minsan malambot, minsan makunat…

Archive for Hunyo, 2010

kamalayang malaya…

anong ginagawa ko sa mundo kung saan salita lang ang nagiging basehan ng pagkatao? hindi magkakakilala sa personal at pawang sa mga artikulong minsay mabulaklak at minsay madrama lang ang pagkakakilanlan? tanging sa likaw lang ng utak nakikilala at walang mukha.

ikaw bat ka nandito? para sa malayang kamalayan. sa mundong to, walang tama at mali, sabihin kung ano ang nais. ilabas lahat ang nasasaisip. walang rated PG, walang rated-R. lahat handang umunawa. nakakatuwang mapabilang sa mundo kung saan hindi kaylangang sabihin kung sinu ka. hindi kaylangang magpasa ng resume kung saan nakalista ang ngalan, edad mo at natapos mo. ang mahalaga lang marunong bumasa, hindi ng nasusulat, kundi higit ng damdaming nakapaloob. at syempre respeto.

ang malayang kamalayan tulad ng buhay naten, kaakibat ay pananagutan. respeto lang kaibigan. dito sa mundo ng blogosperyo ko nakita ang tunay na malayang kamalayan. hindi binabakuran ng panuntunan. hindi sinasaklawan ng mga saradong isipan. bukas sa bawat pagsita, bukas sa lahat ng dadalhin ng hangin.

ang malayang kamalayan, inihahalintulad ko sa hangin, na bawat sulok ng mundo ay kayang marating pati puso’y kayang pasukin. pwedeng makapagbigay ng pansamantalang ginhawa o magdulot ng alinsangan. hangin na kayang hawiin ang ulap at hangin na kayang magdala ng ulan. hangin na hindi kayang irehas, hindi kayang ikadena, hindi mapipigilan.

malayang kamalayan, katumbas din ay malayang damdamin. dito sa mundong to ko natutunan pakawalan ang nararamdaman. dito nagawang palayain ang sarili mula sa bakod ng  galit. nakabuo ng tulay mula sa isla ng pag-iisa. nagsilbing tengang makikinig sa tuwing binabagabag ng konsensya.

maging malaya sa damdamin at isipan. pare-pareho nating  gustong makamit. masaya akong narating ang mundong to at dito nagkrus ang mga landas natin. ikinagagalak kitang makilala sa mundo kung saan ang kamalayan ng bawat isa ay malayang malaya.

malayang kamalayan, malayang damdamin, bukas na isipan – davin


back to school… pengeng bente :)

Ahahahay… matagl tagal din bago ko makapag post ng talagang post. ahehehe… try ko ngaun. kwentuhan tayo…
kakabalik ko lang from 6 days field work, sa bandang southern tagalog. nakakapagod at nakakainip. Fiesta sa syudad na un kaya paghahanap pa lang ng hotel e pahirapan na. Buti at may nahanap ako the night before ako magbyahe. OK naman, may pool, kaya kahit mag isa lang ako may pagkakaabalahan ako pag nasa hotel. Ayun, nainip pa din ako. ahahaha… kaya eto umuwi na ko kahit pwede pa kong mag-stay dun ng another night, para may additional allowance. Obviously mas pinili kong umuwi kesa magrelax lang sa hotel at kumita. ahehehe…
Nakakapagod ang byahe, buti na lang di ako inabot ng rush hour pagdating ng manila. Pagdating ko ng bahay, may nakita akong tatlong sobre. Dalawa ay sa utang at isa ay ang matagal ko nang hinihintay na sulat galing sa World Vision. Nakikita mo ba yang link/pic ng bata sa sidebar ko? Nilagay ko yan nung araw na nag-apply ako para maging sponsor ng isang bata. Once lang kase ko nakareceive ng email  from the organization and after i replied to that email, wala na ko nareceive ulit. At ngayon, dumating na at meron na ngang batang na-assign saken. Nawala ung pagod ko galing sa byahe, dali dali kong binuksan at binuklat buklat ung booklet. Nakakagaan ng loob. Kahit papano makakatulong ako.

Tinanong ako ng isang kaibigan kanina (over the phone) bkit daw ako kumuha nun (child sponsorship). Sabi ko na lang para naman magkaron ako ng silbi sa buhay. Hahaha! Naging aware ako sa sponsorship program na to ng World Vison nang  mabasa ko ung post ni AddictedToGreenBellPepper (Universal Child) kung saan nagreply si CoolWaterWorks, at napadpad ako sa blog nya. Nung araw na yun, nasabi ko sa sarili ko, pagdating ng sahod, sasali din ako. Gusto ko din makatulong. Hindi ako mayaman. Galing ako sa pamilya na sakto sakto lang. Graduate ako ng public school mula kinder hanggang matapos ng college. Public elementary school sa Pangasinan, public high school at public university  dito sa Manila.  Naka-hanap ng maayos na trabaho at kahit papano ay nakakaipon. Sobra sa kaylangan ko, kase ang reference ko kung papano ang buhay namin dati.  Sanay ako sa simpleng buhay. Sanay ako sa sakto. Tipong ang baon ay sapat lang na pamasahe at pangkain. Pag nawalan ng piso e problema na ang pauwi. Ahehe… Mas madami ang mas malala ang pinagdadaanan para lang makapag aral at para mabago ang sitwasyon nila sa buhay ngayon.  Gusto ko makatulong sa mga batang nangangarap baguhin ang kinabukasan nila. At dahil hindi naman ako mayaman para gumawa ng kung anu anong mga charity works at wala din naman akong oras para maging regular volunteer, thru World Vision sana makatulong ako. Isa itong oppurtunity para kahit papano e makabawi sa lahat ng blessings. 🙂  Bakit ko to sinasabi ngayon? Sa mga naliligaw dito sa bahay ko, para magkaron ng idea sa program ng World Vision na child sponsorship at sana ma-inspire din kayo.

Bente  pesos lang per day, may isang bata ka nang matutulungan sa education nya.  May isang bata kang matutulungan na mabago ang buhay 🙂 Actually ung child sponsorship nila ay  hindi lang naka-concentrate sa pagpapa-aral ng bata. Kasabay nun may program sila to help the entire community/village, mga livelihood  programs para sa buong pamilya. Lets support WORLD VISON at iba pang organizations katulad nito.

Share ko din tong video na to… (kung iniisip mong lagi na lang may video or kanta sa mga post ko, ako rin napansin ko. ahehehe…)

Let’s help send these kids back to school. Pengeng Bente… and lets make a difference.