minsan malambot, minsan makunat…

ganito kami noon

Sa probinsya ako ipinanganak at nagkaisip bago kami lumuwas ng Maynila n0ong 12 taon ako. Tuwing buwan ng Mayo, basta bago sumappit ang tag-ulan, nakaugalian namin nila mama kasama ng mga kapatid ko ang pagtatanim ng mga gulay sa likod bahay. Kami nila kuya ang gumagawa ng balag para gapangan ng mga gulay, si mama, ate at bunso ang nagpupunla. May taga-bomba sa poso at tagabuhat ng balde para ipandilig sa mga bagong punla. Madami kaming tanim lagi sa likod bahay, patani, bataw, sitaw (hindi po ung mahahabang sitaw to), sigarilyas, kardis  (ilocano yan, di ko lam sa tagalog e) singkamas (namumunga po ang singkamas), talong na bilog, okra, gabi, sili, syempre di mawawala ang kamote. Kung may bakanteng lote sa probinsya panigurado may nakatanim na kamote.

Green-thumb daw si Mama, madaling makapagpatubo at palago ng halaman. Kung puno ng gulay ang likod bahay, puno nman ng mga halamang ornamental ang harap. Bihira sya magtanim ng namumulaklak. Kadalasan mga malalagong dahon-dahon lang. Bago pumasok sa eskwela, toka toka kaming magkakapatid ng gawain. Trabaho namin ni bunso ang pagdidilig ng mga halaman sa umaga. Si kuya ang taga-igib ng tubig para sa kusina, medyo malayo samen ang poso. Si ate naman ang nagwawalis ng bakuran. Habang si Mama naman naghahanda ng almusal.

Madami din kaming alagang hayop. Aso, baka, manok, baboy. Tipikal na probinsya. Ung baka, hindi kami ang nag-aalaga, pinapapastol un sa iba. Wala kaseng mag-aasikaso. Hati-hati din ang trabaho sa pag-aalga ng mga baboy at manok. Ung manok mga gala lang un walang kulungan, pero kilala namin bawat isa. Ung pinakaninuno ng mga manok namin may pangalan din, Banggangok, un ang tawag ni Mama. Maalaga si Mama sa mga hayop. Natutulog sya sa bakanteng kulungan ng baboy tuwing may bagong panaganak. Nakahiwalay kase ang mga piglets sa inahin. Isa-isa nyang nililipat sa kulungan ng inahin ang mga piglets para sumuso, isa-isa din nya itong ililipat sa kabilang kulungan pagkatapos. Ganun sya katutok sa mga alaga nya. Madalas din maririnig mo syang kinakausap ang mgat ito, pati din pala halaman binubulungan din.Yung aso nman, kung sino ang nakatokang magligpit ng kinainan sya din ang magpapakain. Siguro halos sampo ang aso namin nun. Di ko alam kay Mama kung bat andami. May isa pa nga kaming aso ipinangalan nya sa kanya. Loyal ung aso na yun, mahigpit na bantay. Pareho ni Mama. Strikto.

Meron kaming maliit na parang kubo sa tapat ng bahay sa bandang kusina. Mula sa malalaking sanga ng camachile ang ginawa naming poste at  kawayan naman ang papag. Lumang yero  ang bubong.  Dahil si kuya ang pinakamatanda sa aming magpipinsan, sya ang nagpaalam sa Lolo para sa mga kawayan na puputulin. Tulong-tulong kaming magpipinsan sa pagbuo nun. Natulog kami dun kinagabihan ni kuya kahit walang dingding. Binalot lng namin un ng mga sakong pinagtagpi-tagpi na madalas ginagamit na pansapin kapag nagbibilad ng palay. HIndi pinayagan yung iba nming pinsan na duon din matulog dahil malamig. Kinabukasan nagising na lang ako na nasa kwarto na sa loob ng bahay.  Hindi ko namalayan, lumabas pala si Mama nung madaling araw para silipin kami ni kuya.  Mula pagkabata pala may pagkamantika na ko matulog. Di man lang ako nagising nung binuhat ako ni Mama, namamaluktot na daw kase ko sa ginaw.

Masarap magluto si Mama. Paborito naming magkakapatid ang “inalseman”, ilocano version nya ng sinigang. Parang sinigang kase maasim, nilalagyan ng sampalok pero hindi masabaw, mas madaming gulay kesa sa karne at higit sa lahat, bagoong-isda ang panimpla. Lagi kaming sabay-sabay kung kumain. Bawal piliin  ang gulay kase kung kung hindi, sya mismo ang magsasandok at ilalagay sa plato mo. Number one rule pa naman sa bahay ang bawal tumayo sa hapagkainan hanggat hindi nauubos ang laman ng pinggan. Isa pang ulam na hinahanap-hanap ko ung diningdeng. Sitaw, saluyot, bulaklak ng kalabasa at kung anu-anong pang mga gulay na pinagsama sama. Pinakuluan sa tubig at tinimplahan ng bagoong-isda,  may sahog na inihaw na bangus, at may sawsawang bagoong at kalamansi na may sili. Bihira na ko makakain nito ngayon.

Bago pa matapos  ng Eat Bulaga, pinapatay na ni Mama ang TV.  Oras na para matulog ang mga bata. Kaming dalawa un ni bunso. HIndi ko na mabilang kung ilang beses akong nagtulug-tulugan noon para lang di mapagalitan. Inggit na inggit habang nakikinig sa mga pinsan kong naglalaro sa labas. Di ko na din maalala kung anong iniisip ko para mas mapabilis ang pagtakbo ng oras. Hirap na hirap akong matulog sa tanghali noon, kaya ang ginagawa ni Mama, susuklay-suklayin nya ko, bubunutin ang mga patay na buhok. Ilang minuto lang tulog na ko.

Ganito kami noon.

Advertisements

82 responses

  1. base. binabasa ko pa…

    Setyembre 13, 2010 bandang 2:22 hapon

    • ambilis mo berl! 🙂

      Setyembre 13, 2010 bandang 4:37 hapon

  2. base dapat ako mabagal magload ang pc ko. wahhh T_T basa mode

    Setyembre 13, 2010 bandang 2:29 hapon

    • hehehe jason pagbigyan mo na ako nawala ako ng 4 na araw eh…

      Setyembre 13, 2010 bandang 2:34 hapon

      • wahahahaha ok 😀 after you na lang ako haha!

        Setyembre 13, 2010 bandang 9:35 hapon

        • baka kasi lagi kang nakatingin sa dingding. hehehe. ganoon ba cge pagawa tayo… hehehe. beeftapa pabili naman ng diningding…

          Setyembre 17, 2010 bandang 9:04 umaga

  3. to pala sinasabi mong niluluto mong post..

    ok basa mode na talaga

    Setyembre 13, 2010 bandang 2:30 hapon

  4. wow… sarap pala ng buhay sa probinsya no…

    naranasan ko din yan mga 3 days. sa quezon.. walang kuryente, walang tv, talagang gagawin eh sa labas maghahabulan, mamimitas ng mga murang kamatis, bata pa naman ako non kaya siguro ok lang saken. pag ngayon siguro baka mainip ako. pero kung may mga kasama naman ayos na ayos.

    may brown thumb kaya ako? kasi magaling ako mag-alaga ng hamster. hohohoho

    Setyembre 13, 2010 bandang 2:32 hapon

    • BUnso cute cute mo talaga 😀

      Setyembre 13, 2010 bandang 2:34 hapon

      • mana sayo eh 😀

        Setyembre 13, 2010 bandang 3:23 hapon

    • hahaha, ang kulet ng brown thumb…

      Setyembre 13, 2010 bandang 2:35 hapon

      • batang malikot nakadampot ng ipot. hmmmm kaya siguro brown thumb. hahaha

        Setyembre 13, 2010 bandang 3:20 hapon

        • hahahahaha

          hiyaks ka beef!! pwede namang kulangot !!! di naman ako dadampot ng ipot!!!!!

          Setyembre 13, 2010 bandang 3:24 hapon

    • makulet na bata, bkit mo pinipitas ang murang kamatis? wala bang lola dun sa quezon nyo? samen kase masunget ang lola ko. nanghahabol ng walis. 🙂

      Setyembre 13, 2010 bandang 3:13 hapon

      • hinde naman ako nagpahuli… nung pinitas ko mga green na kamatis, dumeretso kagad ako kay daddy sa sala. naka closefists may lamang kamatis.

        sabi ni daddy bakit mo pinitas hilaw pa yan?

        excited pa naman ako kasi perstaym ko mamitas ng gulay.

        lol

        Setyembre 13, 2010 bandang 3:25 hapon

  5. wow sarap naman jan sa nio. kakainggit kasi kahit taga probinsya ako wala kaming ganyan. naiimagine ko tuloy hitsura ng paligid ng bahay nio. mahilig din akong mag tanim ng mga halaman.

    di mo isinali si Papa sa kwento..hmmm.

    Setyembre 13, 2010 bandang 2:33 hapon

    • wala na yan lahat ngayon ate.

      Setyembre 13, 2010 bandang 2:56 hapon

      • si papa pala, dito talaga sya based sa manila. umuuwi lang sya dati 2 beses sa isang buwan.

        Setyembre 13, 2010 bandang 2:59 hapon

  6. may sasabihin pa ba ako?..halos ganyan ang buhay na kinalakihan ko..kaso mas maswerte kasi di kami pinipilit matulog sa tanghali, at walang dagat sa inyo.. ako tambay sa tabing dagat.

    Setyembre 13, 2010 bandang 2:38 hapon

    • hehehe… kumusta ang chinese kangkong nyo sa bakuran anini?

      di ka pala natutulog ng tanghali dati, ngayon alam ko na bat ako 5’8″ at ikaw? ano na nga height mo? nyahahaha! peace anini 🙂

      Setyembre 13, 2010 bandang 3:24 hapon

      • ang sama, pinamukha talagang maliit ako…
        eh! ano ngayon?..mas enjoy naman ako nung bata.

        wala na daw ang mga chinese kangkong… pero may alaga kaming bago..rabbit.. o ha!

        Setyembre 13, 2010 bandang 3:31 hapon

        • 😀

          Setyembre 13, 2010 bandang 3:37 hapon

        • para ka pa din namang bata ngayon anini. hehehe…
          waw rabbit! ung chinese kangkong baka pina-deport.

          Setyembre 13, 2010 bandang 4:33 hapon

          • oo pinadeport na kase kinakain lang sila ng mga pasaway naming basilan chicken..o ha! iba-iba sila ng lahi, alam mo yong chinese grass..tapos pag malalaki ang dahon yon naman ang ribbon grass, pati sila kinakain ng mga manok namin..kaya ayon kaaway ni lola ang mga manok..wahahaha

            tapos meron pa, meron din kaming apat na kalapati na bestfriend ng mga manok… pareho sila ng tangkal na tinutulugan..yong mga malalaki andun sa Cacao, na kinukunan namin ng tsokolate..hahaha, pinag-dugtong-dugtong ko na..ba’t kase nagkwento ng ganito..madaldal pa naman ako..

            sa susunod kwento ka ng pangunguha ng gagamba at magcocoment ako ng mas mahaba pa sa post mo..wahahaha..trip lang! wa pakels!..hahahaha

            Setyembre 17, 2010 bandang 4:40 hapon

          • susyal yung mga damo nyo ah, iba-ibang kulay ba yung ribbon grass? toink.
            samen kami naman ang kaaway ng lola ko. naalala ko pa, madalas kaming maglaro ng tagu-taguan tuwing magtatakipsilim, tapos kinabukasan galit na galit si lola. Kase madami sa mga tanim nya sa lata e nakabuwal at madaming bali-baling mga halaman. walang aamin samen, tapos pagagalitan nya mga mama namin. hahahaha!

            wala ko masyado kwento sa gagamba. ang naalala ko tuwing pagkatapos ng ulan ska kami nanghuhuli. tini-trace namin ung mga sapot sa mga dahon-dahon, mas matibay na sapot mas magandang lahi ng gagamba 😉

            Setyembre 17, 2010 bandang 11:43 hapon

  7. wow! nakaka relate po ako dito…sarap talaga ng dinengdeng…

    sowi po sa pakikisawsaw, masarap kasi ang hain ninyong tapa at mga samut-saring gulay…

    Setyembre 13, 2010 bandang 4:57 hapon

  8. salamat sa pagdaan at pakikitikim ng hain… 🙂

    Setyembre 13, 2010 bandang 5:19 hapon

  9. =)…

    Setyembre 13, 2010 bandang 5:29 hapon

    • uy musta na aj?

      Setyembre 13, 2010 bandang 9:14 hapon

      • ayoko manira nang mood pero…c aj ay sad,mula pa kahapon… =(

        Setyembre 14, 2010 bandang 3:26 hapon

        • nakita ko nga sa stat mo sa fb.
          uy, nasa cabanatuan pala ko sa huwebes.

          Setyembre 14, 2010 bandang 10:07 hapon

          • andaya mo!
            anu gawa mo dine saka saan dine sa cabanatuan!?
            ngayun lang ulit ako nadaan eh pasensya di ko napaghandaan tuloy
            wala kasi ko kahapon…

            Setyembre 16, 2010 bandang 6:05 hapon

          • di mo man lang kasi binigay contact # mo para na text mo ako,,para nalebre mo ako…amp.!

            Setyembre 16, 2010 bandang 6:13 hapon

  10. gusto ko ng takutan kapag gabi sa ganyang lugar.

    tapos may bonfire tapos sasabuyan ng asin. hohooho

    Setyembre 13, 2010 bandang 9:32 hapon

    • nyahahaha! ngayon ko lang nakita to. ang gabi naman ang pinaka-ayaw ko sa probinsya, ang dilim-dilim. pagdating ng alas otso kala mo alas-onse ng gabi, patulog na mga tao. nyahahaha!

      Setyembre 14, 2010 bandang 10:30 hapon

      • oo nga late ka na naiwan ka na ng bus.

        September 13, 2010
        at 9:32 pm

        September 14, 2010
        at 10:30 pm

        pero 1 day lang naman. (kwentado ko)

        yung sinasabi ko yung parang sa “are you afraid of the dark” naalala mo yung palabas na yon?

        ay walang night life sa probinsya?

        Setyembre 17, 2010 bandang 8:57 umaga

        • nyahaha! meron, night life with the kuligligs and alitaptaps 🙂

          minsan pag brownout, nagtitipon kaming magkakamag-anak. nakahati yan sa dalawa. ung isang grupo chismisan ng mga nanay. yung isa naman, kaming magpipinsan, madalas katatakutan na kwento. hehehe

          Setyembre 17, 2010 bandang 2:27 hapon

  11. Pareho pala tayo mga probensyano.. Pero sa totoo lng maganda tlaga ang probensya kasi fresh na fresh ang air na malalanghap natin at saka hindi magulo.. 😀

    Bsta okay lng nman ang probensya kaso naiibigan ko na din manirahan sa City… 😀

    Nakikiraan lng… Link Exchange tayo na add na nga pala kita Beeftapa… 😀

    Setyembre 13, 2010 bandang 9:35 hapon

    • salamat sa pagdaan frankie.
      masarap sa city kase accessible lahat, napaka-convenient, pero iba pa din ang atmosphere ng probinsya. mas pipiliin kong magpahinga sa duyan sa ilalim ng puno kesa magpalipas ng oras sa kwartong de-aircon 😉

      Setyembre 14, 2010 bandang 9:27 umaga

      • Add mo naman ako sa blogroll mo…. Para nman makita din nilang friend tayo… hahahaha… Kapal ng mukha… 😀

        Setyembre 16, 2010 bandang 8:16 hapon

  12. Hahaha. Saya ng kwentong ito… reminiscing the past… great post. diningding sarap talaga niyan….

    Setyembre 14, 2010 bandang 8:11 umaga

    • di pa ko nakakatikim ng diningding berl

      Setyembre 14, 2010 bandang 11:16 umaga

      • baka kasi lagi kang nakatingin sa dingding. hehehe. ganoon ba cge pagawa tayo… hehehe. beeftapa pabili naman ng diningding…

        Setyembre 17, 2010 bandang 9:07 umaga

  13. Green thumb din daw ang kapatid ko kaya napili nya ang kursong BS Agriculture, ako green minded lang. Mahilig din mag-alaga ng hayop si Mamita, kaya ako naging hayuf. Hindi masarap magluto si Mamita, mula noon hanggang ngayon. Hay ang sarap umuwi sa probinsya.

    Setyembre 14, 2010 bandang 12:30 hapon

    • tenk you ate salbehe,, napangiti mo ako sa comment mo…=]

      Setyembre 14, 2010 bandang 3:30 hapon

    • nyahahaha! pasaway ka tlga salbe.
      binasa mo ng buo? kung oo, napangite mo ko.

      ewan ko pero pag nakikita ko ung avatar mo naiisip ko si chacha, ung bata sa bulilit-bulilit na commercial. sya tuloy na-associate ko sayo.

      Setyembre 14, 2010 bandang 9:55 hapon

  14. miss ko na din si mama ko

    ako din naexperience ko yung matulog ng nagpapanggap, ang panakot sa amin may kumukuha daw ng bata sa daan kapag hindi natutulog ng tanghali ahahah

    masarap sa probinsiya lalo na ang simpleng buhay.

    Setyembre 14, 2010 bandang 6:28 hapon

  15. hahaha! pareho samen pong, “kumaw” ang tawag namin sa kumukuha ng bata, mga malalaking truck un. nyahahaha!

    Setyembre 14, 2010 bandang 9:57 hapon

  16. ang saya naman ng childhood mo, beef. gustong gusto ko sa probinsya. simpleng buhay lang. naalala ko nung grade 3 ata ako nagbakasyon ako sa isabela sa tita ko. nawili ako ng husto sa buhay dun. madaming bundok, palayan. natuto ako magpakain ng baboy, maglagay ng tubig sa banga at madami pang gawaing bahay. gusto ko ng ganung buhay lang. hay.. sana maranasan ko ulit yun ngayong malaki (ay maliit pa din pala ako.. hehe) na ko..

    mukhang ang sarap nga ng luto ng nanay mo. nagutom ako dun ah 🙂

    Setyembre 14, 2010 bandang 9:57 hapon

    • pag nagbakasyon ka ulit ate, try mo naman sa hindi developed na lugar. Last weekend nagpunta kami ng Tambobong Beach Dasol, Pangasinan. One-hour tricycle-ride, mula sa bayan, at eto pa, rough road! hahaha! probinsyang-probinsya, pero nag-enjoy ako ng sobra.

      Setyembre 15, 2010 bandang 11:09 umaga

      • hmm malapit na beef.. mararanasan ko ulit ang buhay probinsya…hmm maganda ba dun sa Tambobong Beachl? baka pumunta kasi ako Pangasinan sa sunod uwi ko…. super excited ako! 🙂

        Setyembre 16, 2010 bandang 9:40 umaga

        • simple lang ung lugar ate, tipikal na probinsya mas ok kung madami kayo since di nga developed ung lugar baka mainip ka. hehehe… ung header ko Tambobong Beach, saka maganda ung snake island.

          Setyembre 16, 2010 bandang 11:13 hapon

          • hindi ko napuntahan yung Tambobong beach, davin. mejo kulang sa oras. pero nagpasyal ako sa Bolinao. Ang ganda din ng beaches dun saka mga bukal. Ang daming seafoods 🙂

            sarap ng buhay probinsya. sobrang nag-enjoy ako dun 🙂

            Oktubre 11, 2010 bandang 9:50 hapon

          • andito ka sa Pinas ate Che??? hahahayyy… di ka nagpaparamdam ah.
            Nainggit naman ako sa seafoods.
            Enjoy your vacation! 🙂

            Oktubre 11, 2010 bandang 10:13 hapon

  17. hindi ako lumaki sa probinsya pero kahit papaano alam ko ang buhay doon.

    nung mga bata kasi kami kapag bakasyon dun kami nagstay sa probinsya. more than one month every year din yun.

    siguro pagdating ng panahon na hindi ko na kailangan magwork, masarap ang ganitong buhay. payak pero masaya.

    *daydreams*

    Setyembre 14, 2010 bandang 10:40 hapon

    • at pag nalowbat ka sa pakikipagsabayan sa bilis ng takbo ng buhay sa syudad, sa probinsya ka magrecharge. 🙂

      Setyembre 15, 2010 bandang 12:53 hapon

      • tapos pakabit ka ng internet hahaha

        Setyembre 15, 2010 bandang 1:43 hapon

        • tapos may zagu na melon, large with extra pearl!
          nyahahaha

          Setyembre 15, 2010 bandang 2:43 hapon

  18. 😀 adingko!

    Setyembre 15, 2010 bandang 10:52 umaga

    • manong! 🙂

      Setyembre 15, 2010 bandang 10:59 umaga

      • adu nalagip mo? 🙂

        Setyembre 15, 2010 bandang 11:16 umaga

        • sobra…
          adu ti pagpadaan ti biagta…
          aglalaok ti rikna: ragsak, ladingit, iliw…
          agyamanak kabsat… 😀

          Setyembre 16, 2010 bandang 11:21 hapon

          • T_T anong sinasabi nyong dalwa

            Setyembre 17, 2010 bandang 8:40 umaga

          • translation:
            TB (Taribong): adingko (kapatid kong nakakabata)
            BT (Beeftapa): manong (kapatid na nakatatanda)
            BT: adu nalagipmo? (marami kang naalala?)
            TB: sobra…
            adu ti pagpadaan ti biagta…
            aglalaok ti rikna: ragsak, ladingit, iliw…
            agyamanak kabsat… 😀
            (sobra…
            maraming pagkakatulad ang buhay natin…
            magkakahalo ang nararamdaman ko: tuwa, lungkot, pangungulila…
            maraming salamat, kapatid… :D)

            Setyembre 17, 2010 bandang 3:22 hapon

          • hahaha! talagang may translation manong ah. 🙂

            Setyembre 17, 2010 bandang 11:21 hapon

          • jason

            yehey… now i know. 😀

            galing may interpreter hohohohooo

            Setyembre 20, 2010 bandang 5:05 hapon

  19. joy

    pede po bang magbasa lang kc ndi ako blogger.. taga basa lang po…. kakatuwa kc mga blog nyo….

    Setyembre 15, 2010 bandang 5:52 hapon

    • syempre naman welcome na welcome ka! 🙂

      Setyembre 16, 2010 bandang 11:09 hapon

  20. Joyo

    ang sarap naman ng buhay na ganyan… uhmmm beeftapa pwede bang mamasyal jan? gusto ko makaexperience ng ganyan

    Setyembre 17, 2010 bandang 7:22 hapon

    • nakakalungkot lang Joyo, wala na yan ngayon e.

      Setyembre 17, 2010 bandang 11:24 hapon

  21. Add mo naman ako sa blogroll mo…. Para nman makita din nilang friend tayo… hahahaha… Kapal ng mukha… 😀

    Setyembre 17, 2010 bandang 9:16 hapon

  22. salamat kuya davin!

    Setyembre 18, 2010 bandang 2:57 hapon

  23. iba tlga ang probinsya lalo na kung saan ka tlaga ipinanganak at nagkaisip

    Setyembre 18, 2010 bandang 11:09 hapon

  24. ideaelectra

    hay, sarap talaga ng buhay sa province..hindi ko talaga ipapagpalit ang simpleng buhay sa probinsya sa kahit ilang million-worth lifestyle dito sa maynila

    Setyembre 20, 2010 bandang 8:52 umaga

    • ilang milyon? nyahahaha! sabay napaisip e no. hehehe…

      ang gusto kong bahay ung may balkonahe, tapos may duyan na malake. 🙂

      Setyembre 20, 2010 bandang 9:27 hapon

      • ideaelectra

        oo ayoko dito sa maynila kahit pa sa mansyon pa ako patirahin..ayoko ng polusyon at ingay dito… ay gusto ko din ang duyan na nakasabit sa puno ng mangga haha..

        Setyembre 21, 2010 bandang 7:55 hapon

  25. Ang sarap ng simpleng buhay walang masyadong worries … walang tatalo talaga sa buhay probinsya.

    Ngayon kase sobrang complicated na ng buhay kailangan mo sumabay sa pagbabago, sobra ang pagpapahalaga ng tao sa materyal na bagay.

    Nagutom naman ako sa mga food na nabanggit mo!

    Napadaan lang po 🙂

    Setyembre 25, 2010 bandang 7:03 umaga

    • hi ms. ana_banana. cute ng name. hehehe…
      salamat po sa pagbisita. nakikita kita dati sa site ni mami kaye. 🙂

      Setyembre 25, 2010 bandang 3:12 hapon

  26. Sphere

    Nawawala yung comment ko!!!

    Davin, ilabas mo yung sad face ko ilabas mo!!!

    Setyembre 27, 2010 bandang 1:48 hapon

  27. Magandang hapon, Davin. Unang dalaw ko dito. Salamat nga pala sa pag-like sa FB dun sa isang post ko.

    Nakatutuwa itong post mo na ito dahil maraming bagay na naka-relate ako. Siguro dahil ay mananatiling promdi at heart ako kahit saang bahagi man ako ng mundo dalhin ng mga paa ko. Ang sarap kaya sa probinsya, di ba?

    Oktubre 26, 2010 bandang 5:20 hapon

  28. hi, beeftapa.

    third time ko nang binasa ‘tong post na ‘to. ang ganda ng pagka-kwento mo…

    gumawa rin ako ng parang ganito, bakuran natin ang title. matay ko mang basahin e, di nakakaaliw gaya nitong Ganito Kami Noon.

    sana, minsan, gawa ka pa uli ng parang ganito, he,he…

    Enero 4, 2011 bandang 1:05 hapon

  29. hello, tapa.

    parang tapos na akong mag-backread dito, ahaha!

    gawa ka ng bagong posts para sulit ang subscription ko, hihi… 🙂

    have a fun week!

    Abril 18, 2011 bandang 7:09 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s