minsan malambot, minsan makunat…

wansapanataym… naalala mo pa?

Napanood ko sa patalastas sa channel 2 nung nakaraang araw na ibabalik nila ulit ang wansapanataym. bigla akong nabuhay. napangite tapos… wansapanataym… sa aking buhay. Napawi ang lumbay, napuno ng kulaaaayyyyy… hehehe… totoo yan. pramis. Ewan ko pero ang laki ng ngite ko nung napanood ko ung commercial. Di ko maiwasan magbaliktanaw. Ewan ko kung ilang taon ako nun, basta alam ko inaabangan namin yan ng mga kapatid at tatay ko tuwing linggo alas otso ng gabi, gusto kong isipin na un siguro ang family time namin. Ahahahay!

Tapos nagkatinginan kami ni bunso, hirit nya sanaΒ  ibalik din nila yung Okatokat! hahaha! Si Rona! (played by Agot Isidro, sila la ng ni Paolo Contis ang naalala ko. hehehe… si Rica pa pala.) Yung horror na palabas tuwing martes ng gabi pagkatapos ng mga teleserye nila. nagkatawanan na lang kami. pati araw at timeslot, naalala namin. duwag ako sa mga katatakutan na palabas, pero ung okatokat? hahaha! talagang inaabangan namin.

Dito na namin inalala pa ung ibang palabas dati na sabay sabay namin pinapanood. ang teleserye nun 2 lang pagkatapos ng balita. ngaun, puro teleserye na. Inisa isa namin alalahanin ni bunso ang mga palabas after ng mga drama series.

Lunes- Palibhasa Lalake! Sinong bestfriend mo duon. nyahahaha! naalala ko pa si Tikboy. Martes ung Okatokat. Tapos Wednesday ung Okidok? e kelan ung Home Along da Riles? Kase pag huwebes Maalala mo kaya e. Tapos ung Byernes ung laging pinapalitan, naging Super Laf-in naging Tagalog movies, alam ko byernes din dati ung tagalized naΒ  go go Power Rangers!.Β  Hahaha! Ang sarap balikan.

So ngayon, anong araw ang Home along d riles? Nyahahaha! Di ko maalala. Kahit si bunso di din maalala. Ang di ko makakalimutan, masaya naming pinapanood ng sama sama mga yan. Nakakamiss.

Advertisements

39 responses

  1. super beys!

    Setyembre 5, 2010 sa 12:57 hapon

  2. di ko alam anong araw ang Home Along Da Riles di ba huwebes un hahaha. ewan ko wala na akong matandaan. alam ko ung mga title saka ung mga artista pero di ko na alam anong araw, oras at ung mga name nila.

    Setyembre 5, 2010 sa 12:57 hapon

  3. Sundays ang home along da riles from thursdays

    ako din gusto ko ang wansapanataym sa ating buhay, si pinya ang gusto kong episode dun

    sana ibalik din yung PAHINA ni Carlo Aquino pero new season lahat about yun sa Panitikang Pilipino, pati din yung BAYANI, Hirayamanawari, mga worth-it-to-watch-programs ang mga ito

    may moral lessons pa!

    yehey! oo nakita ko din an gteaser niya sa Melais yata!

    yehey!

    Setyembre 5, 2010 sa 1:00 hapon

  4. Kevin Kosme

    sabado ang Home Along Da Riles katapat ng Okey Ka Fairy Ko!

    isipin mo na lang yung kanta ng HOME ALONG DA RILES…

    “home along da riles kung sabadooooooo!!!

    Setyembre 5, 2010 sa 6:00 hapon

  5. Sphere

    whaaa di ako makarelate!!! GMA 7 lng kc merong signal samin dati 😦

    Setyembre 5, 2010 sa 7:41 hapon

    • loyal ka kasi sa channel 7 ate anne, ahahaha

      Setyembre 5, 2010 sa 7:48 hapon

      • Sphere

        ayaw ko ng Channel 2 masyadong mapulitika i hate politics you know!

        Setyembre 6, 2010 sa 9:35 hapon

    • naku pasensya naman ate anne. hindi ko intensyon na ipromote mga palabas sa isang istasyon. namiss ko lang ung mga palabas na SAMA-SAMA naming pinapanood ng pamilya namin.

      Setyembre 5, 2010 sa 10:46 hapon

      • Sphere

        ahahaha wala yon diko lng tlga alam mga palabas nila πŸ™‚

        Setyembre 6, 2010 sa 9:36 hapon

        • Idol ni ate anne si pareng mike at tita mel kasi kaya ganun siya kaloyal sa channel 7

          Setyembre 6, 2010 sa 9:44 hapon

  6. Meron pa ang Channel 2 ang nagpauso ng mga station IDs kapag summer at tag-ulan.
    tsaka yung happy (sa mga drama), seryoso po kami (para sa mga comedy)

    basta magaling ang channel 2
    yehey!

    Setyembre 5, 2010 sa 7:51 hapon

  7. naisip ko ang pinoy thriller at mga kwento ni lola basyang pati ang series ng okay ka fairy ko.

    hahaha!ang tanda ko na!!!

    Setyembre 5, 2010 sa 11:19 hapon

  8. noon, huwebes yung Home Along da riles, susundan ng Maalaala Mo Kaya, (di ako sure pero parang yun natatandaan ko).. natatandaan ko rin lagi ako naiiyak sa bawat episode ng MMK noon :), ngayon kase di ko na inasikaso yung tfc namin… wala ng time matulog pag nanood pa ko TV πŸ™‚

    ang daming bumalik sa utak ko lang ano..

    Wansapanataym : Slow Down Angels Crossing, Loveteam pa si Patrick Garcia at Jodi Sta.Maria,. naalala ko lang bigla yun kase super kilig ako dun.. ang bata ko pa nun.. ang hitad lang noh? πŸ˜€

    Home Along da riles.. Si Daddy kevin, Bill, Bob, Bing, Baldo, si Ason, Maybe at si Roxan, isama mo na rin si nguso at mga sunog baga..

    Crush ko noon si Ryan Gosling sa Hercules every friday.. naalala mo pa yun Kuya?.. ang cute di ba?

    Masaya noon yung ganun.. hindi puro teleserye.. :D, may aabangan everyweek..

    at ang haba ng koment ko.. halos isang post ko na to kuya.. πŸ˜€

    Setyembre 5, 2010 sa 11:55 hapon

    • hahaha! leemi! natuwa ako sayo, ang dami mong naalala at mas detalyado pa. ilang araw na nga din akong ganto, daming binabalik-balikan. ibig sabihin kaya neto tumatanda na tayo? nyahahaha

      Setyembre 6, 2010 sa 10:03 umaga

      • ahahha.. kuya.. ako eh batambata pa.. ikaw, tumanda ka na naman nung isang linggo πŸ˜€

        sa super laf in ko natutunan yung magkasabay na igalaw yung kamay: pa-square yung isa.. ung isa up & down line lang.. try mo kuya.. πŸ™‚

        noon yun kuya.. noong inosenti de ti pa tayo.

        Setyembre 7, 2010 sa 4:43 umaga

  9. waaah! pasaway ka! namiss ko tuloy pamilya ko.

    dati pag wansapanatym na, lahat kami nakaharap sa tv, walang umaalis, parang inaabangan talaga ang palabas, may laro nga kami dati, huhulaan namin ang susunod na commercial.. basta ganun yon..

    pagkalinggo, kelangan 6:30 naghahapunan na kami, pati tatay ko favorite din yata ang wansapanatym… at naalala ko, pagkatapos nung palabas kinakanta ko talaga ang theme song nila.. kakamisss..sobra!

    at meron pa akong inaabangan dati, tuwing byernes… power ranger, mystic knights of ter nanog, at syempre tulad ni lee mi, ang young hercules…hahahaha

    kakanta na nga lang ako..wansapanatym sa aking buhay…… napawi ang lumbay, napuno ng kulay…..

    πŸ˜€

    Setyembre 6, 2010 sa 10:42 umaga

    • hahaha! anini!
      ganyan din kami dati. nami-miss ko lang.

      Setyembre 6, 2010 sa 4:23 hapon

  10. Huwebes ang Home Along da Riles. Tapos naging Sabado, tapos naging Linggo.

    Setyembre 6, 2010 sa 11:22 umaga

  11. HAays. di ko napanood ang teaser pero kung meron man astig yan… yung friday ung pinapalitan kasi pinantatapan sa bubble gang…

    Setyembre 6, 2010 sa 11:31 umaga

  12. may peyboritisim dito yung sa amin walang reply mula kay kuya davin ahahahahah

    Setyembre 6, 2010 sa 4:39 hapon

    • hahaha! loko ka pong. walang ganown. πŸ™‚

      Setyembre 12, 2010 sa 2:58 hapon

  13. Naalaala ko lahat ng mga palabas pero hindi ako particular sa timeslot nila, mas pa ang araw.

    Kamusta ka na Beeftapa?

    Setyembre 6, 2010 sa 5:09 hapon

    • ganun po yata pag nagkakaedad kuya? joke lng.

      Setyembre 12, 2010 sa 3:04 hapon

  14. historyadorparasabayan

    wow. nice. πŸ™‚ ako rin! nung bata pa ako, sabay-sabay kami sa bahay nanonood ng wansapanataym. magaganda ang mga palabas ng channel 2 noon.

    Setyembre 7, 2010 sa 8:57 umaga

    • salamat sa pagdalaw historyador! πŸ™‚
      sana nga katulad pa din nung dati ung wansapanataym na bago.

      Setyembre 12, 2010 sa 2:59 hapon

  15. wow! talas ng memories! πŸ˜€ i am one of those few fans ng mga primetimers ng channel two.. πŸ˜€ hehehe… okat tokat.. with Rona del Fierro, hahaha!! kasama pa diyan sila Angelica dela Cruz, Deither ocampo, Ricky Davao, at nung latter part, sila Carmina villaroel… at si “Daniel”… yung demonyitong bata na anak niya…

    hahaha!!! tsk… nakakatuwa nga at ibabalik na nila ang wansapanataym…

    pero mas mabibilib ako, kung ibabalik nila ang Hiraya manawari, Bayani, pati na din yung Pahina (Carlo aQuino, at Dianne dela fuente…) …

    Cool post!

    (pasensiya na, ala akong gaanung ma share… )

    hehehe… πŸ˜€

    Setyembre 7, 2010 sa 10:55 umaga

  16. Yes! Nakakamiss! Totally addicted ako noon sa Wansapanatym, sa tuwing naririnig ko ang team song nasa harap na ako ng TV, ng aming kapitbahay πŸ˜†

    Naaalala ko pa ‘yung first Wansapanatym na napanuod ko ay yung kuwento ng isang lalaki na nakatagpo ng bato na pwede gawin siyang invisible at sa huli nalunok yata niya ‘yung bato (or something like that) at yung lalaking hindi makalakad na biglang nakakasaway dahil sa magic shoes, tapos yung kwento ni Rica na naligaw sila ng bestfriend niya sa lugar kung saan maraming panget, pero sila ang pangit sa paningin ng mga tao. Ay ang daming nostalgic memories!

    At yes! Gustong-gusto ko ring mapanuod ang okidok ni Aga, at Home along da riles.

    Ah, nakaka-miss talaga.

    Setyembre 7, 2010 sa 5:54 hapon

    • Tama Wildcat! andaming nostalgic memories. Ang sarap sanang balikan isa-isa. πŸ˜€

      Setyembre 7, 2010 sa 6:19 hapon

  17. dati palagi din channel 2 ang pinapanood namin

    hindi pa panahon nga mga telenovelas nun

    ang uso pa lang e mga sitcoms

    wala ako masyadong maishare na notable na primetime pero ang pinapanood ko sa umaga e yung sineskwela pati yung mga drama cartoons sa umaga (remi/cedie/dog of flanders(?))

    nun lumaki na kami at nauso na ang kapamilya, kapuso, kabarkada at kung anu ano pa, ayun naging kapuso na kami

    di ako makarelate sa usapang Agua Bendita at Rosalka. hahaha.

    Setyembre 10, 2010 sa 3:09 umaga

  18. waaah. wansapanataym ibabalik nila. oh great. nang dahil sa wansapanataym na yan eh nakipag-away pa ako eh kasi naman gusto ng pinsan ko eh believe it or not.

    yung okatokat. inaatabayanan namin yan. pero ang pangit ng ending. ano ba yun!

    pero ang pinakadabest na gabi noon eh yung sa gma-7. puro anime. tipong ang hari pa ng gabi eh sila hell teacher nube. ngayon sila jlc at dingdong. hmp!

    Setyembre 11, 2010 sa 11:28 hapon

    • hahaha! tama, un nga katapat nun dati.
      naalala ko din may time din anime ang ginawang pang-prime time ng gma. ung mga pokemon, fushigi yugi, mazinger z, voltes v, ano pa un? hahahaha!

      Setyembre 12, 2010 sa 2:57 hapon

  19. MAG KASING EDAD BA TAYO? BAKET PAREHO NATENG NAPANOOD ANG MGA YAN! AT BAKIT AKO NAKA ALLCAPS!!

    YUNG WANSPANATAYM BA BEEF, REMAKE O REPOST LANG PARANG BLOG. LOL

    HAHAHAAHA

    Setyembre 12, 2010 sa 2:14 hapon

    • nyahahah! magkasing-edad tayo?
      bagong episodes ung wansapanataym hamham.

      Setyembre 12, 2010 sa 3:01 hapon

      • oo mag kasing edad tayo baket ba! ano rereklamo ka?

        aw… kala ko sila jolens ulet ang gaganap tsaka sila danilo barrios

        hohohohoho

        buti bago na

        Setyembre 12, 2010 sa 6:46 hapon

  20. lahat nang paborito ko nasabi nyo na….
    gusto ko ibalik ung sineskwela,,,,sa gma 7 naman ung digital LG quiz..

    pero higit sa lahat ang namiss ko ay ang batang X na movie at ang blog house mo …

    c aj sad.. =(..

    Setyembre 13, 2010 sa 5:45 hapon

  21. ideaelectra

    ang alam ko tuwing hwebes ang home along da riles kasi tuwing miyerkules naman ang maalaala mo kaya.. lahat ng nabanggit mo maliban sa okatokat ay paborito ko din dati..nagflashback tuloy sa akin lahat ng palabas na hindi ko pinapalagpas.. yun nga lang nung bata ako eh die hard kapuso talaga ako dahil mahina ang signal sa amin ng kapamilya kaya konti lang ang inaantabayanan ko. mga cartoons (dahil hindi pa uso noon ang term na anime) na palabas ng gma ang inaabangan ko naman tuwing gabi pero pag linggo at wansapanataym na, talagang pinagtitiyagaan ko ang malabong screen ng tv namin para lang makapanood…. natutuwa ako sa mga kwento lalo na yung mga magic part na minsan naiisip ko na pwede din yun mangyari sa totoong buhay,,,ewan ko, mahilig lang talaga akong magpantasya ng kung anu-ano..

    Setyembre 18, 2010 sa 8:25 umaga

    • uy! andito ka. kilala kita, soulmate? nyahahaha πŸ™‚

      nagflashback din saken lahat nung makita ko ung commercial ng wansapanataym. kaso di ko nman napanood ung bago. hehehe

      Setyembre 18, 2010 sa 11:43 umaga

      • ano pamagat ng kanta ng wansapanataym

        Hunyo 24, 2012 sa 10:31 umaga

  22. ideaelectra

    hehe yup, napadaan ako kasi naisipan kong maghanap ng mababasa,.,. di ko na din mapapanood ang bagong wansapanataym kasi hindi na ako masyado nanonood ng tv ngayon bukod pa sa wala na din channel 2 ang tv sa kwarto namin… hay namiss ko tuloy ang aking elementary at highschool days,,

    Setyembre 18, 2010 sa 4:06 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s