minsan malambot, minsan makunat…

beeftapa random thoughts

Kapag pinakawalan mo ang mga taong importante sayo at minamahal mo, hindi ibig sabihin nun gusto mo na silang umalis sa buhay mo. Gusto mo lang silang mas makagalaw at maramdaman na kahit binitawan mo ung tali ay hindi sila tuluyang lalayo sayo…

Advertisements

58 responses

  1. ang emo naman ni beeftapa ngayon. haha.
    minsan kelangan mo munang bitawan ang tali hanggang matutunan nilang bumalik ng kusa sa yo. pag nakatali kasi lagi, hindi nila masyado naa-appreciate yung presence mo sa buhay nila..

    happy Sunday, beef! πŸ™‚

    Mayo 16, 2010 bandang 1:31 hapon

  2. Sphere

    super emo naman si Beeftapa:-( at super agree ako kay bellPepper πŸ™‚

    sana lng eh maramdaman nila ang iyong tunay na halaga…

    keep it up & be happy ok πŸ™‚

    Mayo 16, 2010 bandang 3:57 hapon

  3. beeftapa

    tama.

    pero ako, gusto ko na nang malayo sa mga taong (hindi man nila alam pero) patuloy na nananakit sa akin.

    gusto ko ng bumalik sa normal… yung hindi ka nagmamahal pero hindi ka rin nasasaktan.

    ang hirap kasi sa kanila, para silang mga bato hindi nga nasasaktan pero nakakasakit naman.

    Mayo 16, 2010 bandang 7:08 hapon

    • Sphere

      Awts 😦 hurting ka nga sorry for that 😦 lahat ng nagmamahal kailangang masaktan partner yun Davin pag nagmahal ka ihanda mo sarili mong masaktan…

      hindi pwedeng hindi ka magmahal hindi normal yon tulad ng sinasabi mong “gusto ko ng bumalik sa normal… yung hindi ka nagmamahal pero hindi ka rin nasasaktan” basta hindi normal yon 😦

      Mayo 16, 2010 bandang 9:36 hapon

    • teka, sino ka? hmmmm…
      hindi ako nagpost ng reply na yan sphere.

      Mayo 17, 2010 bandang 1:09 hapon

  4. napaka totoo…

    nakakatakot isiping mawawala na sila sa piling mo…

    pero…

    mas nakakatakot na isiping nawawala na sila sa iyo, kahit na sila’y kapiling mo pa…

    Mayo 16, 2010 bandang 11:12 hapon

  5. Magandang Umaga BT!

    Minsan kung hindi man madalas kailangan pakawalan ang isang minamahal. Luwagan man ang tali o tuluyang kalasin, babalik ng kusa sa iyo.

    Pero, kung sila man ay bato… Sa tingin mo ba ang hindi magmahal at masaktan ay di kaparis ng bato? Tao ka rin lang.

    Bitiwan mo ang tali, maaaring di sila lumayo. Ikaw ang dumistansya ng malaman nila ang kahalagahan mo sa buhay nila.

    Tol, kung ano man yan… Itagay natin.

    Mayo 17, 2010 bandang 5:45 umaga

  6. Parang cool off? You need time and space?

    Mayo 17, 2010 bandang 11:49 umaga

  7. may tali pa rin? nakupo sa sasabit ang tali, hindi yan makakalipad ng lubusan kapag nagkataon. Teka, abal-abal ba ang pinag-uusapan natin? πŸ˜€

    Mayo 17, 2010 bandang 12:13 hapon

  8. kapag bumitaw ka hindi ibig sabihin binitawan ka rin..

    minsan yung sa akala mong wala na.. nagsisimulang magkaroon ulet, maaring sa ibang panahon at sa ibang pagkakataon.. pero babalik pa rin yun..

    Mayo 17, 2010 bandang 12:44 hapon

  9. loosen up ba ito kuya davin.

    magandang umaga! Be blessed

    Mayo 17, 2010 bandang 12:53 hapon

  10. kaye

    at gusto mo lang maramdaman nila na hindi mo sila gustong sakalin…dahil yun ang totoong sukatan ng pagmamahal.

    tama ba, roastbeef? namiss ko dumalaw dito ah…

    Mayo 17, 2010 bandang 4:25 hapon

  11. tama mami kaye…

    namiss mo yata pagka-emo ng tapa e. hehehe πŸ™‚
    salamat

    Mayo 17, 2010 bandang 6:15 hapon

  12. hehehe!

    alam ko ibig mong ipahiwatig bro.kung ‘di ako nagkakamali,gusto mong makita how faithful can someone be.yung tipong kahit iwanan mo,lagit-laging alam mong mahal ka pa rin n’ya.kaso mahirap yan.once you let go,its just a matter of chance kung mahahabol mo pa yung dulo ng tali.

    magandang araw!

    Mayo 17, 2010 bandang 10:00 hapon

  13. pasensya tapa…nagoyo na ako..

    paano ka liligawan?…haha

    Mayo 18, 2010 bandang 4:51 hapon

    • hahaha kumuha ng gitara at umawit ng “the bird and the worm”?

      Mayo 19, 2010 bandang 4:08 hapon

  14. anonymous

    Kumusta ka na Beef X?! Tuluyan mo ng pakawalan ang lahat.

    Mayo 19, 2010 bandang 9:57 hapon

    • Hello ulit Beef X! Hindi pala ako nakapag-iwan ng link.

      Magandang gabi sa’yo. πŸ˜€

      Mayo 22, 2010 bandang 10:14 hapon

  15. yiN

    Tol kapag bumalik sabihan mo ‘ko luto tayong dinakdakan.

    Mayo 20, 2010 bandang 9:50 hapon

  16. hmmm bakit super late ako dito..di mo nasabi sa akin ito ah..hmmmmm

    Mayo 23, 2010 bandang 5:44 hapon

  17. korek! korek πŸ™‚ xlink tayo tapa πŸ˜‰

    Mayo 23, 2010 bandang 5:50 hapon

  18. Kumusta na Davinci?!

    Mayo 23, 2010 bandang 11:55 hapon

  19. hmmn, Cool Off, hindi ba ibig sabihin rin ng ganyang phrase ay, “Gusto kong i-explore ang ibang relasyon. Kaya diyan ka lang muna in case hindi ako nakahanap ng matino, may babalikan ako.”
    biro lang. totoo nga na minsan kailangan ng isang tao ang mapag-isa para ma-assess lang nila kung nasaan na sila. Pero, dakila ang ginawa mo (kung ikaw yung taong nagpakawala)
    sabi nga ng isang napakagaling na propeta, “If you should return to me, we truly were meant to be. So spread your wings and fly, butterfly”

    ang galing niya noh?!hehe tawa tayo, kuya bip!
    kamusta ka na?

    Mayo 24, 2010 bandang 10:10 umaga

  20. lababo

    no comment ako dito tol. ang bigat eh. Pero makikinig at magbabasa ako.. *tapik sa balikat*

    Mayo 24, 2010 bandang 12:47 hapon

    • si lababo nadalaw dito pero sa site ko absent. mememohan na kta ng AWOL

      Mayo 24, 2010 bandang 1:11 hapon

      • lababo

        haha, kakagaling ko lang dun ah.. di lang ako nagcomment. ang olats kasi ng net connection dito eh. pawala wala. haha

        Mayo 24, 2010 bandang 1:58 hapon

        • ok na hahahaha

          buti naman nakadalaw ka na !!!

          nako ang dami mong ibabackread shaks ka!

          Mayo 24, 2010 bandang 5:25 hapon

          • lababo

            onga eh.. andami nga. ansakit agad ng mata ko.

            Mayo 24, 2010 bandang 5:34 hapon

          • hahahah sa celphone ka ngbobloghop ano!

            Mayo 24, 2010 bandang 9:20 hapon

          • lababo

            oo, kagabi. kaya di ako makareply, haha.. ambagal eh. Tsaka nawawala yung reply button!

            Mayo 25, 2010 bandang 7:39 umaga

          • pat mga drawing ko nakikita sa celphone?

            Mayo 25, 2010 bandang 10:56 umaga

          • lababo

            but apkorse.

            Mayo 25, 2010 bandang 11:44 umaga

  21. applicable saken to beeftapa tama?

    kilala mo ko kilala mo ugali ko..

    and ang gandang reflection nito pramis πŸ˜€

    Mayo 24, 2010 bandang 1:04 hapon

  22. pero ang saranggola pag binitawan mo mawawala na sya poreber..

    pero hindi saranggola ang tao..

    hohohoho

    Mayo 24, 2010 bandang 1:13 hapon

  23. hey weres beeftapa!

    Mayo 24, 2010 bandang 5:30 hapon

    • lababo

      beeftapa is jebsing…

      Mayo 24, 2010 bandang 5:33 hapon

      • shaks! anong ingredients ng jebsing ni beeftapa? 100% pure beef o may extenders!

        Mayo 24, 2010 bandang 9:17 hapon

        • lababo

          may extenders, yung mga plastic ng ice candy..

          Mayo 25, 2010 bandang 7:42 umaga

          • kadiri hahaha nakakakain ba yon?

            Mayo 25, 2010 bandang 10:58 umaga

          • lababo

            siya, kinakain niya. haha

            Mayo 25, 2010 bandang 11:44 umaga

        • Diba pagkain ng Hamster yung jebsing? Aw…

          Mayo 26, 2010 bandang 1:44 umaga

          • shaks! di kumakain ng jebs ang hamster!!!

            Mayo 26, 2010 bandang 5:20 umaga

  24. Leonard, kung nasan ka man, magparamdam ka! Now na!! At this very instant!!! Parang pansit canton lang…

    Mayo 24, 2010 bandang 6:49 hapon

    • hahahaha lakyeme!

      Mayo 24, 2010 bandang 9:16 hapon

      • wahaha, leonard na si tapa?

        Mayo 26, 2010 bandang 7:43 umaga

        • shaks anong nagnyayare? magiging leonard si tapa?

          shaks

          mas kaabang-abang na balita pa to kesa sa pag-alis ni kris!

          Mayo 26, 2010 bandang 10:20 hapon

  25. pero bakit nga ba natin sila kelangang talian in the first place?

    napaisip lang.

    Mayo 26, 2010 bandang 12:56 hapon

  26. Hi po sir BeefTapa.

    Punto de Vista:

    Kapag sinasakal, pwedeng malagutan ng hininga, kapag maluwag ang hawak pwede pa ring madisgrasya, tamang kapit lang.

    Hi po ulit

    Mayo 26, 2010 bandang 1:54 hapon

  27. wheres beeftapa!! wah!

    Mayo 26, 2010 bandang 10:26 hapon

    • dito na ko jason. lol

      Mayo 28, 2010 bandang 10:41 umaga

  28. Hello Beef X! Patambay lang.

    Mayo 26, 2010 bandang 10:29 hapon

  29. bakit kasi kelangan pang talian kung bibitawan mo lang rin naman? napapaisip lang ako. inulit-ulit kong basahin.

    Mayo 28, 2010 bandang 10:21 hapon

  30. WildCat

    Habaan mo na lang ang tali, nang gayun pwede mo silang hatakin pabalik ano mang oras.

    Masyado kang emotional ( which is not bad) sino ba tinutukoy mo? (curious lang)

    Mayo 29, 2010 bandang 5:51 umaga

  31. ghe

    emo ka na rin? wag ka maglalaslas ah! mababawasan ng engineer sa pilipinas!

    Mayo 29, 2010 bandang 10:54 umaga

  32. yiN

    Napagkokonek-konek ko yata o adik lang talaga ako? LOL

    Mayo 30, 2010 bandang 5:20 hapon

  33. aww.. 😦

    Hunyo 25, 2010 bandang 10:37 umaga

  34. nice

    Hunyo 25, 2010 bandang 1:46 hapon

  35. hello, tapa.

    may update baga dine sa taling binitawan? :s

    am not sure about the wisdom of this, though… it’s likely na one party isn’t sure about his/her feelings. pero pagbitaw, ang liit na ng chance na pagbalik ganoon pa rin. tingin ko… 😦

    i hope you are well. πŸ™‚

    Abril 13, 2011 bandang 9:16 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s