minsan malambot, minsan makunat…

kumusta ka?

kumusta ka amoy usok na tinapa, maanghang na caldereta, malasang corned beef at malinamnam na roast beef? ahehehe… pambungad pa lang kaadikan na. patay tayo dyan….  o sya, medyo serious to, malamang karamihan ng mapopost ko nman talaga dito ay more on my serious side, ung mga nararamdaman ko na di ko mai-share sa tunay na buhay. umpisahan ko na ha…

(naisulat ko to kagabi bago matulog….)

nakakapagod. parang hapong hapo ako. alam mo ung pakiramdam na nahulog ka mula sa napakataas na lugar pero oras na ung lumipas e hindi ka pa din sumasayad sa lupa? lutang.  nasa ere pero di ka nman lumilipad kase nararamdaman mong bumubulusok ka pababa, at wala kang magawa kundi ramdamin ang malakas na hangin na sumasalubong. sa dami ng nangyari, di ko na lam kung pano ako magrereact sa mga bagay bagay. gusto ko ngayon maging sponge, ung tipong sasaluhin ko na lang muna lahat, ung hindi ko kaya, hahayaan ko na. gusto kong pumikit ng matagal, umasang makakatulog at sa muling pagmulat ng mata, hindi man ayos ang lahat, pero at least medyo settled na, kaylangan ko na lang makibagay, di ko na kaylangan makigulo, di ko kaylangan magdesisyon. makikisabay na lang. gusto kong lumayo, para pagbalik ko iba na ang sitwasyon, ung tipong wala na kong magagawa kundi tanggapin na lang kung ano man ang abutan ko. sa mga pagkakataong ganito, gusto kong marinig lahat ng sumbat at galit ng mga taong nasagasaan at nadamay dahil sa mga maling desisyon  ko. gusto kong maramdaman lahat un. ayoko ng ganto ako, para akong manhid. ayaw gumana ng utak ko, naghihintay na lang ng mangyayari… para akong zombie.

Bat ba ko nagkakaganito? Konektado to dito gulit…guilt…guilt...

(eto naman tumatakbo sa isip ko kanina, habang nasa byahe papasok ng opisina. first time na di ako nakatulog sa fx…)

Para akong nakakapit sa isang maliit na sanga na anytime ay pwedeng mabali. Dahil takot ako, ayokong bumitiw,  kaya pati sya pilit ding kumakapit. Ayaw nya kong iwan sa gantong sitwasyon. Nakikita ko nahihirapan sya, kahit  iba ang pinapakita nya. Pinipilit ko pa ding kumapit, ayokong bumitiw, tama, ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya pero ayoko syang bumitiw, ganun ako ka-selfish. Ang sama ko, hinintay ko pang umabot sa puntong tumulo ang luha nya sa sakit bago ako mahimasmasan sa mga nangyayari. Para akong tanga, naisip ko naman na anytime ay pwdeng mabali ang maliit na sangang yun. Alam ko din  na sa dulo kakaylanganin namin bumaba sa ayaw at gusto ko,  babagsak at babagsak  kami pareho. Pero I chose to prolong the suffering. Halos matunaw ako sa hagulgol na narinig ko sa kanya, wala ko nagawa kundi yakapin sya at mag-sorry ng paulit-ulit…  At ngayon heto na ako,  taking my first big  step.  I’m letting her go… I’m giving up. Sabay na kaming bibitiw. Walang kasiguruhan kung ganu kasakit ang pagbagsak, kung gano kabigat ang paghakbang papalayo. Hindi ko alam kung may matitira pa samen pagkatapos ng lahat, sana ma-save pa ang friendship. Alam ko mahirap at kumplikado. Pero tanggap ko na, tama na ang pagiging makasarili… Di ko maiwasan umasa, sa dami ng pinagdaanan namin, sa muli sanang pagku-krus ng landas, tuluyan nang naghilom ang sugat na ako ang may gawa…

Ayun. Pero ayokong tapusin ang post na to ng ganto kabigat. Sige, ibahin naten ng konti… Tulungan nyo kong sagutin tong isang tona di ko masagot mag-isa:

Eto ang eksena:  langaw na lumilipad sa loob ng kotse

At eto naman ang problema ko: pag umandar ba ung kotse, ibig sabihin ba nun lumilipad din ung langaw ng kasing bilis ng sasakyan? kase kung hindi, dapat tatalsik un sa likod na salamin? tama?  (teka kung windshield ang tawag sa salamin sa harap ng sasakyan, anong tawag dun sa likod? hmmm…) at pag pumreno ung sasakyan bakit hindi sila nauuntog sa windshield? kung 120kph ang takbo ng kotse, ganun din kabilis ang lipad ng langaw???

Advertisements

120 responses

  1. Proud ako sa desisyon mo…let her go…makakaya mo yan. wag mong isipin na mahirap gawin…un lang…alam mo na ung iba ko pang dapat sabihin dito 🙂

    Pebrero 18, 2010 bandang 11:50 umaga

    • salamat…
      pero teka, wala ka bang sagot para huli kong tanong? ahehehe

      Pebrero 18, 2010 bandang 11:59 umaga

      • alam mo naman ang isinagot ko sa tanong mo di ba? ibinulong ko na 😛

        Pebrero 18, 2010 bandang 12:23 hapon

        • ano daw??? kanino mo nman binulong? hahaha

          Pebrero 18, 2010 bandang 12:49 hapon

          • ibinulong ko sa may ari ng bahay na ito 🙂

            Pebrero 18, 2010 bandang 1:10 hapon

  2. Animsè

    hihihihi.. naguluhan ang utak ko sa langaw.. 😀 theory of relativity.. 😀 pero hindi pa ako nakakaita ng langaw sa kotse(ang sosyal naman niya kung ganun?)… haiz… hayaan mo,

    pag nakakita ako ng langaw, tatanungin ko siya… 😀

    wait… anu nga palang nangyari sa sanga?…

    Pebrero 18, 2010 bandang 12:05 hapon

    • hahaha! ung langaw sa kotse, hmmmm… wala pa nga din akong nakasabay na langaw sa kotse, lamok lang. cge, langaw sa bus na lang. ahahaha

      ung sanga, bumitiw na ko. bumitiw na din sya… lutang pa din ako gang ngayon…

      Pebrero 18, 2010 bandang 12:48 hapon

  3. Animsè

    sinong bumitiw?… ikaw?… at yung sanga?… bakit?… kanino ba nakakapit ang sanga?…

    Pebrero 18, 2010 bandang 12:52 hapon

    • hayyyy… ayokong i-detalye animse. i’m sure nakuha mo gusto kong sabihin sa post na to. 😉

      Pebrero 18, 2010 bandang 1:09 hapon

      • Animsè

        ay, slow ako minsan.. haha! hindi ko ma gets! ;-D

        Pebrero 18, 2010 bandang 1:14 hapon

        • hahaha! adik. may idea for sure, ayaw mo lang pangunahan ang nabasa mo… cge email ko sayo ung naunag post.

          Pebrero 18, 2010 bandang 6:03 hapon

          • Animsè

            haha! sorry, safe lng si animsè.. wait.. 🙂 e mail mo na lang sa lahat.. 😀

            Pebrero 18, 2010 bandang 6:43 hapon

          • wahahaha! e di sana pinost ko na lang. adik

            Pebrero 18, 2010 bandang 10:17 hapon

  4. Tanggapin mo ang pagkakamali.

    Nangyayari yan para may matutunan ang tao.

    Ang masama kung paulit ulit na ganun ang eksena sa bawat dramang karakter ang isang bida o kontrabida.

    Pebrero 18, 2010 bandang 1:03 hapon

    • suportahan ko ang sinabi ni Ginoong Kulisap 🙂

      Pebrero 18, 2010 bandang 1:07 hapon

    • Animsè

      pag paulit ulit nang nangyayari?…, ang tawag dun ano, ahm, dembaju?, jemvalu?..

      Pebrero 18, 2010 bandang 1:09 hapon

      • teka ikaw ba si animse o si esmina? ahihihi

        Pebrero 18, 2010 bandang 1:22 hapon

        • Animsè

          si animse to.. haha! 😀 pati ba ikaw naguluhan nah?..

          Pebrero 18, 2010 bandang 1:23 hapon

    • @G. Kulisap: opo, ang importante matanggap ang pagkakamali, say sorry, then do something to make it right. mahirap nga lang…

      Pebrero 18, 2010 bandang 1:41 hapon

  5. alam mo, masaya ako na sinubukan mo…. though kahit ako naramdaman yong sakit pero mas maiging ganun ang mangyari… mas lesser ang pinsalang mangyayari…

    bakit feel ko na malaking factor ang comment ko kahapon bakit mo ginawa to?…hahaha, conceited yata ako…

    Pebrero 18, 2010 bandang 1:12 hapon

    • hahaha! tulad ng sinabi ko kanina, sobrang na-appreciate ko ung sinabi mo sa naunang post ko kahapon. may iba din akong nakausap regarding dun. nag-decide akong tanggalin un kase masyadong detalyado ayoko ma-judge based lang dun. mas ok na tong ganto. 🙂
      salamat ani 🙂

      Pebrero 18, 2010 bandang 1:28 hapon

      • Animsè

        wait.. hindi ko ata nabasa ung post mo kahapon?.. o baka naman self occupied lang ako nung pananhong yun?.. hmn.. pwedeng repost?.. hehe…

        Pebrero 18, 2010 bandang 1:29 hapon

        • malamang nga hindi mo nabasa animse, pero eto din un. different point of view lang. ung kahapon, more on the details ng mga nangyari, ung ngayon impact naman saken.

          Pebrero 18, 2010 bandang 1:46 hapon

          • Animsè

            ah.. napaka metaphoric kase ng post na to, hindi ko maintindihan.. 😀 sana nabasa ko ung post mo kahapon.. wait.. 😀

            Pebrero 18, 2010 bandang 1:49 hapon

  6. lababo

    mas nakuha ang atensiyon ko dun sa pag iyak nya at wala kang ibang nagawa kundi magsorry.
    Buti nakapagsalita ka pa. Sa mga ganung sitwasyon, mas pipiliin kong mamatay na lang eh. Kasi ang hirap tumayo kasama ang isang taong umiiyak, lalo kung ikaw ang may gawa.

    bat nagkaroon ng physics? nagtatravel yung langaw at the same speed with that of the car. Nag-aadjust siya ng speed depende sa kotse. Kung 120kph na yung speedometer? Naku, wala na sa katinuan ang langaw kung pipiliin niyang sumakay pa dun. lol

    Pebrero 18, 2010 bandang 3:44 hapon

    • haha, natawa ako sa sagot mo lababo… may langaw din pala na nawawala sa katinuan…nice! humagalpak ang tawa ko….hahaha, buti nalang tapos na ang meeting baka nasermunan ako ni boss…

      Pebrero 18, 2010 bandang 4:02 hapon

    • hmmmm… lababo, malake ang naging kasalanan ko sa kanya,pero desisyon namin pareho kung bat kami humantong dun. hindi ganun kasimple bitiwan ang sorry sa ganung sitwasyon, pumikit na lang ako para magkalakas loob, pero pagmulat ko nabasa din pala mata ko.

      ung sa langaw? theory of relativity yata. pero dahil maharot ka, papatol ako. ahehehe… may sarili akong theory e, , kaya bumibilis ung paglipad nila pag nasa loob ng kotse kase giniginaw sila. toink.

      Pebrero 18, 2010 bandang 11:50 hapon

  7. tungkol sa kotse muna…

    ang tanong ko, pag umaandar ba ang kotse, ibig sabihin, umaandar din tayong mga tao na nakasakay dun? di ba hindi? hindi ba yun dahil sa gravity? so palagay ko yun din ang theory na maiaapply sa langaw na nagpapakasosyal sumakay sa kotse na malaman e de-aircon pa. hahahha! social flyer (e sa lumilipad ang langaw, di naman umaakyat)

    as for your post… hay. kulang ang kwentong palagay ko e napakapersonal at kumplikado. pero kayong dalawa lang ang makapagsasabi kung tama ba o mali ang mga ginawa at ginagawa niyo. ang batayan lamang dapat sa pagdedesisyon, kung ito ay makapagdudulot ng mas ikabubuti nyong dalawa, kahit masakit, gawin. kung hindi, e bakit pa kelangang magpasakit?

    nagemail din ako sayo, oist!

    Pebrero 18, 2010 bandang 4:38 hapon

    • mami kaye! advance happy birthday! 😀

      sa langaw po muna, ung tao po nakaupo kaya madadala sya ng sasakyan, ung langaw po lumilipad di sya nakasayad. ahehehe… actually tama po si animse, theory of relativity yata un. 🙂

      kumplikado nga po ang buong kwento, napost ko po un kahapon pero tinanggal ko din po kagabi. salamat po sa pagdalaw ulit 🙂

      Pebrero 18, 2010 bandang 5:05 hapon

      • dalaw ka diyan, di mo sinagot ang email ko! heller!

        Pebrero 18, 2010 bandang 5:11 hapon

        • magrereply po ko dun mami, nabasa ko na po 🙂

          Pebrero 18, 2010 bandang 5:17 hapon

          • nabasa ko nga at nagreply ako.

            ikaw talaga, roastbeef, mapagkunwari ka pa.

            Pebrero 18, 2010 bandang 5:41 hapon

          • lababo

            sasama nayang si tinapa. pag sumama ka, may kiss ka kay vajarl. hahaha

            Pebrero 19, 2010 bandang 7:59 umaga

          • adik ka talaga lababoy. wahahaha
            kilala mo ba kung sinu sino a-attend ng debut? hehehe

            Pebrero 19, 2010 bandang 10:19 umaga

          • Animsè

            deboot?… Sama! Sama! Dadalhin ko si Esmina… (ikakahon ko)

            Pebrero 19, 2010 bandang 10:24 umaga

          • lababo

            o ayan si animse din daw at si esmina sasama. try kong sumilip din kung may oras.

            Pebrero 19, 2010 bandang 10:49 umaga

          • Animsè

            sinu bang may bortdey?…

            Pebrero 19, 2010 bandang 10:55 umaga

          • Animsè

            ang cute talaga ng avatar ko dito…, hehe, need ko pang i-zoom-in yun mozilla ko para makita mga pics namen! haha!!!

            Pebrero 19, 2010 bandang 10:56 umaga

          • lababo

            ayan o si mommy kaye. ang mommy/ate ng lahat. hehe

            Pebrero 19, 2010 bandang 10:59 umaga

          • @lababo: anu un? aquarium? sisilip ka? wahahaha
            @animse: epling ka. avatar mo lang pala tinitignan mo e, wala ka bang kopya nyan? wahahaha… di ko tlga alam pano mapapalake e. sorry naman. hihihi

            Pebrero 19, 2010 bandang 11:23 umaga

          • lababo

            busy kasi akong tao.

            Pebrero 19, 2010 bandang 11:34 umaga

          • wahahaha! busy nga.

            Pebrero 19, 2010 bandang 11:53 umaga

          • kaye

            hoy! labs, anong pinagsasasabi mong sisilip ka? pingutin ko tenga mo dyan eh. silip lang? mahilig kang manilip ah!

            ayun, si animse,ravy,esmina at yvar e inemail ko din. walang sagot pa nga lang.

            Pebrero 19, 2010 bandang 5:48 hapon

          • lababo

            O aYaN NaKiTa nYo Na Me. JeJEjE.
            Pakibura na lang ang pagmumuka ko pag ipopost na ah.. wahahaha

            Pebrero 20, 2010 bandang 4:48 hapon

  8. weeee! teka lang ah…
    ewan ko… masyadong serious ang naunang mga salita. di ko magets. buhay pag-ibig nga ba? oh well, di nga ako makakarelate dyan… hakhak!

    sa last na paragraph, dun ako nagenjoy! wahahahaha! aylabit!

    hindi pa kasi ako nakakakita ng langaw sa kotse. pero sa loob ng bus, oo! at hayun nakadikit lang naman siya sa bintana… naaawa nga ako eh kasi baka nilalamig siya… ahehehe!

    Pebrero 19, 2010 bandang 6:53 hapon

    • magandang araw eloiski!
      buhay pag-ibig nga, kayakumplikado. 😉
      bata ka pa. ece ka din d b? kausapin mo muna sila tomasi at frenzel. 😉 😉 😉

      ung langaw, baka nman galing pa sa manila ung bus paakyat dyan sa baguio kaya pagod na. ahehehe…

      Pebrero 20, 2010 bandang 1:10 hapon

      • yep! ece eh! sino sila tomasi at frenzel?

        Pebrero 21, 2010 bandang 12:02 umaga

        • sila ang makakasama mo during major subjects mo sa comms, isama mo pa si blake. ahehehe

          Pebrero 21, 2010 bandang 1:17 umaga

  9. bat gising ka pa dung!

    Pebrero 20, 2010 bandang 1:53 umaga

    • Animsè

      anung oras na ba?…

      Pebrero 20, 2010 bandang 9:52 umaga

    • @mb: waaahhh! di ako nka-log in kagabi, nag-comment lang ako. ahehehe…
      @animse: its technomarine time!

      Pebrero 20, 2010 bandang 1:12 hapon

      • Animsè

        Whatever! 😀 haha! musta na beeftapa?… meron akong i-rereto ako sa yo…

        langaw.

        Pebrero 20, 2010 bandang 1:32 hapon

        • meron KANG irereto KA sa akin??? wahahaha… matulog ka pa nga. hahahaha

          Pebrero 20, 2010 bandang 2:03 hapon

          • patulugin na nga yan. tapus wag ng gisingin.

            Pebrero 20, 2010 bandang 3:29 hapon

          • Animsè

            Sambalahe ka ah?… hindi ka naman inaanu.. hehe.. piz.., ayoko dito sa loob makipag-away.. tara.. labas tayo sa bahay ni corned beef, suntukan na lang! haha!

            Pebrero 20, 2010 bandang 3:49 hapon

          • oh, bat sa labas pa? dito na lang. wahahaha
            teka, ano pala ung SAMBALAHE?

            Pebrero 21, 2010 bandang 1:15 umaga

          • hindi ako nakikipag away eh.. sorry animse, nagpapasalvage agad ako..

            Pebrero 21, 2010 bandang 2:48 umaga

  10. una sa lahat.. tignan mo ang both sides..

    kung nahihirapan na sya talaga at ikaw lang nagpupumilit… let go na nga ang solution.. pro bago gawin, gawin muna laht ng makakaya.. at least nag try ka.. syempre sooner or later mag eend din ang lahat kung di talaga meant.

    ay.. may nagpatugtog ng sad na love song dito sa opis. ahhahaha

    ikaw kamusta ka na nga ba corned beef. as a whole person?

    teka sa langaw.. tingin ko ang basehan ng paglipaf nya ay
    base sa distance nya mula sa taong kanyang nilalangaw. dun sya nakapokus kaya di sya matatangay ng kotse o ng FX.
    ganun siguro.. well, teorya ko lang naman yan..

    ano daw
    hayop
    ang
    mababa
    ang
    lipad?

    Pebrero 20, 2010 bandang 1:28 hapon

    • wahahaha! nabuhay ka jason. oist, di ako makapasok sa bahay mo…

      pareho namin alam na something is wrong with what we have (had na pala), isa sa amin third party. ayun. si beeftapa ngayon, struggling to move on.

      o sya, joke time na!
      anong hayop ang mababa ang lipad? –kamag-anak un ni vajarl d b? alalay ni dracula? wahahaha 😀

      Pebrero 20, 2010 bandang 2:01 hapon

      • Animsè

        haiz! tigilan na kase ang third party eh.. 😀 haha! pangit ng ganung relationship… hehe…

        Pebrero 20, 2010 bandang 2:06 hapon

      • oo nga no more drama cornedbeef. masaya ang buhay. sa simula ganyan talaga.. makakamove on ka din!!

        its not that hard to moveon.

        just help yourself.

        Pebrero 22, 2010 bandang 9:56 umaga

        • 😀

          Pebrero 22, 2010 bandang 10:29 umaga

          • ngete ka dyan. ano! wala kang sasabihen?
            hahahaha

            Pebrero 22, 2010 bandang 3:44 hapon

          • wala ko masabi e. tahimik na lang. hehehe… i’m much better now. thanks 🙂

            Pebrero 22, 2010 bandang 3:50 hapon

          • good good..

            ayos yan!

            ngete lang..

            dyan na magsisimula ang lahat.
            tamo effective ok ka na corned beef!!
            😀

            Pebrero 22, 2010 bandang 4:53 hapon

    • anong hayop un?
      hahaha.

      Pebrero 20, 2010 bandang 3:31 hapon

      • lababo

        kalapati ang sagot dun.
        Sa tanang buhay ko, kalapating mababa ang lipad pa lang ang nakita at narinig ko. Wala namang parrot o mayang mababa ang lipad eh. Kalapati lang talaga.

        Pebrero 20, 2010 bandang 4:50 hapon

        • Animsè

          Wait! classified ba ang Manok na ibon?… kung oo… manok ang sagot ko, o kaya pato… o penguin?… Ostrich pa pala.. an dami ko atang sagot.. 😀

          Pebrero 20, 2010 bandang 5:02 hapon

    • wahahaah! mga adik! joke time to, kaya corny ang sagot. hahaha!
      ano daw hayop ang mababa ang lipad? – edi lowBAT!
      toink.

      Pebrero 21, 2010 bandang 1:13 umaga

      • ayoko na…

        minsan na nga lang ako makabalik

        Pebrero 22, 2010 bandang 9:54 umaga

        • lababo

          lol. lagot nagtampo na uli.. o baka naman magkapassword na naman ang blags mo ha… hehe

          Pebrero 22, 2010 bandang 10:05 umaga

          • wahahaha! nagiging matampuhin ang hamster. tsk tsk… 😀

            Pebrero 22, 2010 bandang 10:28 umaga

          • HAHAHAHAHAH

            oo season ng hibernation ko ngayong summer.
            pinipilit ko lang talagang bumangon para bisitahin kayo.

            tapos tapos..
            hahahahahah

            Pebrero 22, 2010 bandang 3:43 hapon

          • lababo

            tapos?

            Pebrero 22, 2010 bandang 4:03 hapon

          • tapos na! saktan kita dyann

            Pebrero 22, 2010 bandang 4:51 hapon

          • lababo

            hep hep! nagkakasakitan na po dito mga katoto….

            Pebrero 22, 2010 bandang 4:55 hapon

          • adik ka lababo, ikaw sasaktan nya. hep hep ka pa. wahaha!

            Pebrero 22, 2010 bandang 5:02 hapon

          • lababo

            ah ako ba? bat naman? wala naman akong ginagawang masama…

            Pebrero 22, 2010 bandang 5:18 hapon

          • yvarro

            kala mo lang wala! pero meron meron meron! … (cheesy!)

            Pebrero 22, 2010 bandang 5:29 hapon

  11. Joyo

    Letting go is easier ONLY when you’ve left no doubts behind.

    Pebrero 21, 2010 bandang 12:19 umaga

    • mas madali kung tanggap na ang lahat. 🙂

      Pebrero 21, 2010 bandang 1:30 umaga

    • agree here!!

      Pebrero 21, 2010 bandang 2:45 umaga

    • hey, there.

      ang wais naman ng advice na ‘to. parang been there ang dating sa ‘kin. :]

      parang gusto kong magpa-advise dito, haha. maiksi ang sinabi pero may authority ang ale.

      hi, joyo. 😀

      Marso 16, 2011 bandang 9:08 umaga

  12. Yung tungkol sa langaw na lang ako magkokoment.

    Nakuha ko punto mo (nakakatawa) pero medyo nahihirapan akong e-ekspress ang nais ko. Let see…hmm… para sa mga langaw kasi ayun nakabagal ng kilos nating mga tao, kaya nga minsan kapag may langaw na lumilipad sa hapagkainan at nakita yun ng maybahay at mapagpasya silang hampasin ito pero madalas nakakalipad lang ito palayo. kasi ang movements natin ay 100 times slower o mas.

    So, kapag nasa loob sila ng kotse. at nagka-aksidente, ang langaw ay ang pinakamalabong mamatay. So, sa tingin ko ay hindi yun tatalsik sa likuran.

    Pebrero 22, 2010 bandang 3:02 umaga

    • 100 times faster sila? oo nga no ang hirap nila matyempuhan pag hinahampas… hmmmmm… natawa ko sa aksidente, naisip mo pang sila ang pinakamalabong mamatay. hahahaha!
      magandang umaga! 😀

      Pebrero 22, 2010 bandang 8:39 umaga

  13. yvarro

    Magandang umaga kormbip! wow! ang sarap naman ng almusal naten! kormbip omelet.. hehe, kaso nilalangaw.

    haha! sinubukan ko tuloi tumalon sa loob ng tumatakbong LRT line 2, dahil sa langaw na yan, para maramdaman ko ang feeling ng isang langaw sa loob ng tumatakbong kotse.

    Pebrero 22, 2010 bandang 7:47 umaga

    • kumusta experience yvarro? hehe…
      magandang umaga!

      Pebrero 22, 2010 bandang 8:37 umaga

      • yvarro

        ayun, pinagalitan ako ng security.. 😀 haha! muntikan na akong palabasin sa tren,, haha!

        Pebrero 22, 2010 bandang 8:42 umaga

        • sayang naman, andun ka na eh! tsk.. epal na security, sana pinalabas ka na lang. bwahahaha 😀

          Pebrero 22, 2010 bandang 9:34 umaga

          • yvarro

            hongah! pasaway siya, pero sa tingin ko, ok na yun. hindi kase ako makagawa ng alibi paano ako titigil, since nag eenjoy na ata yung mga ibang pasahero na naikita akong patalon talon sa loob ng LRT.. haiz!

            Pasahero1: hala?.. Anung ginagawa kaya nito?
            Pasahero2: hindikaya sinusukat niya ung lrt by means ng pagtalon?…

            Langaw: Watever! gaya gayang toh?…

            Pebrero 22, 2010 bandang 9:40 umaga

          • hahaha! adik ka yvarro. 😀

            Pebrero 22, 2010 bandang 2:28 hapon

          • yvarro

            tengks!

            Pebrero 22, 2010 bandang 3:17 hapon

  14. Baka naman kase mabigat ka at talagang mababali yang sanga na kinakapitan mo na yan. Hahahaha.

    Oy infernes napaisip ako dyan sa langaw na yan! Haha. Napag usapan na namin ng mga frends ko yan before, pero sa jeep naman yon. Haha. Iniisip ko nalang gumawa si langaw ng chair na gawa sa hangin na inuupuan nya habang nakasakay sya sa jeep. Oha, libre pamasahe!

    Pebrero 22, 2010 bandang 1:51 hapon

    • hahaha! upuan na gawa sa hangin? san ba nakakabili ng ganun? wahehehe

      Pebrero 22, 2010 bandang 2:29 hapon

      • Walang nabibilan non. Mga langaw lang may kayang gumawa non.

        Pebrero 22, 2010 bandang 3:16 hapon

        • yvarro

          Langaw: wateyvhheer uleth!.. thong mga hiyuman beeeings, ang sheshengaerrsh, pede nemang gumawa ng upuang gawa szha Hangin.. hezsh verzskh muvekrrzsh,,

          Pebrero 22, 2010 bandang 3:21 hapon

          • hahaha! bagay sayo yvarro. hahaha 😀

            Pebrero 22, 2010 bandang 3:41 hapon

          • yvarro

            sikreto lang naten yan ah?.. haha! nakababatang kapatid ako ni kuya kulisap at ni ate anini alitaptap.. ako si langaw.. ang ika limang maskara.. hihihi… vershk murveszchk…

            Pebrero 22, 2010 bandang 3:52 hapon

          • wahahaah! toyo ka yvarro! wahahahaa

            Pebrero 22, 2010 bandang 3:57 hapon

          • Vajarl

            Sabi na ikaw si Maskman eh! Malaking bangaw! Nagpapanggap ka pang Bioman!

            Pebrero 23, 2010 bandang 12:11 umaga

          • yvarro

            naloko nah! nakita niyo na ang isa ko pang katauhan.. 😀 ang toto: ako din si Bumble bee.. pate si Jollibee…♫♪♫ dito tayo dito tayo! kung san mas bida ang langhap sarap…♫♪♪…

            Pebrero 23, 2010 bandang 10:30 umaga

  15. grabe ang tindi ng problema mo, dadamayan na lang kita. hehe.. Nagugutom ako, pwedeng kumain d2?

    Pebrero 22, 2010 bandang 5:26 hapon

    • yvarro

      pede po… pero kormbip lang po ang handa… nilalangaw pa.. 😀

      Pebrero 22, 2010 bandang 5:49 hapon

      • oist yvarro, behave. bago sya dito. hahaha 😀

        Pebrero 22, 2010 bandang 6:31 hapon

    • whoah! napangite mo naman ako jen. 😀
      sure, anong order mo? ahahaha 😀

      Pebrero 22, 2010 bandang 6:31 hapon

  16. new entry naman… hindi ako makarelate sa poste eh! hahahaha! pagbigyan na ang bata! hakhak!

    Pebrero 23, 2010 bandang 11:53 umaga

  17. stefania

    ang kulit naman d2.ehe..ehe..ahlabit na!=^__^=

    Pebrero 24, 2010 bandang 4:55 hapon

    • waw! welcome ka dito stefan, maki-kulit ka lang… 🙂

      Pebrero 24, 2010 bandang 5:05 hapon

  18. Ito, theory lang. Pwedeng mali, pwedeng mali. Parang may similar experiment akong jan sa langaw/lamok sa bus/kotse. Nag fill sila ng balloon with carbon dioxide and isa pa ng helium. Kinabit nila yung tali ng helium filled balloon sa floor ng van and yung carbon dioxide filled balloon sa ceiling. Nung nag-accelerate yung van, yung CO2 balloon, tilted papunta sa likod ng van then yung HE balloon went forward. Then nung nag break yung van, CO2 went forward then yung HE went backwards. Why, they said that CO2 acted the same way objects would as defined by the law of motion dahil sa relative weight ng gas na nasa loob ng baloon. HE balloon would’ve acted the same way if not of it’s weight. Masyadong magaan yung HE gas na mas na-overpower ng air pressure sa loob ng van yung ballon kaysa sa CO2 gas. Ganun din siguro sa lamok/langaw. Masyadong magaan para mag-react sa motion ng vehicle kaya they fly on the air inside the van instead of going backwards or forward as described by the law of motion. Whew! haba ng comment!

    Pebrero 27, 2010 bandang 2:58 umaga

    • whew! pero bakit di tumatalsik backward or forward ung lamok/langaw kapag nag accelerate or pumreno ung sasakyan? hmmmm…

      Pebrero 27, 2010 bandang 11:44 hapon

      • somehow tama rin yung theory na may upuan silang gawa sa hangin… kasi, lumilipad sila sa hangin sa loob ng sasakyan – hindi affected ng hangin sa labas… so if they feel na pa-hinto ang sasakyan, meaning paatras ang air pressure, sasakyan lang nila yung air against that air pressure. then vice versa kapag pa-accelerate… they got wings, dude… coz they’re cool!

        Marso 2, 2010 bandang 6:23 hapon

        • stefania

          but u’re cooler dude.hanep sa theory! >:D

          Marso 3, 2010 bandang 8:40 umaga

  19. Yvarro

    Wow!!! nakakahanga naman ung explanation na yun! totoo ba yun?.. kung hindi yun totoo.. muntikan mo na akong mauto.. hahaha!!! grabe toh?… siguro tama nga… madadala ung langaw dun sa bilis ng sasakyan.. 😀 hehe…

    Pebrero 27, 2010 bandang 11:52 hapon

  20. Hello BeefTapa…

    Dito muna ako tatambay sa bahay mo…

    Nakakalungkot…

    Nasunugan kase ang bahay ng apat na maskara…

    Ayun, medyo nagkalat ang mga maskara namin sa maraming bahay… sana okey lang na tumuloy ako dito sa bahay mo ah?…

    kung pwede lang…

    Ravy Animsè

    Marso 3, 2010 bandang 12:30 hapon

  21. oi ravy, kumusta?
    sure, dumito ka muna. nu ba nangyari sa bahay nyo? hmmmm… naglaro ba ng apoy si esmina? ahehehe… joke lang. mukhang mabigat rason, nasunog ung bahay e, buti sana kung nawala lang susi.

    Marso 4, 2010 bandang 10:57 hapon

    • ikatutuwa siguro ng puso ko kung isang malaking rason ang magiging dahilan ng pagka sunog ng aming tahanan…

      kaso hindi…

      ilang simpleng hindi pagkakaunawaan lang na nag-ugat sa makitid na pag-iisip…

      natutuwa ako na mayroon pa rin akong espasyo sa ilang mga bloggers…

      hindi magkukuwento ng dahilan si Esmina…

      maging ang ilan pang mga maskara na ngayon ay nagkalat sa blogosperyo…

      haiz… sana madali ko lang maikukuwento ang lahat…

      ngunit sa ngayon… nagpapasalamat ako na ako’y pinatuloy mo sa iyong bloghay…

      -Ravy

      Marso 4, 2010 bandang 11:09 hapon

      • oooh, oooh, may kinalaman ba si MD sa pagkasunog ng bahay mo ravy? kaya ba siya tumatakbo ngayon ay upang pumuga sa mga pulis? asan na ang ibang mga maskara? nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? 😀

        Marso 5, 2010 bandang 4:52 hapon

        • Tsk, naku MD, hindi mo kasalanan yun…,

          Nangyari ang lahat ng mga maling desisyon…

          Bunga ng pagiging malungkutin ng ikatlong maskara…,

          Haiz…,

          Hindi ko alam kung kailan maibabalik ang lahat sa date…

          Marso 5, 2010 bandang 5:02 hapon

  22. Pingback: But I Won’t do That. « Maskara

  23. hi. ang lungkot naman ng kwento…

    napadaan lang po… sabi ni aninipot, baboy-babuyan raw ang tawag sa kanila sa
    kurukutok at ituro mo raw sa kanya ang kanta nyo about it, hehe.

    btw, sana masaya na kayo pareho by now… :]

    Enero 9, 2011 bandang 2:09 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s