minsan malambot, minsan makunat…

back to school… pengeng bente :)

Ahahahay… matagl tagal din bago ko makapag post ng talagang post. ahehehe… try ko ngaun. kwentuhan tayo…
kakabalik ko lang from 6 days field work, sa bandang southern tagalog. nakakapagod at nakakainip. Fiesta sa syudad na un kaya paghahanap pa lang ng hotel e pahirapan na. Buti at may nahanap ako the night before ako magbyahe. OK naman, may pool, kaya kahit mag isa lang ako may pagkakaabalahan ako pag nasa hotel. Ayun, nainip pa din ako. ahahaha… kaya eto umuwi na ko kahit pwede pa kong mag-stay dun ng another night, para may additional allowance. Obviously mas pinili kong umuwi kesa magrelax lang sa hotel at kumita. ahehehe…
Nakakapagod ang byahe, buti na lang di ako inabot ng rush hour pagdating ng manila. Pagdating ko ng bahay, may nakita akong tatlong sobre. Dalawa ay sa utang at isa ay ang matagal ko nang hinihintay na sulat galing sa World Vision. Nakikita mo ba yang link/pic ng bata sa sidebar ko? Nilagay ko yan nung araw na nag-apply ako para maging sponsor ng isang bata. Once lang kase ko nakareceive ng email  from the organization and after i replied to that email, wala na ko nareceive ulit. At ngayon, dumating na at meron na ngang batang na-assign saken. Nawala ung pagod ko galing sa byahe, dali dali kong binuksan at binuklat buklat ung booklet. Nakakagaan ng loob. Kahit papano makakatulong ako.

Tinanong ako ng isang kaibigan kanina (over the phone) bkit daw ako kumuha nun (child sponsorship). Sabi ko na lang para naman magkaron ako ng silbi sa buhay. Hahaha! Naging aware ako sa sponsorship program na to ng World Vison nang  mabasa ko ung post ni AddictedToGreenBellPepper (Universal Child) kung saan nagreply si CoolWaterWorks, at napadpad ako sa blog nya. Nung araw na yun, nasabi ko sa sarili ko, pagdating ng sahod, sasali din ako. Gusto ko din makatulong. Hindi ako mayaman. Galing ako sa pamilya na sakto sakto lang. Graduate ako ng public school mula kinder hanggang matapos ng college. Public elementary school sa Pangasinan, public high school at public university  dito sa Manila.  Naka-hanap ng maayos na trabaho at kahit papano ay nakakaipon. Sobra sa kaylangan ko, kase ang reference ko kung papano ang buhay namin dati.  Sanay ako sa simpleng buhay. Sanay ako sa sakto. Tipong ang baon ay sapat lang na pamasahe at pangkain. Pag nawalan ng piso e problema na ang pauwi. Ahehe… Mas madami ang mas malala ang pinagdadaanan para lang makapag aral at para mabago ang sitwasyon nila sa buhay ngayon.  Gusto ko makatulong sa mga batang nangangarap baguhin ang kinabukasan nila. At dahil hindi naman ako mayaman para gumawa ng kung anu anong mga charity works at wala din naman akong oras para maging regular volunteer, thru World Vision sana makatulong ako. Isa itong oppurtunity para kahit papano e makabawi sa lahat ng blessings. 🙂  Bakit ko to sinasabi ngayon? Sa mga naliligaw dito sa bahay ko, para magkaron ng idea sa program ng World Vision na child sponsorship at sana ma-inspire din kayo.

Bente  pesos lang per day, may isang bata ka nang matutulungan sa education nya.  May isang bata kang matutulungan na mabago ang buhay 🙂 Actually ung child sponsorship nila ay  hindi lang naka-concentrate sa pagpapa-aral ng bata. Kasabay nun may program sila to help the entire community/village, mga livelihood  programs para sa buong pamilya. Lets support WORLD VISON at iba pang organizations katulad nito.

Share ko din tong video na to… (kung iniisip mong lagi na lang may video or kanta sa mga post ko, ako rin napansin ko. ahehehe…)

Let’s help send these kids back to school. Pengeng Bente… and lets make a difference.


Advertisements

150 responses

  1. Ang galing mo naman, beeftapa! Bilib ako sayo. Naunahan mo p ko mgsponsor ng bata. at salamat nainspire ka dun sa post ko. Actually tinutulungan ko ngayon yung pinsan ko sa college khit png allowance mn lng kya mejo di ko p naasaikaso yung sa world vision. Thanks sa post mo nainspire ako na ipush yun. May God bless ang guide u more, davin 🙂

    Hunyo 2, 2010 bandang 3:27 umaga

    • Salamat din ate (ayan wala nang pangalan ha, ahehehe…)
      ung pagtulong mo sa pinsan mo, ay malaking bagay. ung mga taong nakaka-receive ng tulong, sigurado akong isa sa mga goal nila sa buhay ay makatulong din pagdating ng araw. kung tuluy tuloy ung pagpasa-pasa ng magandang bagay, makakarami din tayo. 🙂

      Hunyo 2, 2010 bandang 10:10 umaga

    • Dyta Harleems

      hmmh.. nice blog..
      i like it..

      exchange links pls 😀
      =====================================================
      visit my Blog http://forumomdotcom.wordpress.com 😀
      http://forumom.com/free

      Hunyo 5, 2010 bandang 12:32 umaga

  2. wow! meron palang ganito, hmmmmm, ayoko munang magsalita… mahirap mag commit kung di ko naman magagawa…

    atleast, someday or soon may idea ako san ko pwedeng ilagay ng tama ang perang pinag-hirapan.

    Hunyo 2, 2010 bandang 7:56 umaga

    • minsan, kaylangan mong mag-commit para mapilitan kang gumawa ng paraan na matupad yun 😉
      pag medyo naging ok ok ka na sa trabaho mo, for sure madami kang matutulungan, environment, students… mas madami.

      magandang umaga diwatang gala!

      Hunyo 2, 2010 bandang 9:57 umaga

  3. Hello BT!

    Your post made my day! Isa na namang bata ang magkakaroon ng karapatan at pagkakataon sa isang maliwanag na kinabukasan…

    I felt the same excitement on the day I receive my first mail from World Vision, and yesterday was a great day for I deposited my contribution for the quarter… Pasukan na naman! 🙂

    Helping others reach their dream is a privilege. And we have been blessed to be able to do so. And the joy I receive far outweighs the amount I set aside each day. Truly, the reward for kindness is the act itself…

    God bless at mabuhay ka BT!!!

    Hunyo 2, 2010 bandang 8:10 umaga

    • Salamat at napadpad ako sa blog mo kuya, dun ko nalaman ung child sponsorship ng world vision. Kaya eto pinost ko din, para malaman din ng mga nadadaan dito sa bahay ko. Ipagkalat naten sa mga bloggers/readers ang tungkol sa world vision. Madami dyan ang gustong tumulong. Mga busy-busyhan lang. 😀

      Hunyo 2, 2010 bandang 10:15 umaga

    • mang coolwater, kailangan ko ring pumasok muli sa paaralan..pa sponsor!
      hehe.

      hi beeftapa. ka-sarap ng pangalan mo eh. 😉
      na22wa ako sau. pangarap ko yang gawain mo na yan kso dahilan sa kakapusan pa volun-volunteer lang ako nung colej at ang masama nitong nagwowork nako wla nmng time na.

      ayos. 😉

      Hunyo 16, 2010 bandang 6:30 hapon

      • gusto mong tikman sows? hahaha! joke lang.
        since less na ung time para sa pagvo-volunteer, pwede mo i-try ung sponsorship. konting time lang kakainin nun, pero malaking difference ang magagawa. 🙂

        Hunyo 17, 2010 bandang 5:23 hapon

  4. Indeed, Making a difference, leading by example ka kuya davin! yippppppeeeee!

    Basta pag-uwi ko ng Pilipinas mas konkreto na ang mga plano ko para sa isnag Free Learning Center since eligible naman akong magtayo nito.

    Yehey! In our own little ways we can build and give hope to others.

    Mabuhay ka! God’s blessings be upon you always!

    Hunyo 2, 2010 bandang 1:38 hapon

    • ibang email gamit mo? napending comment mo, sorry namen. 🙂
      sa blog mo pa lang pong nakakapagbigay ka na ng hope.

      Hunyo 2, 2010 bandang 3:44 hapon

      • okay lang iyon kuya davin. Glory 2 God, mabuting simulain iyan at dapat ka lamang tularan!

        Isa kang bayani ng bayan!

        Hunyo 2, 2010 bandang 3:47 hapon

  5. grabe ibang level ka na nayon beeftapa! grabe pede mo na talunin si rosa rosal!

    grabe saludo kami ng mga gulay sayo!

    eto pala pinaghihirapan mo kagabi ah!

    nako nako

    heheh

    Hunyo 2, 2010 bandang 1:57 hapon

    • eto nga ung tinapos ko kagabi kaya late na ko natulog. gusto ko kase ma-share agad, super excited ba. ahehehe 😀

      Hunyo 2, 2010 bandang 3:25 hapon

      • naks.

        hakhak

        (ninja)

        Hunyo 3, 2010 bandang 5:51 hapon

        • wow si coco oh! nagkokoment na. sabi ko na nga talenado ka din mana ka sa bossing mong botchog. 😀

          Hunyo 4, 2010 bandang 9:22 umaga

          • (woot)

            susumbong kita

            pero ayos talaga. bente a day… tignan naten ang mapapasaya naten. kumbaga imbes na ipambili ito ng dalawang donut, icecream, slurpee, hamburger,

            teka puro pagkaen.

            (lol)

            Hunyo 4, 2010 bandang 11:21 umaga

          • ui, bente lang un. dami mong naisip na pagkain… si jason ka ba? lol

            Hunyo 4, 2010 bandang 11:31 umaga

          • ako yung hamster nya!

            (woot)

            Hunyo 6, 2010 bandang 9:29 umaga

          • wag mo kase ibuko. hahahah

            Hunyo 14, 2010 bandang 9:41 umaga

  6. stefania

    this post made my day.buti nalang natisod ako dito sa post mo. bigla din akong napaisip..so..eto tuloy.kaharap ko na yung form.hehe.

    Hunyo 2, 2010 bandang 2:08 hapon

    • huwaw! nagbalik ka stefania, pero wala ka pa din link.
      sana dumami pa ang magfill up ng form, para madagdagan pa ang mga makakapasok na bata this school year. 🙂

      Hunyo 2, 2010 bandang 3:23 hapon

      • stefania

        sino nagsabing wala akong link?sinoooooooo?!chefar.hehehe.
        einahpetse.wordpress.com ala din naman gaanong laman yan.hehe.

        Hunyo 2, 2010 bandang 4:01 hapon

        • para naman makadalaw din ako sayo. oks ba un? 🙂

          Hunyo 2, 2010 bandang 4:27 hapon

  7. huwawwwwwwww yan ang kapatid ko. Proud ako sau sa ginawa mo na pag tulong sa bata. Iilan lang ang may ganyang puso, obvious na wala akong ganun hahaha.

    At masakit ang katawan niya sa hotel at puyat pa…hehehe..ibulgar ang nangyari sau sa hotel…hahaha..

    Sanay daw siya sa simpleng buhay, ay puro branded at new launch mga gadget niya hahaha…

    Na miss kita kapatid…

    Hala tira tira…

    Hunyo 2, 2010 bandang 3:44 hapon

    • ate echos kumusta na? miss na kita.

      Hunyo 2, 2010 bandang 3:46 hapon

      • huli ka pong…

        ok sa olrayt ako Pong…

        miss din kita…

        God Bless

        Hunyo 2, 2010 bandang 3:48 hapon

    • wahahaha! adik ka tlga. hotel nman kase talga ang accomodation pag naka-field work. alangan nman matulog ako sa site? hmmmm… sagot un ng company. at ung gadget po e, pinag-ipunan. reward sa sarili, parang ganun. ahehehe… sanay ako sa simple, thats why sobrang naa-appreciate ko ng sobra kung ano ung nararanasan ko ngayon… ikaw din ate, share ur blessings. padalahan mo kaya ko ng pira? waheheheh

      salamat sa muling pagbisita kahit sarado ang blog mo. 😀

      Hunyo 2, 2010 bandang 4:03 hapon

      • naman ikaw kaya ang magpadala sa akin ng pera kahit load na lang sa roaming hahahaha…

        ang point ko asa hotel pero nanakit ang likod awts…

        Hunyo 2, 2010 bandang 4:07 hapon

        • hmmm… pag puyat ako, sumasakit ang mata at lower back ko. madaling mangalay, di nman masakit ang katawan. eto tlga, parang iba tinutumbok ng tanong mo e. kaw ha. hahahah

          Hunyo 2, 2010 bandang 4:32 hapon

  8. d2 na me! san na ung juice na maasim? ehehhe..

    Hunyo 2, 2010 bandang 4:13 hapon

    • hahaha! teka di pa luto ang sinigang! gusto mo ba ng may yelo ang sabaw binibini? 😉

      Hunyo 2, 2010 bandang 4:19 hapon

      • ayw q masisira ang voice kong bronze! ehehe.
        h
        hang bait mo pla tapa, bt d obvious s ym ahaha jowk!.. gusto ko mang gawin to, naicp ko bt hnd q gwin sa mga kamag anak na nangangailangn din 🙂

        bente pesos isang araw.. ayos ung idea na yun 🙂

        gud am tapa!

        Hunyo 3, 2010 bandang 7:45 umaga

        • hahaha! di ako mabait keydi. ano lang yan…. ammmmm… ano ngang tawag dun? image lang ba. wahahahaah! joke lang.
          minsan kase naiisip ko gusto kong may makinabang naman saken na ibang tao, lalo na pag nag-eemo ako. masarap sa pakiramdam na may magagawa ka para mabago ung takbo ng buhay ng isang bata.

          Hunyo 3, 2010 bandang 11:36 umaga

          • waaa gumaganun ka ha! eheheh. pde ba sponsorin mo rin ako pero hnd sa skul.. ang mkagawa ng bahay! ang hirap mag ipon eh! ahahhaha

            Hunyo 3, 2010 bandang 3:35 hapon

          • oist, bat di ka nag-online ngayon? hmmmm… fb ka ng fb ha. aheheheh

            Hunyo 3, 2010 bandang 4:33 hapon

          • wala nman para mamiz mo ako! ahahha
            oha oha! mukha nmang epektib! ahahaah

            Hunyo 4, 2010 bandang 4:06 umaga

  9. lababo

    oy san ka galing.. alam ko kung saan yung fiesta… haha
    Ngayong lilipat na ako ng trabaho, makakapag WorldVision na rin ako! Yey! Excited! haha

    Hunyo 2, 2010 bandang 4:20 hapon

    • hahaha! sige, hulaan mo haring lababo kung san ung fiesta. ahehehe
      congrats pala sa new job. new career ba o same field?

      Hunyo 2, 2010 bandang 4:29 hapon

      • lababo

        pahiyas?

        bagong career.. malayo sa tinapos ko pero pwede na rin. wala kasing kwenta course ko eh. haha

        Hunyo 2, 2010 bandang 4:45 hapon

        • eeeeeeenggggggggggggggk!!!! mali. pero malapit dun. as if naman may city pang malapit bukod sa… un na yun. hehe

          siguro ok ang offer laya mo tinanggap?

          Hunyo 2, 2010 bandang 5:26 hapon

          • lababo

            ginoogle ko pa kung anung city yun. haha. tayabas? lucena? haha.

            oo mas ok ang offer. at tingin ko mas magagamit ko ang oras ko sa kapaki pakinabang na bagay. haha

            Hunyo 4, 2010 bandang 9:07 umaga

          • kelan start mo nyan haring lababo?

            Hunyo 4, 2010 bandang 9:28 umaga

          • lababo

            tentative date ay monday next week. sana naman ma-move para kahit one week ay makapahinga naman ako.

            Hunyo 4, 2010 bandang 10:42 umaga

          • nyay! pumapasok ka pa pala, kala ko nman bakasyon grande ka na.

            Hunyo 4, 2010 bandang 11:28 umaga

          • lababo

            oo naman. 10 days lang bale ang pasok ko after filing ng resignation. buti pumayag. Wala naman daw silang magawa sakin kasi mukhang kating kati na akong umalis. kelangan ko lang maiayos lahat ng dapat iayos..

            Hunyo 4, 2010 bandang 11:49 umaga

  10. Sphere

    20petot x 365araw =7300petot tama ba? pano ba yan? cge mail mo sakin Davin kung pano 🙂

    balik ako bukas dko p nbasa lhat sakit ng sikmura ko aaahhhh:-(

    Hunyo 2, 2010 bandang 9:27 hapon

    • aw! may sound affect pa, tunog uminom ng coke. ahehehe…
      20 pesos per day katumbas ng 600 monthly or 1800 every quarter or 7200 annually. pili ka lang po kung alin ang mas convenient sayo. check mo po site ng World Vision para sa form at iba pang details. 🙂
      may naghihintay na sayong bata na nakangite 😀

      Hunyo 3, 2010 bandang 11:46 umaga

  11. weh davin panay man ako hingi ng bente pero kung makakatulong angg bente ko, buong puso kong ibibigay ito 😀 napakagandang adhikain yan… gusto ko ring makatuong

    Hunyo 3, 2010 bandang 12:18 umaga

    • ay miss joyo, hiniram ko pala ung “pengeng bente” mo. 😀
      nakaktuwa naman daming gustong makatulong, kaylangan lang talaga ibroadcast ung mga ways kung saan pwede nila pwede i-course thru.

      Hunyo 3, 2010 bandang 11:32 umaga

      • Joyo

        paano ko maiaabot sa kanila ang benteng itatabi ko araw-araw davin? 😀

        Hunyo 11, 2010 bandang 1:14 umaga

        • naku joyo, siguro dahil nasa abroad ka, mas advisable na annually ka na lang magbibigay ng contribution para sa i-sponsor mong bata. balikan kita, mag-inquire din ako kung pano mas magiging convenient para sa mga nasa abroad na gusto din mag-sponsor. 🙂

          Hunyo 12, 2010 bandang 9:12 hapon

  12. hey, roastbeef! I am mighty proud of you. 🙂

    ako man, i am also supporting two organizations through monthly contributions, yung kerygma at ang Unicef. I blogged twice about Unicef and their call for donations here http://keekaye.com/2009/05/09/mary-jane/ and http://keekaye.com/2009/10/08/emergency/ (nako. wag sana mapunta sa spam mo to)

    I believe in affoding everyone equal opportunities. hindi naman kasalanan ng mga bata ang mabuhay sila sa mundo nang walang maayos na pamilyang makapagbibigay sa kanila ng pangangailangan nila kaya kung mayroon tayo kahit kaunti, tungkulin nating tumulong sa kanila. para sa akin, mapalad tayo kasi nagkakaroon tayo ng pagkakataong makapagbigay ng kahit kaunti sa mga taong nangangailangan.

    sana nga mas maraming mga tao pa ang magbigay sa mga institusyong tulad ng World Vision at Unicef.

    Hunyo 3, 2010 bandang 11:14 umaga

    • naharang nga po ni akismet mami kaye.
      ang galing! mana ko sayo mami. mas mabait ka nga lang po siguro kesa saken. ahehehe…

      tama, kawawa ang mga bata kung di sila mabibigyan ng opportunity na mabago ang kalagayan nila. sa konting halaga, kinabukasan ng isang bata ang nakasalalay.

      Hunyo 3, 2010 bandang 11:41 umaga

  13. woist! yung comment ko hinarang ni akismet 🙂 approve mo po ha.

    Hunyo 3, 2010 bandang 11:16 umaga

  14. maliligo na sana ako pagkagaling sa haus ni Anini kaso nagbasa pa ko dito..=)

    naisnpire ako sa post mona to.. naisip ko na ring mag-sponsor ngayon ng bata.. pero yung utol ko munang bunso.. may inisponsoran na rin kase kami dati, hindi kilalang org pero pag tutulong ka naman hindi naman kelangang maging malaking org di ba.. basta bukal sa heart. Blessing kase ang bawat bata sa mundo.

    Hunyo 3, 2010 bandang 12:29 hapon

    • buti napadaan ka romina. 😀
      ok lang kahit saan padaanin ang tulog basta galing sa puso at ang intensyon ay mapabuti ang iba..

      Hunyo 3, 2010 bandang 12:45 hapon

  15. ay pinakilala mo na pala dito kung sino ka tlaga…so di na siya sikreto. hehehe.

    Hunyo 3, 2010 bandang 1:25 hapon

    • di na po. nahuli na din po kase ko nung mga kakilala kong bloggers. pero ayun, wala pa din po face. 🙂

      Hunyo 4, 2010 bandang 9:18 umaga

  16. Mababait ang mga bata diyan at maayos na grupo ang mga nasa likod ng World Vision.

    Sana ako din paaralin mo pang. Gusto ko ulit mag-aral pang.

    Hehehek. Musta naman ang bayaw kong hilaw? Tapalaw?

    Hunyo 3, 2010 bandang 2:28 hapon

    • wahahaha! bayaw na ginawa pang hilaw. kuya naman oh! ahehehe…

      Hunyo 3, 2010 bandang 2:57 hapon

      • Gusto mo ba totohanin na?

        Aning maligo ka diyan, dadalawin natin ng harana aring bata.

        Maghanda ka ng sonata.

        Hunyo 4, 2010 bandang 5:18 hapon

        • hahaha, kakantahan ko na ba kuya?

          Hunyo 16, 2010 bandang 4:11 hapon

          • ung request kong kanta ha anini. 🙂

            Hunyo 16, 2010 bandang 5:12 hapon

  17. napaka unselfish nang move mo na ‘to tol,beef.i can’t say anything else kundi hinahangaan kita.

    sana lalo kang umunlad para mas marami ka pang matulungan.napaka-dakila!!!

    ingat lagi…magandang araw!!!

    Hunyo 3, 2010 bandang 2:44 hapon

    • kuya duking! ahehehe…
      kumusta na kayo ni addicted to green bellpepper? 😀

      Hunyo 3, 2010 bandang 4:14 hapon

      • whaaaaa!

        Hunyo 3, 2010 bandang 6:41 hapon

        • Hoy duking, kay salbe ka lamang, anong bellpepe, aysus

          Hunyo 4, 2010 bandang 5:20 hapon

          • ewan ko jan kay beef…

            hahaha!

            Hunyo 5, 2010 bandang 6:26 hapon

  18. nakanang panalo! kaw na mabait lols.

    ang bait bait naman ni beeftapa.

    ako sponsoran mo din.. 20 pesos e-load a day hahaha..

    Hunyo 3, 2010 bandang 3:44 hapon

    • hahaha! epal. o ayan, hindi na ko mabait, sinabihan kita ng epal. hahaha!
      peace 🙂

      Hunyo 3, 2010 bandang 4:15 hapon

      • o sige kaw na masama 😛

        Hunyo 3, 2010 bandang 5:54 hapon

  19. nakakatuwa ang poste mo. seryoso.
    idol! ang galing!
    sana ako rin eh makapagbigay din ng bente araw araw.
    okay lang ba kahit isang estudyante na tulad ko ang makisponsor o kelangan na nagwowork na?
    natuwa ako. seryoso.
    apir!

    at naman yung video mo nakakaiyak din eh noh, nakakahalina.
    salestalk, ang galing! joke! pero seryoso nahikayat mo ako sa proyektong to! pero ams nadala ako dun sa kanta! wafakels!
    susubukan ko!

    Hunyo 3, 2010 bandang 5:57 hapon

    • waw naman eloisa ay eloiski pala, check mo world vision site (ayun oh sa sidebar) , khit student alam ko pwede. nakakatuwa ka naman ading 🙂

      Hunyo 4, 2010 bandang 9:21 umaga

  20. beef?

    Hunyo 4, 2010 bandang 11:25 umaga

    • beef beef?

      grabe nakakaiyak ang kanta

      Hunyo 6, 2010 bandang 9:29 umaga

      • ganda ng pets forest!

        (woot)

        Hunyo 7, 2010 bandang 10:24 umaga

        • waaaaahhh! di na ko naka-andar dun kagabi. nalilito ako. hahaha! maya ulit pag-uwi ko ng bahay. ahehehe

          Hunyo 7, 2010 bandang 1:03 hapon

  21. wag mong bukuhin si coco!

    lol

    hahahahha

    Hunyo 5, 2010 bandang 1:36 hapon

    • jason, hawig kayo ni coco. ahihihi

      Hunyo 5, 2010 bandang 1:40 hapon

      • pareho kaming hamster? kala mo ah!

        Hunyo 5, 2010 bandang 5:07 hapon

        • hamster si coco???? d ba artista sya? penge nmang tiket, gusto ko manood ng noy. 😀

          Hunyo 5, 2010 bandang 9:56 hapon

          • wahhhhhhhhhhhhh

            stap it beeftapa! lol

            babangasan kita

            Hunyo 6, 2010 bandang 9:28 umaga

          • wala na ko sinabi jason, asan na tiket ko?

            Hunyo 12, 2010 bandang 8:50 hapon

          • tiket ka dyan. isa pa di ka na matetreat sa pizza hut

            hohohoho

            Hunyo 14, 2010 bandang 9:29 umaga

          • tahimik na talga ko, pamis. pero ung noy… ay sige, wag na nga lang.

            Hunyo 14, 2010 bandang 3:00 hapon

          • oi davin pakisabi kay beeftapa ang kulet kulet nya sa chat. haha

            Hunyo 17, 2010 bandang 11:08 umaga

  22. Len

    bago pong bisita.. 🙂

    padaan lang.. 🙂

    Hunyo 10, 2010 bandang 6:00 hapon

    • welcome miss len! 😀
      bat nakatakip ka ng mukha? ahehmmmm… pong

      Hunyo 12, 2010 bandang 8:45 hapon

      • at bakit nasali ako sa usapan? ehem *ubo* ehem
        waling anini si kuya davin oh, naaway niya ako.

        Hunyo 12, 2010 bandang 8:47 hapon

        • hahaha! ang bilis mo pong ah! kung nasan si miss len andun ka din? hmmmm…

          Hunyo 12, 2010 bandang 8:49 hapon

          • ahahah, nagappear lang kasi sa my comments, wala akong natatandaan na kinumusta ko si mam len dito sa page mo kuya davin. *head flippping*

            ehehehe

            baka nasa iskul pa siya kuya or may ginawa lang importante. hindi ko alam pala.

            Hunyo 12, 2010 bandang 8:52 hapon

          • wala ngang instance na kinumusta mo sya dito pong kase first time nya dumalaw dito 🙂
            wahahaha! kabisado ang schedule. nnakangite ka habang tinatype mo ung comment mo, naimagine ko lang. hahaha

            Hunyo 12, 2010 bandang 8:56 hapon

          • nakangiti ako habang nagtatype at binabasa ang comment mo at ng iba pa. buti nalang hindi napipikon si mam len.
            mabait kasi siya.

            hindi ko alam ang isked niya kuya davin, hula ko lang iyon
            mamaya maitanong ko nga sa kanya. eheehehhe

            Hunyo 12, 2010 bandang 9:00 hapon

          • hahaha! kinikilig ka ba pong? hindi ka lang kase normal na ngite e. parang nanginginig nginig pa, parang ung naiihi. wahahaha!

            Hunyo 12, 2010 bandang 9:02 hapon

          • wahhhhhhhhhhhhhhhhh!

            waling anini, naaway ako ni kuya davin.

            Hunyo 12, 2010 bandang 9:04 hapon

          • ang bilis mo sumagot pong, parang chat lang! wahahaha
            wala si anini, nakabakasyon.

            Hunyo 12, 2010 bandang 9:07 hapon

          • uyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy
            alam niya ang isked!

            Hunyo 12, 2010 bandang 9:10 hapon

          • hahaha! naisip ko lang, long weekend kase d b? ahehehe

            Hunyo 12, 2010 bandang 10:55 hapon

          • long weekend daw!
            huuuwh!

            ehehehe
            salamat pala sa koment

            Hunyo 14, 2010 bandang 7:30 hapon

          • Len

            hello ulit.. ehem…. hehehe

            napadaan lang ulit. 🙂

            Hunyo 14, 2010 bandang 10:44 hapon

          • hi ms. len, kumusta?
            lagot ka pong. hahahaha

            Hunyo 14, 2010 bandang 11:08 hapon

          • Len

            salamat sa bisita! 🙂

            etu ayus naman, hahaha kulit ni pong oh.. 🙂

            Hunyo 14, 2010 bandang 11:22 hapon

          • kuya mizpah!…uyyyyyy! hahahaha

            Hunyo 16, 2010 bandang 4:16 hapon

          • naks dami pla labtim d2! ahahah..

            Hunyo 17, 2010 bandang 5:18 hapon

          • yiheee! kiddie! hahaha

            Hunyo 17, 2010 bandang 5:26 hapon

  23. Annyeong Haseyo Capt. BT! hehehe

    Waw naman, pagpapalain ka lalo ng Maykapal niyan. San ka dito sa Pangasinan nuon?

    Mag-iingat ka lage at Godbless!

    Hunyo 12, 2010 bandang 1:45 umaga

    • sa eastern part ako ng pangasinan. kayo nila yin sa west tama ba? dun sa maraming bangus?

      Hunyo 12, 2010 bandang 8:48 hapon

      • Chevy

        Ahh, hindi ko alam eh. Bobo ako pagdating sa direksyon. Hahaha.

        Ou ata, si Yin dun. Sa Dagupan, ako bayan ng Calasiao. Pero malapit-lapit na rin. Isang sakayan lamang ng dyip. Hehehe

        Hunyo 15, 2010 bandang 8:21 hapon

        • pengeng putolets! 🙂

          Hunyo 15, 2010 bandang 8:48 hapon

          • Nyahaha. Alam mo pala yun. O’ba, pag nagkita tayo. hehe

            Hunyo 18, 2010 bandang 2:31 umaga

  24. Nagulat ako sa post na to…

    Napakalaki ng puso mo beef tapa…

    Mabuhay ang mga taong nag iisip ng kapakanan ng ibang tao…

    Hunyo 13, 2010 bandang 11:19 hapon

    • ang seryoso nman ravy… dami pang dotdotdot (…)
      ahehehe kumusta na?

      Hunyo 14, 2010 bandang 3:11 hapon

  25. ganda talaga nung song pinapaulit ulit ko..

    yung bata sa taas parang hawig ni baby james.

    Hunyo 14, 2010 bandang 9:31 umaga

  26. Papasok na ba ang iyong mag-aaral bayaw hilaw?

    Hunyo 15, 2010 bandang 10:34 umaga

    • kuya kul, ang totoo nyan di ko pa nasulatan ung bata. di ko pa nakamusta. medyo nangangapa din kase ko sa ngayon, pero na-deposit ko naman na ung pledged amount ko for the quarter. one of this days, kukumustahin ko po sya. 🙂

      Hunyo 15, 2010 bandang 8:47 hapon

      • Susulat sayo yon, pati copy ng report card niya, yong mga pangyayari/bagay na may progress tungkol don sa bata, malalaman mo.

        Mas maganda kung partner kayo ni Aninipot. Nakanaman.

        Si Ani, pinahamak ka niya, inilink ka niya sa pasiklaban ko, wala ka ng kawala.

        Pasiklaban o ipapagahasa kita kay Aning?

        Hunyo 17, 2010 bandang 3:36 hapon

        • waah! gahasa?..dyos ko naman gusto ko tuloy lumubog sa sinabi mo kuya kulisap..hahaha

          nahiya ako bigla..naku po.ako pa yata tong napahamak eh!

          Hunyo 17, 2010 bandang 5:11 hapon

          • hahaha! buti nauna ka na magreact. at least dedepende na lang ako sa sinabi mo. 🙂

            kuya, sponsor ka din ba? wow! nice! nice!

            Hunyo 17, 2010 bandang 5:24 hapon

          • Gentletapalaw si BT, hinintay si Aning na magreak.

            Mapapadyoskopo ka kapag nagsalyahan na kayo.

            Hunyo 18, 2010 bandang 1:07 hapon

  27. wow… napaka ganda ng iyong hangarin. sana ganyan din mag isip mga tao.

    Ung iba kasi andami din “pinag aaral” pero hindi ganito.hehehe

    ako rin, masubukan nga yan. kung bente pesos gastos isagn araw sa yosi siguro kaya ko din bente pesos for a good cause.

    Hunyo 15, 2010 bandang 1:01 hapon

    • yehey! 20 pesos for a good cause at good health nman sayo 🙂
      win-win di ba? hehehe

      Hunyo 15, 2010 bandang 8:45 hapon

  28. yiN

    Klap-klap tol! Nursing student yung gusto ko paaralin, pero mahal, hahaha. Nice one, man. Nice.

    Hunyo 15, 2010 bandang 2:55 hapon

    • Chevy

      Nyahahah! Batman! pre, iba purpose mo kung bakit mo gustong paaralin yun. Hehehe.

      Hunyo 15, 2010 bandang 8:20 hapon

    • wahahaha! alangya, ibang klaseng pagpapa-aral yan yin. sabihin mo sa kanya ikaw na lang pag-aralan nyang mahalin. ahahaha! peace man!

      Hunyo 15, 2010 bandang 8:44 hapon

  29. Len

    busy ba.. hehehe nadaan lang ulit. 🙂

    Hunyo 15, 2010 bandang 9:06 hapon

    • hahaha! hindi naman, kagagaling ko lang sa bahay mo len, makikikain sana ko ng dinner. 🙂

      Hunyo 15, 2010 bandang 9:09 hapon

      • Len

        hahaha, uu nga nakita ko, sure, may tira pa naman.. lol

        Hunyo 15, 2010 bandang 9:16 hapon

        • nakow, ang dami kong kalat sa bahay mo. sorry na please… 🙂

          Hunyo 15, 2010 bandang 9:23 hapon

          • Len

            hahaha, NP.. magkakalat din ako ditu.. hehehe..

            Hunyo 15, 2010 bandang 9:28 hapon

          • wahahaha! ginawang chat ang blog. ahahaha! kulet!

            Hunyo 15, 2010 bandang 9:33 hapon

  30. ito na kasi ang makabagong chat kuya beef

    wala lang sisingit lang ako

    *ehem*

    Hunyo 15, 2010 bandang 9:36 hapon

    • ehem… ang sya magkumustahan dito ah! ahahaha! refresh ng refresh ng site. hahhaha

      Hunyo 15, 2010 bandang 9:39 hapon

      • Len

        hehe, chat room nga, nakatulog nako kagabi, gising pa pala kayu.. ehhehe

        Hunyo 16, 2010 bandang 1:16 hapon

        • musta? magaling ka na? pinahigop ka ba ni pong ng mainit na sabaw? 🙂

          Hunyo 16, 2010 bandang 6:21 hapon

          • Len

            hahaha.. oo magaling na, at oo napahigop na.. LOL

            Hunyo 16, 2010 bandang 8:54 hapon

  31. Sana makapg sponsor din ako!

    Hunyo 15, 2010 bandang 10:20 hapon

    • pwede dorm boy! pwedeng pwede! 🙂
      salamat sa pagdaan

      Hunyo 15, 2010 bandang 10:22 hapon

  32. IDOL!!!
    galeng-galeng talaga ni Davinci. 😀
    lalo maiin-love si Aninipot sa’yo nyan.

    Hunyo 16, 2010 bandang 4:12 hapon

    • hahaha! pasaway ka. may pingot ka sa kanya pag nagkit kayo.

      Hunyo 17, 2010 bandang 4:59 hapon

  33. oi beef beef!

    ganda talaga ng adhikain mo…

    yung mga bata matutuwa..

    kuya beef kuya beef!

    Hunyo 17, 2010 bandang 11:12 umaga

    • coco! coco! ay si jason pala. toink
      kumusta? hit ba sa takilya ang noy?
      hahahaha! peace man! 🙂

      seryoso na, salamat. samahan nyo ko sa adhikain na un. 🙂

      Hunyo 17, 2010 bandang 4:54 hapon

      • hahahahaah ihahagis kita sa ilog.

        sige sige payt payt payt!

        Hunyo 20, 2010 bandang 1:14 hapon

  34. alive na alive ka kuya davin

    Hunyo 19, 2010 bandang 1:56 umaga

    • ui, andito ka pong! hehe… medyo kakauwi pa lang e.

      Hunyo 19, 2010 bandang 2:04 umaga

  35. ako man itong nasa midst ot stress kung ang bubungad naman sa aking ay ang pinaka aasam asam ko ,bakit nga hindi ako lumigaya,diba!

    you’re great,I’ll follow you one of these days,
    yan ang tinatawag na hero within na sa wakas eh hindi na hidden, Man ,karapat dapat kang I-klap klap ahehe,..
    i was so inspired by you,Man…keep it up..may your flock multiply…..

    Hunyo 19, 2010 bandang 1:12 hapon

    • I’ll follow you one of these days —> sana dumami pa para mas madaming bata ang mabigyan ng pag-asa 🙂
      tagal mo nawala aj ah! musta?

      Hunyo 19, 2010 bandang 2:14 hapon

      • oo fucos sa bakasyon eh ahehe,,ndi biro lang busy kasi sa duty., tapos close ang com. lab. pag summer konte lang ang open eh occupied pa lahat,lagi,! kaya ayun,,,d2 lang kasi ako sa school nakakapag online pag vacant ko.

        Hunyo 21, 2010 bandang 2:13 hapon

  36. akala ko stomach lang ang marami sa baka,,,pati rin pala puso…yun oh! ahaha

    Hunyo 19, 2010 bandang 1:15 hapon

  37. beef? kamusta na!

    Hunyo 20, 2010 bandang 1:18 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s