sa bahay ko..cge comment mo ung bago den delete ko ung mali 😛

      Pebrero 8, 2010 bandang 1:05 hapon

    • ilocano ngarud. pero manila na ko based since 12 y/o. anong naliligaw ng landas???

      Pebrero 8, 2010 bandang 1:19 hapon

  8. akala ko nag-comment na ako dito… di pa pala… pero ilang beses ko ng nabasa…

    ako din…mas gustong maglakad-lakad pag may mabigat na dinadala…naghahanap ng masarap na pagkain…hehehe

    Pebrero 8, 2010 bandang 1:04 hapon

    • wahahaha! matakaw ka ba diwatang aninipot? hehehe 😀
      minsan maglakad lakad tayo pag napunta ko cdo. bigyan mo ko pastel ha. hehehe 🙂

      Pebrero 8, 2010 bandang 1:20 hapon

  9. oo ba… ano gusto mo? ung galing talaga ng Camiguin?…hahaha. matakaw? di masyado basta gusto ko masarap ang kakainin pag malungkot ako. saka baka pag napunta ka ng CDO wala na ako dito…haha, lipat na ng kuta.

    Pebrero 8, 2010 bandang 2:16 hapon

    • waaaaahhhh! sana naman magpang-abot tayo dyan. ahehehe…

      Pebrero 8, 2010 bandang 2:51 hapon

      • as if nman pupunta ka talaga dito..haha

        Pebrero 8, 2010 bandang 3:23 hapon

        • wahahah! kala mo lang hindi, pero sa linya ng trabaho ko, nagbbyahe kami out of town. hahaha… nagkataon lang na di ko nabubunot ang cdo. malay mo next time (sana nandyan ka pa) cdo na mabunot ko puntahan, heheheh 🙂

          Pebrero 8, 2010 bandang 3:28 hapon

          • ganun!…hmmm, will see..hahaha

            Pebrero 8, 2010 bandang 4:10 hapon

          • wag po muna sana ko mailipat ng aor Lord… gusto ko pa po ma-meet ang diwatang si aninipot… 🙂

            Pebrero 8, 2010 bandang 4:20 hapon

          • wahaha, pwede ba tayong magkita…mortal ka ako hindi….hahaha,, sira na ang ulo ni aninipot, naubos na ang sense…hehehe, lurky na ako kakaprepare ng dapat kong i-demo nxt monday…kaya mukhang wala akong bagong entry this week.

            Pebrero 8, 2010 bandang 4:46 hapon

  10. pruelpo

    kahusay mo naman igan, screw lang ang hanap mo pero halos narating mo at naikot ang buong siyudad. salamat pala sa dalaw. musta na? di ba sumakit ang paa mo sa paglilibot?

    Pebrero 8, 2010 bandang 2:53 hapon

    • hahaha! onga po e, dahil sa screw. hahaha! ang totoo po nyan, rason ko lng ung screw, alam ko nman na wala kong mabibili nung time na un kase nga sunday. gusto ko lng tlga maglakad lakad. ayun. sakit sa paa, pero gaan nman po sa pakiramdam..

      Pebrero 8, 2010 bandang 4:09 hapon

  11. ‘Minsan malambot, minsan makunat’ HAYLABEEET! 😀 😀 😀

    Weyt, kelangan ko ata mag backread. Haha. Hindi ako masyadong makarelate. Toinks.

    Marami akong masalimuot na alaala sa Intramuros. Hmm. Gibain natin ang pader. Ay, labs mo pala ang intramuros. Haha.

    Pebrero 8, 2010 bandang 3:42 hapon

    • hahaha! konti lang naman iba-backread mo vaj. 😉
      balik ka…

      Karamihan ng memories na gusto kong balikan, nasa intramuros. at pag gusto kong mag-reminisce dun din sa walls. ahahahaha… kaya gyera tayo pag giniba mo intramuros. hehe… peace vaj! 🙂

      sa intramuros k din ba nag-aral?

      Pebrero 8, 2010 bandang 4:07 hapon

      • Hindi. Tigre ako ng USTe. Haha. Pero may mga times kase na tumambay kame ng mga barkada ko non sa intramuros. Ayun. Wulalang. 😀

        Pebrero 8, 2010 bandang 4:09 hapon

        • Usti ka pala. Nano-nose bleed ako sayo.

          Pebrero 8, 2010 bandang 4:28 hapon

          • Bakets? Hindi naman ako nananapak sa ilong. Haha. Behave ako. *sipol kahit di marunong*

            Pebrero 8, 2010 bandang 5:29 hapon

          • an daming baket nun ah! bakets?!

            Pebrero 8, 2010 bandang 5:54 hapon

          • Pansin ko nga ren. Hanggang bukas na yang tanong na yan eh. Boyscout laging handa. 😀

            Pebrero 8, 2010 bandang 5:58 hapon

  12. Ravy

    ‘Ganun siguro tlga pag may gumugulo sa isip mo, bumabalik ka sa time na mas simple ang buhay, defense mechanism na din siguro ng utak, para di mag overheat.” -beeftapa

    Tama, madalas, iniisip natin ang mga oras na simple lang ang pinoproblema naten, at simple lang din ang mga bagay na makapagpapasaya sa atin…, nasan na nga ba ang mga panahong iyon?…,

    Tukneneng at unlimited lugaw lang…, saka masayang kuwentuhan, masaya at kuntento ka nang uuwi sa bahay niyo…,

    Pero ngayun, parang kahit makailang ikot ka na sa metro manila, kahit makailang larawan ng mga tanawi na ang makita at maitabi mo sa iyong isipan…,

    Hindi pa rin buo ang lahat…, uuwi ka pa rin na mayroong kulang…, siguro…, ganun lang talaga ang buhay…, dapat yakapin mo na kung ano ang mayroon… hawakan mo na ng mahigpit, ang mga naaabot pa nang kamay mo…

    pahalagahan mo na ang mga maliliit na bagay na malamang, hindi mo na madadala pagdating ng panahon…,

    Pebrero 8, 2010 bandang 11:14 hapon

    • waaaahhhh! totoo sinabi mo ravy. habang nadadagdagan ang edad naten ang daming nagbabago… mas nagiging kumplikado. pero ang sarap pa dn ng pakiramdam pag binabalikan mo ung mga panahong simple ang mga bagay bagay, para ka tuloy ulit estudyante, bata…

      Pebrero 9, 2010 bandang 9:54 umaga

      • Ravy

        hayaan mo beef…,

        ang oras na meron ka ngayun ang tanging hawak mo:

        pagdating mo sa edad 60:

        itong mga sandaling ito ang aalalahanin mo:

        sa mga oras na malabo na ang iyong mga mata upang magbasa…

        sa mga panahong nananakit na ang iyong mga daliri, para magtipa sa keyboard ng computer…

        ang mga sandaling ito (ngayon) naman ang maaalala mo…,

        …,

        Pebrero 9, 2010 bandang 11:01 umaga

        • hahaha! tama, by that time ang magagawa ko na lang ay alalahanin ang mga sandaling ito dahil di ko na kayang gawin pa.

          “pahalagahan mo na ang mga maliliit na bagay na malamang, hindi mo na madadala pagdating ng panahon” —dahil tanging madadala mo lamang ay memories. 🙂

          Pebrero 9, 2010 bandang 11:07 umaga

  13. stefania

    “Natawa ko kase may makita akong mama, ipinapasyal ang alaga nyang hayop. hahaha! alam mo kung ano? baboy damo! hahahaha! nakikita ko lang madalas un nakatali sa harap ng mga chinese resto. kahapon nakita ko pinapasyal na parang aso!” kinilig ako sa parteng ‘to.ahihihi.

    Pebrero 24, 2010 bandang 3:23 hapon

    • hahaha! adik ka? anong nakakakilig dun? saka bat wala kang link? di tuloy kita mabisita…

      Pebrero 24, 2010 bandang 4:08 hapon

      • stefania

        makakita ka ba naman ng baboy damo na namamasyal..tignan ko lang kung di ka kiligin. 😀 actually..nakalimutan ko yung blog ko d2 sa wordpress..kaya..ayown.nakikibasa’t nakikicomment nalang ako.hihi.

        Pebrero 24, 2010 bandang 4:59 hapon

  14. Pingback: But I Won’t do That. « Maskara

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s