minsan malambot, minsan makunat…

sinigang

“mahal kita…”
“mas mahal kita…”

sana ganun lagi. ang simple sana di ba? mas masaya ang buhay. kaso hindi. ang turo samen nun sa com1, communication has three major components, transmitter, receiver at ang noise. Taeng noise yan, panira kahit kelan. ang relasyon laging 3in1, ikaw, sya, at ang mga pagsubok. bakit? kase wala tayo sa ideal world, walang ideal situation.  sa fairytale nga may kontrabida e. hindi mapipigilan ang external forces na makigulo sa buhay ninyo. wala kayo sa vacuum para isipin mong walang ibang matter at dalawa lang kayong nag-eexist. pansamantala, marahil mabubulag kayo at pilit na di papansinin ang paligid. gagawa ng mundo kung saan walang panget na eksena (wholesome yan), puro  beach, damuhan,  bughaw na langit, buwan, mga bituin, beach pa ulit isama sa eksena ang kayak, isa pang damuhan loacation this time sa tuktok ng burol. masarap mangarap, maupo sa dalampasigan at tanawin ang papalubog na araw  o kaya nakahiga sa duyan kayakap ang babaeng pinakamamahal.  kung pwede sana laging ganun, kaso hindi puro pantasya ang buhay. minsan nagba-brown out din. hindi laging summer para magtampisaw sa dagat. ang napakagandang beach nga may mga sea urchins eh.  ang luntiang burol nagiging brown. ang aquarium nadudumihan din… at ang ulam napapanis pag kinamay. hehe…  mararanasan mong masaktan. makasakit ng di sadya. ang importante marunong bumawi. mag-sorry at gumawa ng paraan para makabawi. kung brownout, ihanda ang kandila at pamaypay.  magluto ng panibagong ulam at sa susunod wag nang kamayin.  magtampisaw sa dagat khit maulan, hindi mo kaylangang laging sumilong, masarap maglaro sa ulan nang may kasama, may kalamansi juice nman kapag sinipon.  kung wala kang balak ayusin at hahayaan mo  na lang ang problema, iwanan na lang ng tuluyan kesa naman nakabitin ang isa, naghihintay sa wala. umaasa at nasasaktan. lagyan ng tuldok, di man maging maayos sa simula at least makapag umpisa nang tanggapin ang lahat. pero bago pala yan, bumalik sa basic na tanong, mahal mo pa? kung oo, engot ka pag hinayaan mo ng ganun ganun lang. subukan mong balikan ang matatamis na tagpo ng inyong buhay, baka sakaling mabura nun ang hapdi ng ngayon at bumalik sa kung paano kayo nag-umpisa.

“mahal kita…”

“mas mahal kita…”

“mahal na mahal kita…”

ang pag-ibig para saken e parang sinigang. sinigang na bangus, para eksakto, sige lagyan  ng miso, sinigang na bangus sa miso. matinik, may asim, may lapot (?). masarap  pagsaluhan, lalo na pag maginaw at maulan. ahehehe…

Advertisements

104 responses

  1. weeeh! base ako…hahaha

    Agosto 5, 2010 bandang 11:47 umaga

    • ganun?…isa lang ang alam ko masyadong kumplikado ang pag-ibig kung lahat gustong sukatin eto.. mas madaling intindihin kung ibabalot lang ito sa simpleng bagay.. di kelangang ng explanation…

      at meron pa pala..walang kwenta ang pagmamahal kung sa simula pa lang nakikita mo ang mali pero di mo eto sinubukang ituwid, maswerte ang nabigyan ng pangalawang pagkakataon kaya wag basta nalang balewalain.

      Agosto 5, 2010 bandang 11:52 umaga

      • tama tama! mahirap ngang sukatin, mas masarap namnamin na lang! 😀

        Agosto 5, 2010 bandang 10:20 hapon

  2. Eto pa ang isang magaling, isa na namang interpretasyon ng pagibig ay parang sinigang. Sinigang na bangus sa miso pala para eksakto. “Pag-ibig” topic is not bad after all. =)

    Agosto 5, 2010 bandang 11:54 umaga

    • masyadong kumplikado ilarawan, kaya panigurado madming ibat ibang punto de vista ang lalabas.

      Agosto 5, 2010 bandang 10:22 hapon

  3. Sinigang.

    Ito ang bagong anyo ng pag-ibig, sumusunod sa panahon, parang pagkain..kapag kinamay napapansin..huwag kasing kamay ang gamitin, mas may mainit na laman na tumitibok tibok..tumatango-tango..ang puso.

    Galeng. May laban

    Agosto 5, 2010 bandang 1:47 hapon

    • kuhracha

      napapanis?

      Agosto 5, 2010 bandang 1:55 hapon

  4. Napapansin? Sana huwag mapansin

    Agosto 5, 2010 bandang 1:47 hapon

    • hahaha! natawa ko sa napansin, malabo na po mata kuya? ahehehe…
      tawa ko ng tawa sa laman na tumatango tango! hahaha

      Agosto 5, 2010 bandang 10:24 hapon

  5. astig to! ang pag-ibig ay isa pla sa paboritong kong ulam..penge pa ng sinigang tol..hehehe

    Agosto 5, 2010 bandang 3:00 hapon

    • *burp
      ay pano yan, naubos na. hahaha!

      Agosto 5, 2010 bandang 10:40 hapon

  6. kuhracha

    may pichur? ayun eh. kakileg. parang sinigang.

    Agosto 5, 2010 bandang 3:20 hapon

    • nahihiya na ko, bat nga kaya sa sinigang ko pa kinumpara. nung nakaraang araw ko nagawa yang post pero kaninang umaga lang ung sinigang na part, tas sya pa naging title. hahaha! nagpapaliwanag ako oh!

      Agosto 5, 2010 bandang 10:26 hapon

      • kuhracha

        oo nga, bat ka nagpapaliwanag? halika sa presinto! hahaha.

        Agosto 6, 2010 bandang 2:30 hapon

        • kasama ka sa presinto? hahaha

          Agosto 6, 2010 bandang 4:49 hapon

    • Panong nakakakileg ang sinigang? Mag datu puti ka nalang Kuhrach! Tunay na mukhasim!

      Agosto 6, 2010 bandang 9:18 umaga

      • kuhracha

        un asim ng sinigang ang nakakakileg, anubah…

        kelangan na naten humanap ng pagibig hanggat may asim pa! tara vaj. tara!

        Agosto 6, 2010 bandang 2:31 hapon

  7. may picture na inserted sino kaya yun, c kuya tapa saka si..si…si..hehe

    ay kung ang pag ibig ay bangus na sinigang na miso..ay hindi ko like,,i don’t eat milkfish kasi eh..

    “isa pang damuhan loacation this time sa tuktok ng burol. masarap mangarap, maupo sa dalampasigan at tanawin ang papalubog na araw o kaya nakahiga sa duyan kayakap…”..sino sino ang kayakap hahaha..

    kuya tapa umiibig!?
    kamusta!? hehehe

    Agosto 5, 2010 bandang 3:49 hapon

    • hahaha! entry to sa pakulo ni ginoong kulisap aj. mukhang huli ka sa balita, nagkalat sa blog ngaun mga temang pag-ibig. hehehe

      Agosto 5, 2010 bandang 10:27 hapon

  8. sinigang saan ? wag sa bayabas. mabaho e haha.
    sa pagibig ba may mas ?
    paano kung magkaiba kayo ng kayang ibigay? na sa tingin mo mas higit ang naiibigay mo pero un na pala ang best para sa kanya? (chusera lang* haha tagal ko bago ulit nakabisita! 😀

    Agosto 5, 2010 bandang 5:37 hapon

    • uu geylii, para saken sa pag ibig may “mas”. hindi kayo laging pantay, kaya kayo partners para punan ang kulang ng isa, to compliment each other.

      kumusta ate mo? pano na ung irereto ko? hahahaha

      Agosto 5, 2010 bandang 10:36 hapon

      • pwahaha! wag ka maingay, wordpress na din pala ang blog ni ate, at sabi nya meron sa mga links ko ang sinusundan nya din. d ko alam site nya. at baka isa ka sa mga binabasahan nya.(si kuya jKul kasi un isa dun) haha! baka makita tong pinagsasabi ko haha . d mo naman kasi ako piniem

        Agosto 6, 2010 bandang 9:57 umaga

  9. wala talaga napapag iwanan na ako huhuhu

    Agosto 5, 2010 bandang 6:07 hapon

    • ate, ung sabi kong nagawa ko na di ko lam pano tatapusin. ayan, naging sinigang. hahaha

      galing na ko sayo, meron ka na! 😀

      Agosto 5, 2010 bandang 10:29 hapon

  10. Lonelysailor

    pag-ibig? iwinangis sa isang pangkaraniwang pagkain…

    <<<— para sakin sir.. pag-ibig ay isang makapangyarihang elemento na kayang baguhin ang sanlibutan, ang pagkatao ng isang nilikha., tao man ito, hayop, basta may buhay.maraming napapariwara pag nilamon ka ng elementong ito, marami din napapatatagumpay, pag mabusilak ang pamamaraan mo.nasa iyo kung paano mo ito isasabay sa tono ng gitara.., parang tono ng buhay mo..

    napadaan lang sir sa blog nyo..

    nice one sir.. nice topic..

    Agosto 5, 2010 bandang 6:37 hapon

    • espesyal saken ang sinigang na bangus sa miso. ayun lang. ahehehe….

      pag-ibig naman ang dahilan kaya tayo nag-eexist pare-pareho. salamat sa pagdaan. ung bayad paki-deposit na lang sa acct ko. 🙂

      Agosto 5, 2010 bandang 10:33 hapon

  11. bangus..my peborit!! 😆

    Agosto 5, 2010 bandang 7:39 hapon

    • pwede ba ang bangus sa sows??? ahehehe…
      dalaw din ako sayo sows 🙂

      Agosto 5, 2010 bandang 10:39 hapon

      • pedeng pede po!!
        gudlak nlng sa lasa.

        pro pwede.
        isang mapang-asar na umaga!
        😆

        Agosto 7, 2010 bandang 10:08 umaga

  12. xge na ikaw ng inlab! ikaw ng mahilig sa sinigang! ikaw ng sikat! ehehe.. prang ikaw ung nasa pix ah.. lolz.

    Agosto 6, 2010 bandang 5:38 umaga

    • alangan nmang maglagay ako ng pix ng iba, silhouette na nga. hehehe….
      kumusta na keydi?

      Agosto 6, 2010 bandang 9:24 umaga

      • so ikw nga yan?! adik hnd nman e hmm. anong silhouette? hahha,,
        oks lng, ikaw! offline or inbi? lolz!

        Agosto 6, 2010 bandang 11:15 umaga

        • 😀

          di ako masyado nakakapag-ym nitong huli.

          Agosto 6, 2010 bandang 1:23 hapon

  13. Ang relasyon laging 3 in 1. Ikaw, sya, saka mga pakelamerong walanjong walang magawa sa sarili nilang buhay ang hilig magbulungan kala mo magaganda mukha namang na dissect na palaka.

    Ha? Lolmuch.

    Kaya pala mailap sakin ang pagibig dahil para syang sinigang na bangus. Nandidiri ako sa kahit anong isdang may sabaw. Tsk.

    Pwedeng pakicompare nalang ang love sa fried chicken?

    Lagi kang magsasabi ng ‘isa pa, isa pa’, mas masarap pag may breading, at mas makalat pag may gravy.

    Agosto 6, 2010 bandang 9:17 umaga

    • nakow pag-fried chiken, parang libog lang yan, iisa lang ang lasa, crispy and juiccccyyyyy. hahaha! isa pa, isa pa.

      teka, mas cute ung avatar mo ngaun. 😀

      Agosto 6, 2010 bandang 9:23 umaga

    • kuhracha

      “Ang relasyon laging 3 in 1. Ikaw, sya, saka mga pakelamerong walanjong walang magawa sa sarili nilang buhay ang hilig magbulungan kala mo magaganda mukha namang na dissect na palaka.”

      … haysolabshu vaj, kahit tinamaan ako sa mukhang palaka. hahaha

      Agosto 6, 2010 bandang 2:36 hapon

    • Ay ganon? Sige ano nalang.. ahh..

      Teka, paiba iba ba ang lasa ng sinigang na bangus? Di kase ako kumakaen non. Nandederder ako. Haha.

      Ano nalang, ahh.. Chicken Curry!

      mas masarap naman di hamak yon kesa sa sinigang! Haha.

      Mas masarap pag mas malapot, pag binudburan ng pagmamahal na pampalapot. Tapos pag may halong mga patagtas at kung anek anek na gulay, parang spices ng love life. Lols. 😀

      Agosto 8, 2010 bandang 10:29 umaga

  14. Pingback: Sige Ihataw | Kayumangging Damdamin

  15. nice post poh 🙂 so true 😛

    Agosto 6, 2010 bandang 1:15 hapon

  16. ayun eh… Mr. Kupido ikaw ba yan??? hehehe siyang tunay naniniwala ako na kapag may katwiran ipaglaban! kapag may ibubuga pa rampa lang ng rampa! kapag di nagworkout sa una para sa saan ang mga salitang another chance diba?? \

    ayun sumasabat lang hahaha!!!

    Agosto 6, 2010 bandang 3:32 hapon

    • yeah! tama, hanggat mahal mo wag susuko. laban lang.

      Agosto 6, 2010 bandang 4:48 hapon

  17. ang sarap naman maasim asim na mainit ..

    ang galing .. tama yun kailangan laging may kasama

    padaan po 🙂

    Agosto 7, 2010 bandang 10:36 umaga

    • dagdagan pa ng konting anghang.
      salamat sa pagbisita ms. lambing 🙂

      Agosto 8, 2010 bandang 12:14 hapon

  18. Len

    hehe, lahat talaga ng pag-ibig may katumbas na panlasa.. sana tama ang timpla! hehe

    Agosto 7, 2010 bandang 1:18 hapon

    • pakitimpla nga po len, para swak sa panlasa 😀

      Agosto 8, 2010 bandang 12:15 hapon

  19. pamatay ang mag analogies at object lessons kuya davin
    at ang pichur nakakakilig eheheeheh

    hindi ako naniniwala sa mas mahal kita ahahah pasensya naman

    kasi para sa akin walang mas dahil ang pag-ibig yan ay eksakto parati sa mga nagmamahalan

    100 palakpak para sa sinigang na pag-ibig ni kuya davin! yehey!

    Agosto 7, 2010 bandang 3:27 hapon

    • ahehehe…
      ewan ko ba, siguro mali ung term na “mas”, ang sinsabi ko kase un bang uhmmmm…di ko maexplain… parang… may times na, parang sa gulong minsan nasa ilalim minsan nasa ibabaw. ung nasa ilalim mas less ung naibiibigay nyang pagmamahal (less effort ba) dahil sa sitwasyon nya, kaya ung nasa ibabaw ang magpupuno nun. kaya partners. sana naging mas malinaw.

      Agosto 8, 2010 bandang 12:19 hapon

      • ahahaha ok na po ang heksplaneysyon
        ehehheeh

        Agosto 8, 2010 bandang 12:25 hapon

  20. infairness, I love the picture 😀 tsaka ang galing ng pagkakasulat… mahilig din ako sa sinigang 😀

    Agosto 7, 2010 bandang 3:49 hapon

    • thanks thanks! ganto ngite ko oh 😀

      Agosto 11, 2010 bandang 4:11 hapon

  21. nice one~
    sarap maligo sa ulan lalo na kung kasama mo ang iyong mahal naksss,,,weet na weet hahha,,,
    i love sinigang din~~

    Agosto 7, 2010 bandang 8:10 hapon

    • sadya bang weet na weet tlga un unni? wahahaha
      iba lang naisip ko. toink 😀

      Agosto 8, 2010 bandang 12:09 hapon

      • hahaha ano ba naiisp mo?nyahaha
        uu weet na weet lalo pa pag malakas ang buhos ng ulan hehehe..

        btw add ko blog mo sa list ko ha naaliw ako sa mga poste mo eh..thanks~

        Agosto 9, 2010 bandang 8:48 umaga

        • hindi ko na sasabihin ung naisaip, baka bastus lng tlga ko. hahaha

          salamat sa pagbalik 🙂

          Agosto 11, 2010 bandang 4:12 hapon

  22. at bakit ko kaya sinisipat yung picture eh likod naman yun.. hehhe

    iloveyoumore,!!

    hayyys.. isang entry pa na ganito,, maiinlove lalo ako.

    at dahil wala akong entry.. im so out of place. im out of here.. 😦

    Agosto 8, 2010 bandang 6:41 umaga

    • hahaha! tawa ko ng tawa sa pagsipat sa picture. adik ka tlga leemi para nmang di mo pa nakita yan pag nakaharap. hehehe

      teka, puro pag ibig kaya ung mga post mo, naubos na ba? wag nman.

      Agosto 8, 2010 bandang 12:04 hapon

  23. mahusay po!! hehe! Nagbasa at nagpuntos. 😀

    Agosto 8, 2010 bandang 11:07 umaga

  24. para sa akin ang pag-ibig ay sinigang na beeftapa. LOL

    Agosto 8, 2010 bandang 11:57 umaga

  25. ang seksi pala ni *** hehehe.

    nagugutom ako gusto ng sinigang

    Agosto 8, 2010 bandang 1:40 hapon

    • si davin pa yun at si ano?! huwaw!!!! i tot… i tot… hmn… kakilig eh. :]

      Agosto 8, 2010 bandang 10:28 hapon

  26. Sphere

    hindi ako mahilig sa ulam na may sabaw mas gusto ko ang dry ung kunting sarsa pwede bang paksiw na bangus na lng ahahaha wala akong masabi davin kundi kakakilig ung picture:-)

    Agosto 8, 2010 bandang 7:40 hapon

    • wala din akong masabe ate, salamat sa pagbisita 🙂

      Agosto 11, 2010 bandang 4:14 hapon

  27. paborito ko ang sinigang.. ako lang yata ang may kakaibang paghahambing sa pag ibig. lol

    Agosto 9, 2010 bandang 1:15 hapon

  28. ganon talaga no beef pag naiinlab cumocorny. at yon ang maslalong nagpapaasim sa sinigang.

    nagugutom ako tuloy

    Agosto 9, 2010 bandang 2:10 hapon

    • yeah kumu-korni, at ung pasimpleng ngite sa kakornihan ang nagpapatamis. naks!

      Agosto 11, 2010 bandang 4:15 hapon

  29. Tumatabo sa takilya ang pelikulang bangus ah.

    Agosto 9, 2010 bandang 4:10 hapon

    • ayoko ng tabo kuya, ung relo gusto ko. hahaha

      Agosto 11, 2010 bandang 4:07 hapon

  30. sinigang na bangus sa miso.especialty ‘to ng mga ninja.

    at syempre ang ga ninja,katulad ng bangus.matinik.madulas.mailap.hindi agad mahuli.

    parang pag ibig.parang ninja.parang si beef tapa.

    hahaha!

    Agosto 10, 2010 bandang 12:06 umaga

    • ang alam ko ramen ang paborito ng mga ninja hindi sinigang na bangus.

      kasi walang instant na sinigang na bangus.

      ramen noodles meron.

      Agosto 10, 2010 bandang 2:33 umaga

      • imbento ko lang yan.hahaha!

        Agosto 10, 2010 bandang 7:52 hapon

    • hahaha! mailap? hindi naman… hehehe… kaylangan lang buksan ang mga mata para makita.

      Agosto 11, 2010 bandang 4:09 hapon

      • alam ko,tol.

        alam ko.

        nice meeting you.

        Agosto 12, 2010 bandang 9:14 hapon

        • hahaha! kuya duks, di ko nagets. hmmmm… 😉

          Agosto 12, 2010 bandang 10:02 hapon

  31. lahat ng eksena laging may kontrabida. ganun talaga. walang aksyon kung walang kumpetisyon. walang thrill.

    parang threesome. lol.

    Agosto 10, 2010 bandang 2:35 umaga

  32. pahingi nman dyan ng sinigang…waaaaaaah nakakagutom nman…

    maaring meron sari-sariling interpretasyon…mananatiling malalim ang kahulugan ng pag-ibig sa paningin ng mga nagmamahalan…mapait, maasim o matamis man ay nasa batayan na nila…

    nakakaingget ung nasa pityur… 🙂

    namarkahan ko na…thanks

    Agosto 10, 2010 bandang 1:20 hapon

    • salamat sa pagbabasa arnie. ikaw pala un.

      Agosto 11, 2010 bandang 4:06 hapon

  33. yiN

    NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

    NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

    (GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

    padaan beef. !

    Agosto 10, 2010 bandang 4:14 hapon

  34. ako pala ang di dumadalaw sayo kuya beef tapa. masaya ako sa poste mo… lalo na sa linyang ito

    ang pag-ibig para saken e parang sinigang. sinigang na bangus, para eksakto, sige lagyan ng miso, sinigang na bangus sa miso. matinik, may asim, may lapot (?). masarap pagsaluhan, lalo na pag maginaw at maulan. ahehehe…

    hehehehe. kapag malikot ang isip mo, alam na.

    Agosto 10, 2010 bandang 7:14 hapon

    • mukhang malikot ka berl. hahaha

      Agosto 11, 2010 bandang 4:05 hapon

      • hahaha.

        Agosto 13, 2010 bandang 8:07 umaga

        • uy… dagdag mo naman ako sa blogroll mo at dalaw ka naman sa kuta ko…

          Setyembre 3, 2010 bandang 8:36 umaga

  35. Beeftapa, August 12,2010 11:59PM, deadline of submission ng iyong marka.

    thanks

    Agosto 11, 2010 bandang 9:11 umaga

    • yay! bukas na pala. lagpas kalahati nman na po ang nabasa at namarkahan ko 🙂

      Agosto 11, 2010 bandang 4:04 hapon

  36. padaan naman ako…..

    ganun talaga…..pag nagmahal ka, hindi lang laging ok ang lahat….sa teleserye nag my kontrabida eh, pareho lang sa tunay na buhay…

    tama ka, para alng syang isang sinigang na bangus sa miso….

    TC……

    Agosto 11, 2010 bandang 3:49 hapon

    • salamat sa pagdaan… ung bayad pala? 😀

      Agosto 11, 2010 bandang 4:03 hapon

  37. May sinigang na bangus pa ba? Pulutan.

    Agosto 14, 2010 bandang 11:46 umaga

  38. kung papainum ka kuya, magkakaron. 😀

    Agosto 14, 2010 bandang 1:40 hapon

  39. makulit tong post na to ah! i like! hehehe

    pero totoo ang sinabi mo. ang buhay ay hindi life na kumpleto kung wala ang asim, ang tamis o ang pait na dapat na matitikman. nasasatin na lang talaga kung kaya nating sikmurahin, lunukin at tikman ang ganitong pamamalakad sa araw araw dahil dun lang natin makikita kung ga’no ito nagpapagtibay sa pagmamahal natin sa isa’t isa (like ako kay mami kaye nyo *twinkling eyes*). kung sumuko, di para sa ‘tin. pero kung kaya pa, dapat tuloy lang ang pag-inda. gaya nga ng sabi mo, iba ang tamis kung tunay mong mahal, kahit gano pa kahirap ang buhay.

    teka, may sense ba? hehehe

    o marunong ka ba magsinigang? patikim minsan ha? damihan mo lang luto! hahaha

    Agosto 18, 2010 bandang 2:13 hapon

    • kuya bongski! andito ka ulit. hehehe…
      marunong ako, kaso ewan ko lang kung masarap. hahaha

      Agosto 18, 2010 bandang 9:09 hapon

  40. Hindi pa ba panis ang sinigang na bangus?

    Agosto 18, 2010 bandang 3:23 hapon

    • hindi yan napapanis kuya. ahehehe… baka sa susunod na pakontes pa ang next post. hahaha!

      galing ako sa bahay mo kahapon. di ko nagawang mag-iwan ng komento. sus ka, nalunod ako. lalim.

      Agosto 18, 2010 bandang 9:08 hapon

      • Bakit buhay ka pa? Niloloko mo ako, di ka nalunod.

        Agosto 19, 2010 bandang 4:29 hapon

        • seconds lng, kaya nakaahon pa ko. hahaha! pinatulan tlga? adik ka kuya

          Agosto 19, 2010 bandang 10:30 hapon

  41. WildCat

    Sorry wala akong ibang mai-komento, nablanko yata isipan ko dahil sa kinalam ang sikmura ko sa mga sinigang eksamples mo.

    Agosto 23, 2010 bandang 12:38 hapon

  42. uhmmm initin ulit ang sinigang! dagdagan mo na beef ang ulam 😆

    mag-update ka na! wala ko mabasa 😆

    Agosto 25, 2010 bandang 5:13 hapon

  43. lababo

    ang pag-ibig, para sakin….siya.

    Agosto 27, 2010 bandang 8:04 hapon

  44. lee mi

    Happy Birthday Kuya..

    Sinigang pa rin handa sa birthday mo…
    ang dami mo pa ring asim talaga ano? 😀

    Agosto 31, 2010 bandang 12:21 hapon

  45. beef! beef!!!

    Setyembre 2, 2010 bandang 9:48 umaga

    • beef beef! part 2

      Setyembre 4, 2010 bandang 11:37 umaga

  46. Sarah Parin

    Galing naman! Ang pag-ibig ay masarap, maasim, matinik… Masarap pagsaluhan kung mainit lalo na kung tag-ulan… 🙂

    Setyembre 18, 2010 bandang 4:15 hapon

  47. hello, tapa,

    e, ba’t naman kasi, di ka na nagsusulat? tama ba naman ‘yon? masyadong busy sa love life? ^^ kainaman…

    btw, alam mo bang isa ito sa pinakamagandang piyesa about love na nabasa ko noong babago pa lang akong nagba-blog? ayon lang naman… ^^

    kumusta na you? magsulat ka kaya uli, naman… regards! 🙂

    Marso 15, 2012 bandang 9:51 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s