minsan malambot, minsan makunat…

Buhul-buhol adventure in Bohol

To Chocolate Hills Viewing Deck

Medyo natagalan na ng husto ung pagkwento ko ng Bohol adventure namin. Kaya eto, popost ko na bago pa tuluyang mapanis. hehehe… March 19 ung departure namin to Tagbilaran. Mahabang pakiusapan bago kami nakapasok sa boarding area. Nasaraduhan kami ng tiketan at ayaw na pumayag nung attendant dun na papasukin kami dahil naprint na daw ang manifesto. Magpa-rebook na lang daw kami for the next day. Bagsak balikat namin nun. Buti na lang ung isang ate nagtanong kung ilan daw ba kami tapos kinausap nya ung sa office ng Zest Air. Ayun! Bingo! Pumayag ung sa office. Laking pasasalamat talaga namin kay ate. Pagkakuha ng ticket, takbuhan na! Para kaming nasa Amazing Race! PAg-akyat namin ng eroplano tahimik, kami na lang kase ang hinihintay. Na-delay ang flight dahil sa grupo namin. Ang malala, mas lalo pa na-delay dahil sa mga priority flights, mga international daw. Pero ayos lang, wala na kong karapatang magreklamo dahil kami din naman ay naging cause of delay.

Tarsier

Pagdating namin sa Tagbilaran, hinihintay na kami ng kinuha kong tour guide. Derecho larga na sa mga tourist spots ng Bohol. Wala naman masyadong exciting na nangyari sa first day namin. Puro picturan lang. Saka ang inaabangan ko lang naman talaga sa first day ay ang chocolate hills at tarsier. Ahehehe… At meron akong natutunan sa Butterfly farm. Ang babae ang nasa ibabaw kapag nagme-mate sila. Kung sa tao daw, ang tawagΒ  sa ganung position ay “Butterfly”, ayun yan sa tour guide sa farm na loko loko. Hehehe…

Second day ng Bohol adventure namin ang pinaka-exciting kase physical activities, EAT Danao! Dumating kami ng Danao 10am na, na dapat ay 8am dahil madami ung activities. Hindi namin nagawa ung pinaka-extreme na The Plunge (parang bungee jump) dahil may photo shoot at taping

Suislide View

daw ang DOT,Β  Knowledge Channel at iba pang TV show. Sinimulan namin ang Danao adventure with trekking forabout 15-20 minutes papunta sa river para sa aming first activity, kayaking. After Kayaking, trekking ulit papunta sa root climbing at rappelling site. Simple lang ung root climbing, ung rappelling ang talagang nagustuhan ko.Β  After ng first 2 activities, umakyat kami ulit ng bundok pabalik sa reception area ng EAT DANAO for the late lunch. Sulit kami sa buffet lunch! Kain construction worker! Hahaha! KOnting pahinga lang, saka kami ng Suislide (zipline). Ang suislide nila ang pinakamataas dito sa Pinas. Enjoy lang ng view habang tumatawid papunta sa kabilang bundok, then zipline ulit pabalik. Last activity namin ang caving. Ito ang pinaka nagustuhan ko sa lahat, first time ko e. First time ko makakita ng mga stalactites at stalagmites sa personal, ang dami palang nagkalat na asukal sa loob ng kweba! (Ahehehe… joke lang. Crystals daw un, sabi ng guide at bawal hawakan kase nangingitim) Bukod sa first time ko, challenging talaga ung pagpasok sa kweba, at pinaka nakakapagod, aakyat, bababa, tatalon, lulusong sa napakalamig na tubig, lulublob para maiwasan ang nakaharang na malalaking formations at makatawid sa kabilang side. Astig talaga ang Danao adventure! Nag-enjoy ako ng sobra. πŸ˜€

Last day. Dahil 10 am ang flight namin pabalik ng Manila, bumangon kami ng 5:30 am para abangan ang sunrise at i-enjoy ang beach ng Panglao. At 3pm, nakauwi na ko ng bahay… Tapos na ang bakasyon. Back to reality πŸ™‚

Konti lang mapapakita kong pics, kase karamihan ng kuha ko kasama ung mga barkada ko. πŸ˜‰

Baclayon Church (Binilugan ko ng red ung image diumano ni Father Pio)

Man-made Forest

Sa tabi ng Dauis Church

Loboc River (Nakasalubong namin during our lunch/cruise )

Chocolate Hills

Chocolate Hills (pero green pa, ahehehe...)

Hanging Bridge

Sa baba ng Suislide

Formation (picture taken by the guide, bawal magdala ng cam sa cave)

Dumaluan Resort (dito kami nag-stay)

Sunrise in Panglao Island

Panglao Beach

Starfish, Front and Back (Wahahaha! First time kong makakita sa totoong buhay πŸ™‚ )

Beeftapa, 1, 2, 3... Jumpshot! Sunrise in Panglao Beach

Advertisements

81 responses

  1. huwaw! kuya tapa! ang saya naman ng ganyang trip! haha! talagng maeenjoy mo yan ng buong taon anu po?… hmn… siguro sa susunod.. bohol naman ang pag p planuhan kong puntahan.. πŸ˜€ hmn.. galing! Galing din ng jumpshot! jump kung jump! …

    ehehehe…

    Abril 8, 2010 bandang 12:55 umaga

    • kung pupunta kayo ng bohol, make sure na ma-experience nyo din ung Danao. dun talaga ko nag-enjoy. πŸ™‚
      Ung jumpshot, kala mo antaas tumalon e no? Ahehehe…. sa anggulo lang yan ng cam πŸ˜‰

      Abril 8, 2010 bandang 1:31 hapon

      • talaga?.. hmn danao?.. hmn.. gusto ko rin dun! pero.. hindi kami kukuha ng tour guide.. hayaan na lang na magkandaligaw ligaw kami sa bohol.. haha!!

        gusto ko ding pumunta ng cebu..

        Abril 8, 2010 bandang 4:16 hapon

        • mag sky adventure kayo sa cebu, dun un sa may regency hotel. astig din un! hahaha! nakakalula… tapos supercat (ferry) na lang papuntang bohol! kakaylanganin nyo ng sasakyan pag nandun na kayo sa bohol para sure na mapuntahan nyo lahat pero kung magtatagal nman kayo dun kahit kayo kayo na nga lang. ahehehe

          Abril 8, 2010 bandang 5:15 hapon

  2. waaah! inggit ako..
    pero masaya ang zipline diba?..haha, correction lang, hindi sa bohol ang may pinakamataas na zipline, nasa dahilayan bukidnon, 860 m ang haba.

    gusto kung matawa sayo, kakatuwa may mga tao palang minsan lang nakakakita ng starfish, punta ka samin, iba-iba pa ang kulay…hehe

    pero wow! ganda ng mga kuha mo.

    Abril 8, 2010 bandang 8:09 umaga

    • mas masaya ang zipline kung mas mahaba pa. ahehehe… anini ayun sa mga guide dun, sa Danao ang pinakamataas na zipline, pero hindi sila ang pinakamahaba. Pero this year daw mag-open ung bagong zipline nila na 1.5KM long. πŸ˜€
      first time ko talagang makakita ng starfish! hahahaha! kala ko dati shell un, un pala medyo matigas lang ung katawan nila! hahaha πŸ˜€

      Abril 8, 2010 bandang 1:33 hapon

      • haha, naalala ko sayo ang housemate ko, di rin sya madalas makakita ng starfish, tapos super tuwa nya na ang pasalubong ko ay lobster…haha

        Abril 8, 2010 bandang 1:48 hapon

        • waaaaahhh! lobster! sarap nman nun!

          Abril 8, 2010 bandang 2:54 hapon

          • hahaha, bakit? di man lang ba kayo sumubok kumain ng lobster sa bohol?

            Abril 8, 2010 bandang 3:54 hapon

          • naku late na kami nkakabalik ng resort at dun na lang kami sa resto kumakain ng dinner. walang lobster sa menu…

            Abril 8, 2010 bandang 4:53 hapon

  3. ako di pa ko nakakakita ng starfish… ang saya naman!

    (may tanong nga pala ko sayo.. piniem kita sa YM mo.. )

    Abril 8, 2010 bandang 9:35 umaga

    • hahaha! parang paa ng centepede ung ilalim ng starfish! ahehehe…
      (nagreply na ko sa ym)

      Abril 8, 2010 bandang 1:37 hapon

  4. ang daya daya 😦

    Abril 8, 2010 bandang 11:41 umaga

    • oh anong madaya dun? hmmmm…

      Abril 8, 2010 bandang 1:38 hapon

      • ang daya mo sa pic sabi ng walng edit eh πŸ˜€

        penge copy πŸ˜†

        Abril 8, 2010 bandang 1:52 hapon

        • wala nmang edit ah. kala mo nung sinabi kong may pic na kasama ako, makikita talaga mukha? wahahaha πŸ˜€

          Abril 8, 2010 bandang 2:55 hapon

  5. talaga namang WoW ang Pilipinas sa ganda!

    Abril 8, 2010 bandang 1:13 hapon

    • tama pong! ang ganda ng Pinas! πŸ™‚

      Abril 8, 2010 bandang 1:39 hapon

      • talagang na-enjoy mo ng husto ang adventure mo sa bohol kuya davin.

        Abril 10, 2010 bandang 7:20 hapon

  6. woohooo buhul buhol nga! ay naku! buti hindi ko kayo nakasama sa flight dahil kung hindi, maiiarapan ko kayo sa galit lalo na kung excited na ko’t lahat lahat! hakhak!
    kumusta naman daw yun at mukhang enjoy na enjoy ka. gusto ko try yung sa zipline. ang enjoy kaya nun! wafakels!
    nakakaasar. ang ganda ng kuha mo dun sa chocolate hills kaso green nga lang. ang astig talaga! grr!
    at may pajumping jumping shot ka pa dyan! amp! hakhak!

    Abril 8, 2010 bandang 2:14 hapon

    • hahaha! ang sungit mo naman eloisa. hehehe… pero kung ako din naman madaling mabadtrip sa mga cause of delay. isa lang talaga sa group namin ung late, patay sya samen kung nagkataong di kami nakasakay nung araw na yun! hahaha!
      tingin ko mas mag-eenjoy ka sa The Plunge. mukhang mahilig ka sa extreme adventure e. hehehe…

      Abril 8, 2010 bandang 2:58 hapon

      • tongenuh. hindi nga ako si eloisa eh. hindi ako yun! hindiii! hakhak! THE PLUNGE? ano yun? anong klaseng kaextreman ang meron dun. i wanna try! hakhak! syete! ingget ako! lintik ka! ang ganda ganda pa ng beach o. tapos yung starfish. hindi pa ako nakakakita ng starfish. hinawakan mo ba yung starfish? hakhak! ang cute cute o. sana nag-uwi ka. tapos ipalbc mo padala mo sa akin. hakhak!
        gusto ko rin ng photoshoot. gusto ko rin magpicture picture! kaasar!
        oi nakita ko blogroll mo. palitan mo yung eloisa dun. eloiski na lang please. uu as in please. ktnxbye!

        Abril 8, 2010 bandang 4:34 hapon

        • may picture ako, nilagay ko ung starfish sa dibdib ko! wahahaha! pero naka-sando ako. hehehe…
          ung the plunge (canyon swing) check mo to: http://www.youtube.com/watch?v=s3Mn6famqe0&feature=related

          o sya, i-edit ko na nga ung blogroll ko. πŸ™‚

          Abril 8, 2010 bandang 5:04 hapon

          • waaaaaaaaaaah! ang bongga ng vid. takteeeeeeeeeeeeee! gusto ko itry yun! waaaaaaaaaaaah! kaastig men! ang saya! lintik na yan oh!
            hindi ako naniniwala, i want a proof. gusto ko makita yung picture! wahahahaha!
            inedit nga pinalupit pa! sows! god bless you. yan na lang masasabi ko. hakhak!

            Abril 8, 2010 bandang 5:33 hapon

          • waaaah! tapa, tara balik ka ng bohol…haha, try tayo ng the plunge…nabuhay na naman dugo ko… if punta ka dito…water rafting tayo saka yong zipline sa bukidnon kasing ganda din non..

            love it… gusto ko talaga ang mga extreme na adventures…

            Abril 13, 2010 bandang 2:35 hapon

          • hahaha! siguraduhin mo yan anini ha! ahehehe… bawal umatras. πŸ˜‰

            Abril 13, 2010 bandang 10:37 hapon

          • oo bawal umatras, dahil kasama ka….hahahaha

            basta gusto ko ang the plunge, after nun, di ko na alam…hahaha

            Abril 14, 2010 bandang 9:42 umaga

          • naku saka na muna ung bohol, ang tinutukoy ko ung pagpunta ko ng cdo. medyo malake probability makapunta ko dyan. ahehehe πŸ™‚

            Abril 14, 2010 bandang 1:05 hapon

          • kelan ka pupunta, pag wala na ako?…magreresign na ako this may, kelangan kong magpahinga for a month…pero if within this year ang pagpunta mo….hmmm, pwede basta libre ako…at waterrafting tayo…yehaaa!..hahaha

            Abril 14, 2010 bandang 1:44 hapon

          • nu ba yan. ako nga bisita ako pa manlilibre? waaaaaahhhh!
            ahehehe… sana saken mapunta cdo sa hatian nmin dito sa ofc. πŸ™‚

            Abril 14, 2010 bandang 2:10 hapon

          • haha, i mean free ako, walang ibang commitment… di ko pa alam ang sched ko.
            pero if manlilibre ka talaga, aba! kahit magtatravel pa ako, punta ulit ako ng CDO….hahaha

            Abril 14, 2010 bandang 2:17 hapon

          • hahaha! sorry namen, sked pala un. toink.
            malayo ka ba sa cdo? di ka nman siguro sa pagadian ano? hehe

            Abril 14, 2010 bandang 2:31 hapon

          • hmm, hinde….mga 3 hours travel lang naman kaya ok lang…

            whew! mas malayo naman yang pagadian…
            haha, na-excite ako… pero kahit di ka pupunta dito, may plan ako for zipline at water rafting this year, kahit mga estudyante pa ang kasama ko.

            Abril 14, 2010 bandang 3:14 hapon

          • (gusto ko itong subaybayan hehehehe)

            Abril 14, 2010 bandang 3:55 hapon

          • mukhang kaylangan ko brasuhin mga office mates ko para saken mapunta ang cdo! wahahaha πŸ˜€

            Abril 14, 2010 bandang 4:42 hapon

          • hala! si kuya taribong talaga oh!

            Abril 15, 2010 bandang 10:21 umaga

  7. lababo

    NAG UWI AKO NG STARFISH DATI SA BAHAY, PAGBUKAS KO NG BAG KO AMBAHO. NABULOK. HAHA. ALL CAPS. GALIT AKO. NAIINGGIT AKO. LECHE.

    Abril 8, 2010 bandang 4:11 hapon

    • hahaha! kawawang starfish! kala ko nga dati pede gawing keychain kase kala ko shell sya! hahaha

      Abril 8, 2010 bandang 4:58 hapon

      • lababo

        WALAAAAAAAAAAA! BOOOOOOOOO!

        Abril 11, 2010 bandang 10:23 umaga

        • lababo

          pre alam mo email add ko diba? refer mo yung travel agency nyo. =)
          nainggit talaga ako kaya gusto ko rin mag-bohol. nagkakambas na kami ng gastos haha.

          Abril 13, 2010 bandang 8:22 umaga

          • wahahaha! cge, basta ung airfare lang nman ung mapapamahal kayo. mas makakamura nga kung kayo na lang mag-asikaso, email ko sayo details nung samen.

            Abril 13, 2010 bandang 9:09 umaga

          • lababo

            ayos! salamat.. pre sa gmail account na lang. wp.lababo@gmail.com
            yesssss! naexcite ang tumbong ko. wahaha

            Abril 13, 2010 bandang 9:14 umaga

  8. wahh,, hanga ako lagi sa pag picture mo.. pang postcard talaga.. at perfect anng views.., ung unag basa ko sa ‘Suislide’ eh suiside.., hala.., batuhan pa naman.., naramdaman ko ang saya mo Kuya.. wala bang back dive sa dagat?..=)

    Abril 8, 2010 bandang 7:04 hapon

    • salamat lee mi! πŸ™‚
      dun nga pinangalan ung zipline nila, kase daw parang nag-suicide na din. pero di nman nakakatakot, ahehehe… ang saya talaga lalo na ung sa danao! πŸ˜€

      Abril 11, 2010 bandang 12:59 umaga

      • sa susunod, pag kailangan mo ng alalay, kahit tagadala lang ng cam.. isama mo ko ha…=).

        Abril 12, 2010 bandang 9:30 umaga

        • nakakahiya nman yun lee mi… baliktarin n lang naten, ako isama mo tas ako na lang taga-picture mo, ahehehe πŸ™‚

          Abril 12, 2010 bandang 10:40 hapon

          • heheh.. sige, sa susunod na uwi ko isasama kitang picturador.. hehe, fan ako ng pics mo.. ang galing ng shots..=)

            Abril 19, 2010 bandang 10:39 umaga

  9. sa wakas, napost mo din yang BOHOL adventures mo.. tagal ko tong inabangan ha.. ang ganda ng place.. galing din ng mga shots mo. sigurado ka ba di dslr yan gamit mo? ang ganda ng kuha eh. mahilig talaga ako sa makulay. thanks sa pag share. next time pasyalan ko di yan πŸ™‚

    ingats, beef.. di na tayo naka-chat ulit.. busy busyhan lang .. hehe πŸ™‚

    Abril 8, 2010 bandang 11:29 hapon

    • ay teka bakit ganun yung kulay ng starfish.. di ba blue yun? blue yung ninenok ko dati sa puerto galera.. tapos pag uwi ko sa bahay naging brown.. wahhhh…

      Abril 8, 2010 bandang 11:31 hapon

      • waw! salamat! sony cybershot po gamit ko…. ayun kay anini, iba ibang color daw ang starfish, buti ka pa colored ung nakita mo! hahaha πŸ˜€

        Abril 11, 2010 bandang 1:02 umaga

  10. Wee! Sayang di tayo nagkita sa Bohol! Hahaha. πŸ˜‰ Pa picture sana tayo! Ang galing ng jumpshot! Sayang, though, you didn’t try the suislide. 😦 But mas marami pa rin kayong nagawa. Hayy. πŸ˜‰

    Abril 12, 2010 bandang 11:47 umaga

    • oi, nag-suislide kami, ung the plunge lang di namin nagawa. hehehe… πŸ˜€
      san ba kayo nag-stay?

      Abril 12, 2010 bandang 10:30 hapon

      • Ay! Hahaha. Kami rin, di nag Plunge. LOL. πŸ˜‰ Feel ko mahihimatay ako. One night lang naman kami dun sa Bohol eh. Dumaluan din yata ang name. I forgot. 😦

        Abril 13, 2010 bandang 9:59 umaga

        • wahahaha! baka nman katabing room pa nmin kayo! hahaha
          kung sakaling open ung the plunge nun, di ko din masabi talaga kung gagawin ko. wahahaha! pero pag nagka-ayaan na, malamang gawin ko! wahahaha πŸ˜€

          Abril 13, 2010 bandang 10:05 umaga

          • It was sooo scary, though! Sa suislide pa lang, feeling ko, I was going to die na nga. Ano na kaya yung Plunge! :p Leche. Hahaha. But we will go back soon, and yung talagang puro EAT Danao na lang ang gawin namin. 2 days in Bohol ain’t enough talaga. 😦

            Abril 13, 2010 bandang 10:07 umaga

          • kulang nga ang two days. puro land palang un ha, wala pa ung dolphin watching/island hopping/snorkeling…

            Abril 13, 2010 bandang 10:46 umaga

  11. Joyo

    waaaah ohlalalala ang bongga ng bakasyon mo… as in BAKASYON GRANDE! wapak! ang ganda… ang gaganda din ng kuha… teka asan ka bakit wala ka sa mga pics…

    Abril 12, 2010 bandang 7:39 hapon

    • kase ako po may hawak ng cam joyo. ahehehe… kung kasama ako sa pic tas ako din photographer malamang puro mukha ko yan. wahehehe πŸ˜†

      Abril 12, 2010 bandang 10:36 hapon

  12. machongbutiki

    huwaw… beeftapa. im so back. gusto ko din makarating ng buhul…. hehehe. pero dahil sa pix mo mukang nakarating na ko. apir. napakaganda ng mga kuha mo.. hehehe gusto ko yung jumpshot mo.. hehheheh. apir!!

    Abril 12, 2010 bandang 10:47 hapon

  13. salamat!
    nakabalik ka na nga! πŸ˜€

    Abril 12, 2010 bandang 11:06 hapon

  14. waah, pangarap ko pumunta jan… ano masarap na pagkain jan? may pantapat sana ako sa jumpshot mo kaso nabura na sa PC ko eh… nyemas na virus yan…

    Abril 15, 2010 bandang 7:59 umaga

    • wala ko nakain na kakaiba sa bohol MD. walang food trip, puro gala lang. πŸ˜€

      Abril 15, 2010 bandang 10:01 umaga

      • ganun?! pwes, kapag napadpad ako sa Bohol, dadalhin ko ang High Tech kong kamera at isang bag ng film πŸ˜€

        Abril 15, 2010 bandang 11:36 umaga

        • hahaha! mayaman sa film! πŸ˜‰

          Abril 15, 2010 bandang 1:11 hapon

    • ???

      ahaha! nekita ko ne ang jumpshot mo na yan MD! ahaha!! karapat dapat lang ma virus!! ahahaha!!

      Abril 15, 2010 bandang 10:44 umaga

      • inggit ka lang questionmarkquestionmarkquestionmark, at least i have proof na hindi pa ako masyadong mataba kasi i still get off the ground… bleh!

        Abril 16, 2010 bandang 7:03 hapon

        • ???

          wah?.. hahaha!! mas maganda ang jumpshot ko sa jumpshot mo.. πŸ˜€ nakita mo na ba?..

          Abril 16, 2010 bandang 7:16 hapon

  15. wow! ganda ng trip! dipadin ako nakakakita ng starfish sa totoong buhay! ^^ pero beeftapa uu nakakita nako hihi!

    napadaan lang po!

    Abril 16, 2010 bandang 3:55 umaga

    • gusto ko makakita ng makulay na starfish! maghahanap ako sa laiya, madami daw dun! hehehe…. beeftapa? weh…. ahehehe

      Abril 16, 2010 bandang 10:36 hapon

  16. yiN

    Tol sana sinuggest mo chocomani hills na lang itawag sa mga burol na yun! At pwede kaya isisig yung tarsier??? Kainggit, kasama sa trabaho ang magliwaliw! Pasensya na tol tagal nawala!

    Abril 19, 2010 bandang 8:48 hapon

    • hahaha! tarsier na sisig? patay tayo dyan pre! bawal nga hawakan un e, gagawin mo pang sisig… yung chocolate hills, sayang di ko natikman, green pa kase.

      Abril 20, 2010 bandang 8:09 hapon

  17. nasabi ko na ata ito before… na if there’s one place i would love to go back to, that’s bohol. ang ganda tsaka marami kang mapupuntahan.

    nagpunta ka sa hanging bridge…nameet mo ba si buko king? haha. pinuntahan pa namin ang mag-aso falls noon pero very recently may isang nakakatakot na aksidente dun kaya di ko alam kung ok pa rin siya puntahan. ang ganda ganda pa naman ng lugar na yun dahil ang linaw ng tubig…matarik lang talaga at madulas pababa.

    at ang panglao! hayyy… para saken, mas maganda siyang di hamak kesa sa bora.

    it’s good you enjoyed bohol. kami kaya kelan babalik diyan? hayyy…

    Abril 20, 2010 bandang 6:05 hapon

    • yup. nasabi mo nga po yan mami, dun yata sa mas naunang post ko ng pics. πŸ˜€
      hahaha! pagkatawid ng hanging bridge nandun nga po si buko king.
      wala pong nabanggit ung guide na mag-aso falls. sayang mukhang may na-miss ako sa Bohol. ahehhee….
      mami, padalaw dalaw ako sa bahay mo, pero mukhang busy ka po ata. πŸ™‚

      Abril 20, 2010 bandang 8:14 hapon

  18. Pingback: But I Won’t do That. « Maskara

  19. WOW. amazing pics. and ngayon ko lang nakita yung image nung father pio sa baclayon church.

    i have scheduled trips to bohol in June and in July. but it never really sank in until i read your post. thanks for making the excitement in me alive. πŸ™‚

    Mayo 9, 2010 bandang 6:15 hapon

    • try mo ung EAT Danao lalo na ung “The Plunge” πŸ˜€ (di ko natry un, ewan ko lang kung kaya ko. wahahaha)

      Mayo 10, 2010 bandang 3:02 hapon

  20. ang ganda talaga sa bohol.grabe!

    Hunyo 15, 2010 bandang 1:24 hapon

    • oo naman! magtataka kung papano nabuo ung mga bundoklets! πŸ˜€

      Hunyo 15, 2010 bandang 9:01 hapon

  21. ang saya siguro ng vacation mo dyan last summer.. hehehehehe nakakainggit naman!!! πŸ˜‰

    Hulyo 3, 2010 bandang 11:34 umaga

  22. waw! namiss ko bigla ang Bohol.. kahit maliit lang yung lugar, ang sarap balikan kasi hindi pa siya natatyuan ng kahit na anong b usiness, di tulad nung ibang probinsiya.. tsaka ang kyuuutt nung mga tarsier. πŸ™‚

    hindi namin po napansin yung picture ni father pio noon, hindi nasabi nun tour guide.haha..

    ang ganda po ng mga pics niyo! binuhay niyo po ang Bohol!

    “balik sa bohol, balik! ” πŸ™‚

    Hulyo 16, 2010 bandang 1:21 umaga

  23. hello, tapa!

    this is one of the best bohol pics set that i’ve seen. ang galing!

    gala ka talaga – gala! πŸ™‚

    Abril 11, 2011 bandang 3:46 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s