minsan malambot, minsan makunat…

kamalayang malaya…

anong ginagawa ko sa mundo kung saan salita lang ang nagiging basehan ng pagkatao? hindi magkakakilala sa personal at pawang sa mga artikulong minsay mabulaklak at minsay madrama lang ang pagkakakilanlan? tanging sa likaw lang ng utak nakikilala at walang mukha.

ikaw bat ka nandito? para sa malayang kamalayan. sa mundong to, walang tama at mali, sabihin kung ano ang nais. ilabas lahat ang nasasaisip. walang rated PG, walang rated-R. lahat handang umunawa. nakakatuwang mapabilang sa mundo kung saan hindi kaylangang sabihin kung sinu ka. hindi kaylangang magpasa ng resume kung saan nakalista ang ngalan, edad mo at natapos mo. ang mahalaga lang marunong bumasa, hindi ng nasusulat, kundi higit ng damdaming nakapaloob. at syempre respeto.

ang malayang kamalayan tulad ng buhay naten, kaakibat ay pananagutan. respeto lang kaibigan. dito sa mundo ng blogosperyo ko nakita ang tunay na malayang kamalayan. hindi binabakuran ng panuntunan. hindi sinasaklawan ng mga saradong isipan. bukas sa bawat pagsita, bukas sa lahat ng dadalhin ng hangin.

ang malayang kamalayan, inihahalintulad ko sa hangin, na bawat sulok ng mundo ay kayang marating pati puso’y kayang pasukin. pwedeng makapagbigay ng pansamantalang ginhawa o magdulot ng alinsangan. hangin na kayang hawiin ang ulap at hangin na kayang magdala ng ulan. hangin na hindi kayang irehas, hindi kayang ikadena, hindi mapipigilan.

malayang kamalayan, katumbas din ay malayang damdamin. dito sa mundong to ko natutunan pakawalan ang nararamdaman. dito nagawang palayain ang sarili mula sa bakod ngΒ  galit. nakabuo ng tulay mula sa isla ng pag-iisa. nagsilbing tengang makikinig sa tuwing binabagabag ng konsensya.

maging malaya sa damdamin at isipan. pare-pareho natingΒ  gustong makamit. masaya akong narating ang mundong to at dito nagkrus ang mga landas natin. ikinagagalak kitang makilala sa mundo kung saan ang kamalayan ng bawat isa ay malayang malaya.

malayang kamalayan, malayang damdamin, bukas na isipan – davin

Advertisements

83 responses

  1. kuhracha

    base kami ni pong!

    Hunyo 21, 2010 bandang 12:32 umaga

    • tag team? hehehe

      Hunyo 21, 2010 bandang 11:49 umaga

      • yehey! salamat naman mam
        mabentang buena mano si kya vaj.

        Hunyo 21, 2010 bandang 12:41 hapon

  2. kuhracha

    tumpak bt. ang blogosperyo ay isang mundo ng sala-salabit ng kaisipang pinalaya ng ating damdamin, at sa pagdapo nito sa ating harapan, RESPETO ang kailangan.

    ang pakikipagkapwa sa mundong ito ay di natatapos sa pagbabasa ng artikulo. sana ating kilalanin ang may akda, hindi lamang sa mga salitang kanyang tinuran, kundi maging sa mga espasyong pinili nyang iwan.

    ang galing, bt. na-inspire mo ko.

    Hunyo 21, 2010 bandang 12:48 umaga

    • ang galing ng sinabi mo kuhra. hindi ko nasagot agad, sa pag-aakalang may maidadagdag pa ko. pero ayun, wala na talaga. salamat sa pagbabasa πŸ™‚

      Hunyo 25, 2010 bandang 9:39 umaga

  3. base ako? d nga? ^_*

    Hunyo 21, 2010 bandang 3:08 umaga

    • ako nga! ahhaa. pero later na basa. magreredi 4 work na.. oi musta na?! πŸ˜‰

      Hunyo 21, 2010 bandang 3:09 umaga

      • waaaahhhh! kiddie, nauna si kura. napending lang sya.
        pinapangatawanan nya tagline ng kuracha. ahehehe…

        Hunyo 21, 2010 bandang 11:51 umaga

  4. hmmmm, nice one. hangin na kayang magpalipad ng saranggola sa ulan.bow!..haha

    kelangan mong mag-iwan ng link kay kuya kulisap para mapasama to sa mga kalahok.

    Hunyo 21, 2010 bandang 7:40 umaga

    • hahaha! tama anini, saranggola sa ulan, tanging malayang kamalayan lang makakagawa nun. πŸ™‚

      Hunyo 21, 2010 bandang 11:52 umaga

      • bakit parang ako lang ang nagsulat nito?…hmmmm

        Hunyo 21, 2010 bandang 1:05 hapon

        • baka ikaw nga anini? hmmmm… sa tingin mo? hehehe

          ui, di ka ata online???

          Hunyo 21, 2010 bandang 1:39 hapon

          • busy, mahirap isingit…

            naman kasi…basta!..hahaha

            Hunyo 21, 2010 bandang 1:46 hapon

          • kuhracha

            baket sa simpleng palitan ng inyong mga salita, may ngiting namumutawi sa aking mga labi? ngiting nagpapahayag ng isang dalisay na kasiyahan sa tagpong nabubuo sa aking isipan. yiheeee.

            Hunyo 21, 2010 bandang 4:18 hapon

          • Bakit sa aking nababasa Kuhra,nais mo ang tatsulok?
            Bakit?

            Hunyo 21, 2010 bandang 4:41 hapon

          • kuhracha

            mahaderong kulisap. basahin mo ngang ulet.

            sawa na ko sa tatsulok. ako ay sumusuporta na lamang sa kung anu mang meron sila.

            Hunyo 21, 2010 bandang 4:45 hapon

          • naku kuhra, wag kang ganyan, shy ang aking irog…wahahahaha

            Hunyo 21, 2010 bandang 5:20 hapon

          • kuhracha

            aaay. sowi davin. sowi anini. di na ko magssalita. susubaybay na lang ako sa malayo. =)

            Hunyo 21, 2010 bandang 5:52 hapon

          • Nanggagatong lang ako para lalong uminit pwet ni Davin the Great, Aninipot’s Prince. Shaks..kahusay ko talaga, kulikuli..saan ka ba nagmula, ang harot mo.

            Good morning.

            Hunyo 22, 2010 bandang 8:42 umaga

          • hahaha! magandang araw kuya kul at kuhra, syempre anini! πŸ™‚
            mas pinippili kong di na magreact sa mga nabanggit sa taas, baka matanggal na ang tenga ko sa pingot ni anini. toink!

            Hunyo 22, 2010 bandang 3:51 hapon

  5. Pingback: PASIKLABAN | Kayumangging Damdamin

  6. Maraming salamat makisig na prinsipe. Nararamdaman ko ang pagkampay ng pakpak ng isang aninipot dahil dito.

    Magandang umaga.

    Hunyo 21, 2010 bandang 9:01 umaga

    • magandang araw! πŸ˜€

      Hunyo 21, 2010 bandang 11:53 umaga

      • Sapat na ang malapad na ngiti.

        Hunyo 21, 2010 bandang 12:12 hapon

  7. ang malayang kamalayan tulad ng buhay naten, kaakibat ay pananagutan. respeto lang kaibigan.

    Ito ang pinakagusto ko kuya beef.

    Salamat naman sa entry mo. Para sa atin ito na mga bloggers at sa mga masugid na bumabasa.

    Yippppeeee balik ako Prinsipe ni Aninipot!

    Hunyo 21, 2010 bandang 12:42 hapon

    • para sa mga bloggers nga. pasasalamat ko yan sa lahat ng nakakasalamuha ko dito pong πŸ™‚

      Hunyo 21, 2010 bandang 12:51 hapon

  8. hmmm wala akong masabi

    salamat kapatid sa paglahok sa pasiklaban ni Lolo.

    dito lang si ate..

    Hunyo 21, 2010 bandang 1:08 hapon

  9. Sphere

    Bukas na isipan at respeto sa bawat isa yon lng ang kailangan…:-)

    galing Davin! mabuhay ka! πŸ™‚

    Hunyo 21, 2010 bandang 1:14 hapon

    • salamat sa pagdaan sphere!
      nakuha mo na ba ang mapa mula kay lolo tasyo? hehehe

      Hunyo 21, 2010 bandang 4:17 hapon

  10. iloveit! ^_*

    bkt aq nand2?? maaaring nuong una, puntahan ko lamang eto para sa aking mga hinanakit at galit na dala ng mundo.. pero NGAYON eto na ang MUNDO ko!. kung saan ko nakilala ang mga taong dahilan ng aking ngiti at luha.. na kung saan ay napapakita ko ang TOTOONG AKO! ^_^

    Hunyo 21, 2010 bandang 2:40 hapon

    • shock-absorber kumbaga! πŸ™‚
      salamat keydi

      Hunyo 21, 2010 bandang 4:21 hapon

  11. wow.. naiiyak ang puso ko sa pagbasa nito Kuya..

    tinamaan ako ng magaling sa hindi pag iisa sa mundo ng malayang salita..

    saludo ako sa bawat linya.. at masaya rin akong nakakasalamuha kita dito..

    Hunyo 21, 2010 bandang 4:07 hapon

    • salamat lee mi πŸ™‚
      sa malayang salita madami tayong nagkakabuklud-buklod. πŸ™‚

      Hunyo 22, 2010 bandang 3:43 hapon

  12. Magandang post…

    Malayang kamalayan, kung saan, maari kang maging kung sino ang gusto mong maging nais…

    Ang mga salita ang nagsisilbi mong maskara, maskara…

    Maskara na maaaring kahit anong kulay mo nais…

    Beeftapa, Davin, o kung sino man ang nasa likod ng maskara ng iyong mga salita…

    Magandang araw…

    Hunyo 21, 2010 bandang 10:24 hapon

    • malaya, parang hiwalay ang diwa sa katawang lupa, hindi lang basta maskara na maaaring puno ng pagbabalatkayo.

      magandang araw din ravy!

      Hunyo 22, 2010 bandang 3:37 hapon

      • Maskara man ay maaari pa ring lumatag ang paa sa katotohanan…

        Hunyo 27, 2010 bandang 7:20 hapon

  13. tunay na malaya nga ang kamalayan ng lahat sa blog.

    maaari nating piliin ang mga artikulo’t babasahin kung hindi angkop sa ating panlasa.pwede rin namang magbigay ng dagdag na pananaw kung makakatulong sa mga nangangailangan at humihingi nito.

    nakapag bubuo ng pagkakaibigan ng hindi namamalayan,at nakapaghahatid ng libang sa bawat isa.

    nice post tol beef!

    Hunyo 22, 2010 bandang 7:03 umaga

    • hindi ko nga namalayan duking na mula sa isang isla e makakabuo ng mga tulay gamit ang mga salita. piliin mo kung san mo gustong dumaan pero bawat tulay ay magdadala sayo sa malayang kamalayan.

      Hunyo 22, 2010 bandang 3:45 hapon

  14. yiN

    Ulol, magpapainom ka pa di ba? Hindi lang dito sa web tapa! Hekhek. Unang poste mo na nabasa ko sa bahay mo akala ko babae ang may-ari ng posts, crush na nga sana kita nun, hahaha. Putek. Tas nangangalampag ka na pala ng mga kaldero’t kaserola sa crib ko hindi ko pa alam. Tol beef, rakenrol!

    Hunyo 22, 2010 bandang 9:04 umaga

  15. tae ka yin! hahahaha!

    Hunyo 22, 2010 bandang 3:33 hapon

  16. wala pa pala ako comment dito…toinks! ahehe..

    Hunyo 22, 2010 bandang 5:52 hapon

    • ayan meron na. hahaha! nagbasa ka ba? adik. hehehe

      Hunyo 22, 2010 bandang 5:57 hapon

  17. pasenysa namen , Man ,medyo sabogaloids pa uwian na bukas daan ulit ako ha ahehehe.

    Hunyo 22, 2010 bandang 6:03 hapon

    • tama ka kuya tapa,,,at ako bilang isang salita ang identity,dito ko natagpuan ang katahimikan at malayang pag sasalaysay nang kung ano man ang nasa isipan ko nat damdamin…

      o ayan ha binasa ko na..

      kelan ba ako huling nadalw dine kahapon lang diba!?
      bakit di ko napansin ung header mo0 ang ganda pala..wahehehe

      Hunyo 23, 2010 bandang 5:16 hapon

      • pangat ka! (pangatlong balik na nang binasa) hahaha!
        salamat sa pagbalik. hehe…

        kuha yan sa buhol, nagpalit ako ng header nun napost ko ung bohol trip namin. thanks!

        Hunyo 23, 2010 bandang 5:24 hapon

        • sorry naman ,di bale atleast nabasa ko na.

          …nabasa ko na ba yung poste na un…ahehehe

          try mo gawin header ung nag a-alburotong mt. taal tingnan ko lang hehehe!!

          Hunyo 23, 2010 bandang 5:33 hapon

          • tingin ko hindi mo un nabasa, un yata ung time na nawala ka e. hehehe…

            taal? hahaha! adik ka

            Hunyo 23, 2010 bandang 5:55 hapon

          • ndi ako nakapg iwan kahapon nag comment..ahehehe
            puro comment lang muna pag balik ko saka ang basahan hehehe yeehbaaa!…

            matagal na akong adik kuya tapa…wanna join me aheheh!!!

            Hunyo 25, 2010 bandang 2:28 hapon

  18. Yehey!

    Hunyo 22, 2010 bandang 10:20 hapon

    • bat yehey? dapat yahooooo! ahehehe… o kaya yeba!
      wala lang. magandang umaga!

      Hunyo 23, 2010 bandang 4:04 umaga

  19. Chevy

    Pinasadahan ko ‘to kagabi, di pala ako nakapag iwan ng puna. Eksayted pa naman ako sa tugon. Hahaha.

    Buti na lang me mundo ng blogging no? Nakakatuwang malaman yung mga bagay sa buhay ng isang blogger na dito nila shine-share. at nakakataba ng puso ang magkaroon ng kaibigan.

    Ganda ng post..

    Ingat at GOdbless

    Hunyo 22, 2010 bandang 11:27 hapon

    • hahaha! makakalimutin ka na. hehehe…

      bonus ung makakilala ng kaibigan, kase ang gusto mo lang naman nung una, i-share lahat ng di mashare sa tunay na buhay..

      Hunyo 23, 2010 bandang 3:51 umaga

  20. Yehey kasi naging tulay ang mundo ng blogging sa pag-iibigang Beeftapa at Aninipot! Yeba! Yeba! Yahoong Yahoo!

    At marami pa akong gustong sabihin maliban sa magandang umaga! LOL

    Pero next time na lang o kaya gawan ko na lang kaya ng blog entry entitled “When a Firefly roasts a Beef” o kaya “Beeftapa & Aninipot: A Love Story” o kaya… Ah teka andami ko naiisip! Kinikilig ako. Yahahaha! πŸ˜‰

    Hunyo 23, 2010 bandang 7:10 umaga

    • Me too, Uber sa Kilig, pwede ng pelikula.

      Hunyo 23, 2010 bandang 8:41 umaga

    • ui, anjong, pasensya nman at magandang umaga lang nasabi ko sa bahay mo. wala nman kase kong masabi na sa mga gawa mo. alam mo na un. bilib ako sa panulat mo… kaya bumati na lang ako dun ng magandang umaga, isa pa madaling araw dito nung bumati ako.

      Hunyo 25, 2010 bandang 9:43 umaga

      • Hala… ‘wag ka na magpaliwanag. Gusto ko mabasa yung sinusubaybayan kong nakakakilig na love story ninyo. Ahaha! Peace out. πŸ˜‰

        Hunyo 25, 2010 bandang 8:38 hapon

  21. nice post. tama po kayo malaya dito. Pero mas malaya ang totoong mundo kasi sa mundong blogosperyo natin. minsan dito nalilimitahan din ang mga ginawa natin may mga bawal ipost kasi sobrang laya na. heheehe. natuwa po ako sa lalim ng inyong imahinasyon at ang galing niyo sa pagbuo ng isang likha na kayang unawain ng normal na mambabasa. kung sa mga makata namang tulad natin isa itong obra na di matatawaran ang lalim.

    Hunyo 24, 2010 bandang 3:05 hapon

    • salamat berl… di ko lang masyadong nagets to “minsan dito nalilimitahan din ang mga ginawa natin may mga bawal ipost kasi sobrang laya na” …. hehehe… anyways, salamat sa pagbisita πŸ™‚

      Hunyo 25, 2010 bandang 9:41 umaga

  22. Nosebleed ako… Hahaha!

    The blogosphere indeed has given us this almost unlimited freedom of expression. Well, it may seem limitless, but as the dictum goes – to whom much is given, much is expected, and in great power comes great responsiblity…

    While we enjoy this intoxicating freedom to write our innermost thoughts and reveal our innerselves in the shadows of our nicks and avatars, the limit to this freedom is personal responsibility.

    And what am I also doing here? I believe I am blogging to hone my passion and my craft. I am also blogging to inform – in a nook or in a cranny near you (in Cebu at least), there’s a paradise waiting to be revealed, there is an adventure waiting to be taken… πŸ™‚

    God bless BT…

    Hunyo 24, 2010 bandang 4:16 hapon

    • parang ako ata na nose-bleed sa comment mo kuya. hahaha… just kidding. πŸ™‚
      personal responsibility, two thumbs up ako dyan kuya

      Hunyo 25, 2010 bandang 9:44 umaga

  23. hapi independence. kamalayang malaya. ayos to. panalo. \m/

    Hunyo 24, 2010 bandang 5:47 hapon

    • salamat sa muling pagdalaw sows! dumalaw na din ako sa bahay mo, di lang ako nakapag-iwan ng bakas πŸ™‚

      Hunyo 25, 2010 bandang 9:48 umaga

  24. Unang bisita ko ito Davin dito. At ang ganda ng iyong akda para sa Kamalayang Malaya. Napakaganda ng iyong poste at Tama lahat ang sinabi nila sa itaas. Ang maidagdag ko lang na sa laki ng blogosperyo ay parang isang prupo o tribo ang malayang pinagkakaisa at pinagsasama-sama…mga nagkakaisang damdamin…may pakikipagkaibigan at respeto na namamagitan upang manatili sa grupo o tribo habang iniingatan ang malayang damdamin ng lahat.

    Ingat lagi & God Bless!

    Para makabalik ako Davin dito ay iadd pala kita sa blogroll ko. Salamat.

    Hunyo 25, 2010 bandang 2:16 umaga

    • wow superlolo! andito ka sa bahay ko. nakakataba nman ng puso ang pagdalaw mo…

      “pakikipagkaibigan at respeto na namamagitan upang manatili sa grupo o tribo habang iniingatan ang malayang damdamin ng lahat”

      Hunyo 25, 2010 bandang 9:51 umaga

  25. beef meron ka pala!!!

    oi oi beef….. pag online ka pm mo ko dali dali

    Hunyo 25, 2010 bandang 10:20 umaga

  26. shaks beef… napakalalim…

    ammm eto ba napapagusapan naten?

    Hunyo 25, 2010 bandang 10:21 umaga

  27. malalim.. maganda..

    Hunyo 27, 2010 bandang 12:32 hapon

  28. Ito po ay Entry Number 30. Salamat po

    Hunyo 29, 2010 bandang 10:06 umaga

  29. d2 sa blogosperyo malaya ka. pero dahil sa malaya ka, sila rin malaya. malayang mapapasok ang buhay mo.

    depende sayo. pag iingat ang kailangan.

    Hunyo 29, 2010 bandang 3:17 hapon

    • bunso may susi ako dito kaya pwede ko itong ilock πŸ˜†

      joke lang hehehe.

      Hunyo 29, 2010 bandang 6:29 hapon

      • hahahahah wag mo ilolock di makakapasok si beef! πŸ˜€

        Hulyo 2, 2010 bandang 9:53 umaga

  30. Len

    dahil ditu sa blagsoperyo, malaya nating nasasabi ang mga gsutu nating sabhin,ang mga hinanakit natin, at kung anu anu pa.. at doon, bahala na ang mga tao ang manghusga kung sinu ba talaga tayu.

    Hunyo 29, 2010 bandang 11:27 hapon

    • CUT!! nag ba-buckle ka pinkie, take two tayo!

      -direk

      Hulyo 4, 2010 bandang 3:30 hapon

  31. magandang umaga beef!!!

    Hulyo 2, 2010 bandang 9:54 umaga

  32. magandang umaga kuya davin

    Hulyo 3, 2010 bandang 3:47 hapon

  33. wala pa ring update

    Hulyo 4, 2010 bandang 9:24 hapon

  34. Asan si Tapa? Mindanao? Lensyak…baka nakatakas sa akin ito. Oh..no..

    Hulyo 6, 2010 bandang 2:13 hapon

  35. Bakit ganun, tagalog na nga dumudugo pa rin ang ilong ko..bwahaha its my perstaym hir beeftapa.

    Hulyo 10, 2010 bandang 6:31 hapon

  36. yin

    THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

    THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

    Hulyo 18, 2010 bandang 10:46 umaga

  37. Len

    padaan! πŸ˜‰

    Hulyo 18, 2010 bandang 3:13 hapon

  38. hello, tapa.

    this is one of the kindest pieces on blogging and the blogging world that i have encountered, so far. mas marami kong nababasa ay tungkol sa alienation, di nga.

    i have not really explored the idea of malayang kamalayan much, as the previous contest was named, but i have my reservations whether the blogosphere promises and allows that much liberty really. probably, because virtual world and pronouncements are still very much based on real and actual lives.

    anyway, highway, i’d say that this post is a breath of fresh air, sir tapa. it is premised on understanding and tolerance and goodwill, i suppose. and when one comes to think of it, why, that’s a good place to start.

    sana, marami ang kagaya mong peaceable virtual citizens, hi, hi, hi… πŸ˜€

    it’d be better if you’ll post more often and spread cheers all around. regards,

    Marso 10, 2011 bandang 10:26 hapon

  39. hello, salamat sa pag-edit. regards to you and your loved ones. πŸ˜€

    Marso 21, 2011 bandang 5:09 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s