minsan malambot, minsan makunat…

Ligaya

Sept. 26, 1995

Naghahapunan kami nila Kuya, ate at bunso habang nanonood naman sila Tatay at Nanay (Lolo at Lola) ng TV nang biglang magtahulan ang mga aso namin. May bisitang dumating.

Galing ng Maynila si Kuya Anjo, pinsan namin sa side ni Papa. Pinapasundo daw kami ni Mama at miss na miss na daw kami. Matapos ang halos isang buwan nila Mama at Papa na magkasama sa Maynila, magkikita-kita na ulit kami.

Kinumusta ni Nanay ang kalagayan ni Mama. Mmaayos naman daw sabi ni Kuya Anjo. Natuwa kami sa narinig naming yun kaya lalo pa naging excited sa pagbyahe kinabukasan. Pero iba nman ang reaksyon ni Nanay, parang malungkot. Naisip ko baka nangungulila lang din sya sa anak nya.

Bi-byahe kami bukas. Kinakabahan ako. Naalala ko pa nung una kaming magbyahe nila Mama at bunso papuntang Maynila para magbakasyon. Palibhasa’s di sanay sa byahe,  halos bumaliktad ang sikmura ko at simutin lahat ng laman sa sobrang pagkahilo. Ipinagbalat ako ni Mama ng dalanghita, piniga-piga nya ang balat para lumabas ang amoy at inilapit sa ilong ko. Malaking tulong yun sa akin nakakabawas sa pagkahilo. Lima hanggang anim na oras na ganun ang tagpo sa bus. Bago pa makarating ng Maynila ay daig ko pa ang lantang gulay. Ganito na naman panigurado bukas, kaso nga lang wala si Mama na magtatalop ng dalanghita. Di bale, magkikita kita naman kami pagkatapos.

Sept. 27, 1995

Mga alas otso kami ng umaga lumuwas. Kaming magkakapatid,  kasama si Nanay at si Kuya Anjo.  Excited ang lahat,si ate nagbaon pa ng nilagang itlog baka daw kami gutumin sa byahe.  Nung una’y ayos pa naman ako. Sight-seeing sa mga bukiring nadadaanan. Pero sa bawat pagpreno ng bus ay sumasabay sapag-ikot ang sikmura ko. Unti-unting umikot ang paningin. Bumigat ang pakiramdam. Walang epekto ang bonamine. At inilabas ko lahat ng kinain. HIndi lang pala ko ang ganun, pati si Nanay, duet kami.

Pasado alas dos na nang makarating kami ng Maynila, at dahil sabik kaming makita si Mama, napagkasunduan na naming dumerecho sa Chinese General Hospital.

Halos isang buwan na din syang naka-confine doon mula nang ilipat sya ng ospital ni Papa mula sa probinsya. Kahit nung nasa ospital pa sya sa probinsya ay di namin sya nadalaw. Bawal daw ang bata sa ospital.

Maliit ang ospital sa probinsya at hindi matukoy ang sakit ni Mama, kung kayat mismong doktor na ang nagsabing mas makakabuti kung madadala si Mama sa Maynila para masuri ng mga espesyalista. Humingi ng tulong si Papa sa Mayor para sa ambulansya, pero sa kasamaang palad ay walang available nung araw na yun. Ayaw nang ipagpaliban pa ni Papa, ang paglipat ng ospital. Kaya minabuti na lang nyang bumili ng folding bed at magrenta ng jeep para madala agad si Mama sa Maynila. Hindi naging maganda ang unang tagpo sa ospital, palibahasa’y naka-tsinelas at nakapambahay lang si Papa,  hindi agad inasikaso. Isipin mo ang anim na oras na byahe at sa jeep pa. Awang-awa ako kay Papa nung kinukwento nya yun.

Narating namin ang ospital katirikan ng araw. Sinita kami ng guard na naka-duty, may kasungitan sya. “Hindi pa oras ng dalaw, alas tres pa.” Wala kaming nagawa kundi maghintay sa lilim ng maliit na puno sa may gilid. Parang countdown naming hinintay bawat segundong lumipas.  Ano ba naman ang ilan pang minutong ipaghihintay kumpara sa pinagdaanan namin sa halos anim na oras na  byahe at ilang linggong di pagkikita.  Ilang saglit na lang, nasa loob lang ng ospital na yun si Mama at hinihinaty kami.

Alas tres impunto, pinapasok naman kami ng wala nang tanong-tanong. Nauna sa paglalakad ang pinsan ko at si kuya, at bago pa man kami makarating sa kwarto papalabas na sila. “Nakauwi na daw sila Mama” salubong ni kuya na nakangite.  Lahat ng pagod, gutom  at kaba biglang nawala napalitan ng pananabik  sa narinig naming yun. Lahat nakangite. Nabuhayan  ng loob. Sabay sabay kaming naglakad papalabas  nang tanungin kami ulit ng guard. Nagtaka siguro na kakapasok lang namin ay palabas na agad.

“Sino bang  hinahanap  nyo?”…  “Si Ligaya S_______ po”…

“Ahhh wala na…  nakaburol na sa Tondo.”

Madaling araw ng araw na yun pumanaw si Mama.

Advertisements

52 responses

  1. Sphere

    So Sad 😦

    Setyembre 26, 2010 bandang 8:33 hapon

  2. aw! 😦

    Setyembre 27, 2010 bandang 7:35 umaga

  3. september 27, 2010 na ngayon. ibigsbhin death anniv ng mama mo. sad… pero alam mo bang nsa kamay na siya ng Panginoon kaya wag ka ng malungkot kasi kapiling na niya ang Panginoon.

    Setyembre 27, 2010 bandang 7:37 umaga

  4. WildCat

    Condolence 😦

    Ligaya din ang pangalan ng cousin na bestfriend ko. Madalas din siyang magsusuka sa tuwing susunduin mula sa probinsya, ‘di ko alam na pwede palang makatulong ang dalanghita.

    Setyembre 27, 2010 bandang 10:17 umaga

  5. Adingko, ammom no kasatno ti panang-iliwko kenni nanangko. Kasta met kenka. Adu ti banag nga kayatko nga ilimed, amin a nadagsen a karirikna. No mabalin, kayatko a lipaten. Ngem saanko mabalin a manglipat, ta iti sidong ti amin a liday ken panagladingit ket adda ti ragsak, panagkatawa ken panagballigi, ket madik a lipaten dagidiay.

    Agyamanak manen adingko. Maragsakanak, ket ammok a maragsakan ti nagannakmo pati ti intero a pamilyam, iti ayanmo tatta ken ti amin a mabalinmo pay a mapagteng. Sapay koma ta agtuloy a kasta. Ipagpannakkelko bilang gayyem ket kabsat. Dios ti agngina!

    Setyembre 27, 2010 bandang 11:39 umaga

  6. She is now with our Creator.

    Be blessed kuya davin.

    Setyembre 27, 2010 bandang 12:43 hapon

  7. aw beef naman eh…. 😦 eto yung topic na hindi ko ma ask sayo… buti nakwento mo dito..

    Setyembre 27, 2010 bandang 12:52 hapon

  8. awwww…sobrang nalungkot ako…

    alam kong kahit ilang taon pa ang bilangin, hindi maaalis ang lungkot sa puso at isipan mo lalo tuwing sasapit ang araw na ito.

    i just pray for the eternal repose of your mom…palagay ko’y alam mo ring masaya na siya sa kinalalagyan niya, kung saan hindi na siya mahihirapan o masasaktan.

    hugs, davin…

    Setyembre 27, 2010 bandang 3:08 hapon

  9. sad pala ito sorry naman lagi late si ate 😦

    hug ka ni ate pag uwi ko 😀

    Setyembre 27, 2010 bandang 4:31 hapon

  10. lababo

    Diyos ko daben, kala ko masayang kuwento. 😦 parang lumaki ang ulo ko nung binabasa yung last part. nakangiti na ako eh kasi magkikita na kayo. Tsk.
    my sincere condolences pare. kahit pa matagal nang ngyari yan. waaah anlungkot. T_T

    Setyembre 27, 2010 bandang 10:01 hapon

  11. that’s life. embrace it. all of it. laughter. pain. suffering. that’s we can fully enjoy it in the end. 🙂

    Setyembre 27, 2010 bandang 11:04 hapon

  12. that’s life. embrace it. all of it. laughter. pain. suffering. that’s how we can fully enjoy it in the end. 🙂

    Setyembre 27, 2010 bandang 11:04 hapon

    • Tama si Neil. twice niya pang sinabi, kaya totoo yan.

      Setyembre 28, 2010 bandang 9:50 umaga

  13. salamat sa lahat.
    matagal nang nangyari to, 15 taon na pero tuwing naaalala ko, kusa paring tumutulo luha ko. di ko mappigilan. nami-miss ko lang talga si Mama. nakita ko sya ulit nun pagkatapos ng ilang linggo may pagitan ng salamin. yun ang pinakamasakit saken.

    pero ok naman na kami ngayon. sa sabado, ika-53 nyang kaarawan, magsasalo-salo kaming pamilya sa bahay nila ate.

    mami kaye, manong tarbs, salamat sa mensahe, nakaka-comfort. anini, alam mo na yun.
    jason, lababoY, ate liz, pong, anne, jessica, berl, neil, pasensya na kung malungkot, salamat sa pakikiramay as in SALAMAT 🙂

    Setyembre 28, 2010 bandang 9:38 umaga

  14. Awwwww. Sige, alilain mo ako Mr. S. Maglilinis na ako ng CR nyo ng libre, isang araw lang ha, pero after non..may bayad na po.

    Mas nakilala kita sa posteng ito Mr. S.

    Setyembre 28, 2010 bandang 9:51 umaga

    • Tito J, salamat. salamat.

      Setyembre 28, 2010 bandang 9:42 hapon

  15. Wala akong masabi kundi 😦

    Setyembre 28, 2010 bandang 11:59 umaga

    • malungkot pero payapa na ngayon. mas masaya nga lang syempre kung nandito pa sana sya. 🙂

      Setyembre 28, 2010 bandang 9:38 hapon

  16. sadness pero what to do… just enjoy life sigurado ko happy and at peace na si mama mo… mas magiging masaya siya kapag nalaman niyang masaya ka… pray always beeftapa 😀

    Setyembre 28, 2010 bandang 7:30 hapon

  17. wala namang paghihiwalay na di malungkot…

    nakakalungkot na sa konting panahon na ipinagkait na makadalaw kayo ng mas maaga e masama pa ant
    kinahihinatnan!

    Setyembre 30, 2010 bandang 10:35 umaga

  18. hay, makapasennaay met kabsat…malagipko ket ngarud ti inak a pimmusay idi july 6… ‘bag kaniam ta naka-adjust kan… kadua, i-addka sadiay blog ko ?

    salamat…ken makipagladingitak metten.

    Setyembre 30, 2010 bandang 10:39 umaga

  19. 😦 taeng post to…

    sobra akong nalungkot…

    you really have to value every single moment na kasma mo yung mga mahal mo sa buhay…

    Oktubre 3, 2010 bandang 6:02 hapon

  20. Kuya Beef.. (cozy) hahugg muna kita sa heart ko..

    naalala ko na naman si Nanay at si Tatay.. naiiyak ako kahit simulan ko lang post para sa kanila.. di ko pa kaya ganitong post Kuya..bumabaha na agad mata ko sa unang letra.. 21years na yun.. pero ang hirap pa rin pala..

    Oktubre 4, 2010 bandang 12:38 hapon

    • oo leemi, sa tuwing may nagtatanong kung anong nangyari ganyan ang kwento ko. at lagi silang nag-ssorry kase nakikita nila na naluluha talaga ko. at di ko ata matututunan pigilan un kahit lumipas pa siguro ang madaming taon.

      Oktubre 5, 2010 bandang 2:15 hapon

  21. shea

    hug kita tapa…

    Oktubre 5, 2010 bandang 4:20 hapon

  22. Napakamakabagbag-damdamin naman po nito. Parang ‘yung kanta lang na Masaya at ang lyrics ay “ako’y malungkot na naman.” Kala ko nung una e related sa Eheads. Hehe…
    Ganyan din po Mama ko, kapag napagkukuwentuhan nilang magkakapatid ang nanay nila, kahit nakakatawa na yung kuwento, naiiyak sila.
    Ang galing din palang mag-Ilocano ni Sir Tari, hindi ko naarok ang lalim. Mababaw lang alam ko. Ngem naawatak met uray kasano.
    Naimbag nga aldaw kenka!

    Oktubre 6, 2010 bandang 12:56 hapon

    • ang sarap alalahanin nung mga masasayang alaala kasama sya, pero sa dulo mapapabuntong hininga ka….
      ilocano ka din! hahaha! syak met ilocano, balet hindi masyado dun sa malalalim na sao 😉

      Oktubre 6, 2010 bandang 2:13 hapon

      • Ganyan din po sinasabi ni Mama sa amin. Kaya mejo nakakarelate ako kahit hindi halata. hehe… Kasi iniisip ko pa lang din na mawawala ang nanay ko, naiiyak na ako, how much more kung magkatotoo.
        Ammok lang agsurat ken agsao nu dadduma. Pero pag balitaktakan na, wala na. Ilocano po lahi namin, pero Tagalog na din nakalakhan namin. Swerte nga po at marunong pa ako, yung mga batang pinsan ko hindi na.

        Oktubre 6, 2010 bandang 2:34 hapon

  23. Ayun naman pala ang silbi ng dalanghita! Haha. Yun yung green na orange (prutas) diba? Naimagine ko mahirap syang pigain. Saka maasim sa kamay. Arte, much?

    Sa Chinese General Hospital ako pinanganak. Wala lang gusto ko lang sabihin.

    Teka kung ano ano pa sinabi ko sa taas hindi ko naman namalayan ang ending. Pasensya na. At condolence. 😦

    Oktubre 6, 2010 bandang 5:30 hapon

  24. super late ko na itong nabasa,by this time,siguradong hindi mo pa rin makakalimutan ang mama mo.nasa puso mo sya at hayaan mong gabayan ka ng magagandang ala-ala nya tol.

    Oktubre 6, 2010 bandang 7:06 hapon

    • yup, malaking parte ng pagiging ako ay dahil sa kanya 🙂

      Oktubre 10, 2010 bandang 7:58 hapon

  25. hello po… pwed p bng mkipag link exchange sa nyo? kung ok lng.. slmat

    Oktubre 9, 2010 bandang 12:58 umaga

  26. wag kang magalala malamang maligaya na si Ligaya ngayon.

    Oktubre 9, 2010 bandang 3:31 hapon

    • salamat roomboy 🙂

      Oktubre 11, 2010 bandang 10:48 hapon

  27. TapaKing! Boom boom boom!

    Oktubre 11, 2010 bandang 11:25 umaga

  28. nalungkot ako dito. seryoso.
    :cyberhug: kuya beef.

    tapos ewan ko ba, parang ang solido pa ng pagkakabitaw ng salita ni manong guard. di man idahan-dahan.
    sakit nun.

    Oktubre 13, 2010 bandang 3:49 hapon

    • salamat eloi…

      wala ngang preno yung guard, napaka-casual ng sagot na parang nagtatanong lang kami ng direksyon.

      Oktubre 13, 2010 bandang 5:42 hapon

  29. taeng post to….
    kuya davin,pinaluha mo naman ako…
    bigla ko tuloy naalala si tatay
    oct. 8 naman ang death anniversary nya…
    kakalungkot hano!? pero ika nga dat’s life una una lang…pero siguro kung si nanay ko man ang na una hindi ko alam ang patutunguhan nang buhay ko ngayun…naniniwala kasi ako na mas mahirap pag ang ilaw nang tahanan ang nawala…
    tama ba ako!?
    kakainis ka aman hindi ko pinapansin ung notice sa email ko kasi LIGAYA ang taytol,tapos ganito pala…

    Oktubre 13, 2010 bandang 3:53 hapon

    • aw. sorry Aj.
      hmmm… mahirap basta kulang ng isang magulang.

      Oktubre 13, 2010 bandang 5:43 hapon

  30. kuhracha

    ngayon ko lang nabasa… dahil ngayon lang ko dumalaw ulet dito… alam mo na…

    na-sad ako. ayoko ng ganitong kwento kasi naaalala ko papa ko.

    hugs na lang. walang malisya. pramis!

    Oktubre 16, 2010 bandang 8:08 hapon

    • thanks Kuh… bati na ha 😀

      Oktubre 16, 2010 bandang 11:57 hapon

  31. Len

    wag kang ma sad, i know so sad talaga, peru masaya naman na sya kung nasan man siya now.

    God Bless.. 🙂

    Oktubre 17, 2010 bandang 10:30 hapon

  32. beef beef?

    Oktubre 18, 2010 bandang 9:51 umaga

  33. napadaan lang.
    wala pa ring bagong poste…

    Oktubre 22, 2010 bandang 1:34 hapon

  34. ay kalungkot

    Oktubre 23, 2010 bandang 12:14 hapon

  35. sad nman pero alam ntin na nasa mgandang lugar n po sya..^_^

    Oktubre 23, 2010 bandang 12:15 hapon

  36. ang sad nmn ng kwento.. hayzzz.. sad ako ngyun kaya ayaw ko ng sad moment..hehhehe

    Oktubre 27, 2010 bandang 12:52 hapon

  37. lei

    ayun na eh! ayun na! tapos… huhuhuhuhuh

    Disyembre 1, 2010 bandang 12:53 hapon

  38. ninay

    naiyak ako dito, promise. ang saket. 😦

    Oktubre 29, 2011 bandang 4:27 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s