minsan malambot, minsan makunat…

Unang Akyat (Mt. Makulot)

Last Saturday, sa wakas ay natuloy din pangarap kong totoong pamumundok. Hindi ko nga lang inasahan na ganun pala kahirap dahil ang sabi nung kasama naming hiker ay pang-beginners.
Inakyat namin kasama ng ilang kaibigan, bagong kaibigan at isang hiker ang Mt. Makulot sa bayan ng Cuenca, Batangas. Nagsimula ang akyat-proper mga alas otso ng gabi at wala pang sampung minuto ay nakakarinig na ko sa mga kasama namin na nagtatanong kung malayo pa. Napapangite na lang ako. Makaraan ang ilan pang minuto ay isa na ko sa nagtatanong kung malayo pa ba. Pakiramdam ko kase ay halos isang oras na kaming naglalakad paakyat ng bundok yun pala kinse minutos pa lang daw! Huminto saglit ang guide. Ang akala ko ay para hintayin yung mga nahuhuli sa paglalakad. Hindi pala, san dali lang daw at may tumatawid na ahas! Akalain mong di pa kami lubusang nakakapasok sa talagang masukal na gubat ay may check point na agad. Ambagal nyang tumawid pramis. Nagmamadali kaming maglakad nung makalagpas sa trail yung ahas. Mula nung sandaling yun ay mas naging alerto ako. Ginamit ko na ang sarili kong flashlight para liwanagan lahat ng hahakbangan ko na nung umpisa’y inaasa ko lang sa flashlight ng kasama ko.

Ilang falls at bundok na din ang napuntahan ko at isa ko sa mga nauunang maglakad. Pero ngayon pa lang yung totoong mountain climbing. May trail naman kaya hindi ka mahihirapang sundan ang guide kahit pa napakabilis nya. Bago pa kami umabot sa first stop over ay ramdam ko na ang pagod. Backpack na puno ng damit at pagkain at may nakasabit pang  isang litro ng tubig, Flashlight at apat na litrong tubig sa kanan, at tent nman sa kaliwa.  Ang laking pagkakamali ko na isang 4L na tubig ang binili ko para sa amin ni gf.  Mas maiging tig-iisang litro or 1.5 litrto na lang sana para naisiksik sa mga bag namin. Ang hirap umakyat ng paa lang ang ginagamit at pang-balanse lang ang kamay imbes na pang hatak sana sa katawan. Halos mabasag na yung dala kong galon ng tubig kakahampas tuwing aakyat sa matarik na trail. Ganun din yung tent, halos mapunit na yung case. Umabot naman sa lagpas kalahati bago ako tuluyang sumuko sa mga bitbit ko. Nakiusap ako sa isa kong kasama na sa kanya muna yung tent.Kahit ilang stop over kami at ilang minuto din ang mga pahinga, halos sumuko din ang mga binti ko. Hindi ko na halos maihakbang, parang naninigas na at hindi ko makontrol paangat. Yun ang unang pagkakataon na narasan ko yun. Akala ko hindi ko na kakayanin pang umakyat ng mas mataas at matarik pa. Habang tumataas kami ng tumataas ay patarik ng patarik ang daan at wala na ang mga batong pwedeng pakunan ng bwelo, puro lupa na lang kaya mas matinding kapit at pwersa sa binti at paa.

Nang malapit na kami sa tuktok at huling stop over na para magpahinga, tanaw na tanaw na ang bayan at mga syudad sa Batangas, parang christmas lights! Kaya mas nagkaron ng lakas para sa huling leg ng akyat. Pinauna na ko ng guide sa pag akyat sa natitirang ilang metro pero mas matarik pa. Dalawang beses akong nadulas at dumausdus  pababa. Walang makapitan dahil puro talahib na lang ang nandun at mamasa masang lupa. Natakot kaming lahat dahil nasa mataas na bahagi na kami, kaya nagpasya silang umikot sa kabila para i-check kung mas ok ang daan sa kabila. Mas malayo at mas matalahhib perro mas ok ang daan dun. Habang ako naman ay pinilit na lang umakyat dahil mas mahirap bumababa sa kinalalagyan ko nun.

Nakarating kami sa tuktok mga pass 10Pm na, naliligo sa sariling pawis, madungis at puro putik.  Nag-set up agad ng tent para makapagbihis at makapagpahinga sandali bago magluto ng hapunan. Pagkatapos kumain ay konting inuman at bonding pa kasama ng barkada at mga bagong kaibigan hanggang ala-una ng madaling araw at kinabukasan na kami nakapaglibot.

Nakakapagod at nakakatakot na pag-akyat pero eto ang mga tanawin mula sa tuktok ng Mt. Makulot at katabi nitong bundok na kung tawagin ay Rockies.

Sunrise in Mt. Makulot (Medyo makulimlim...)

Mt. Makulot Summit

To Rockies from Camp Site

Rock Climbing in Rockies

 

On Top of Rockies

Aerial shot? Parang Turtle yung Island 😀

Kunwari di ako natatakot...

Advertisements

58 responses

  1. daya. sana ng nasa pinas ako saka nag ayaan kahit sabihin na lang kay secret na kaibigan ako ng isang kakilala mo hahaha.

    Nobyembre 11, 2010 bandang 4:27 hapon

    • hahaha! gumaganyan ka pa, e kung inaya mo kami sa batangas nung andito ka e di nagcamping sana tayo. pero ikaw magluluto ha. 😀

      Nobyembre 12, 2010 bandang 10:26 umaga

  2. base base base woah una si ate anini

    :))

    Nobyembre 11, 2010 bandang 4:40 hapon

    • sorry poor-sightedness ako po. sorry..

      ate etchosera ko pala ang base..

      (takbo…)

      Nobyembre 11, 2010 bandang 4:52 hapon

      • walang sori sori…hmmm

        Nobyembre 11, 2010 bandang 5:15 hapon

      • hahaha! ang layo nman ng avatar nila jason. color-blind ba ang daga? 😉

        Nobyembre 12, 2010 bandang 10:28 umaga

        • lababo

          palaging nagkakamali ang mga tao kay aninipotpot at etchos ano? pansin ko lang

          Nobyembre 12, 2010 bandang 1:46 hapon

          • di naman palagi, si Bunso lang ang nagkamali 😆

            Bunso tse nyahaha 😆

            Nobyembre 21, 2010 bandang 3:37 hapon

    • ako base???..wahahaha, ang layo naman jason.

      Nobyembre 12, 2010 bandang 2:21 hapon

  3. hehehe. great post beeftapa.

    Nobyembre 11, 2010 bandang 4:43 hapon

    • hehehe din…

      Nobyembre 12, 2010 bandang 10:29 umaga

      • nakulangan ka ba sa comment ko. hhehehe.. eto na ang totoo. isa sa mga pangarap ang mamundok. gusto ko nalang din nga na nasa bundok ako. mamuhay ng simple. nakakasawa na kasi dito sa manila feeling ko plastic na ang karamihan sa kanila. kung baga may ilan na kakaibiganin ka para lang mapakinabangan ka. gamitan ika nga nila. swerte mo kasi may mga kaibigan kang nandyan sa tabi mo.

        Nobyembre 12, 2010 bandang 11:02 umaga

        • aw, biglang nagdrama. tsk… mukhang masama loob mo ah.

          Nobyembre 12, 2010 bandang 2:50 hapon

  4. nakakainggit. minsan sama ko. kahit sa back pack lang ako pweede ko

    Nobyembre 11, 2010 bandang 5:01 hapon

    • adik ka ba? e mabigat ka pa ata saken pano ka magkakasya sa bag ko. backpack lang un! siguro isang binti mo lang kasya dun.

      Nobyembre 12, 2010 bandang 10:29 umaga

  5. lababo

    pang beginner daw ang Maculot? e yan yung inakyat ng tropa ko na umaakyat talaga eh. Wahaha. Yung tubig mo, tama yun. Kulang pa nga eh. Wag mo isipin na mabigat kasi mas mahirap mauhaw. Yung isang litro nga isang laklak ko lang eh.
    Edi kayo na ang hiker! Taal lang naakyat ko, at ayoko na. Parang mahuhulog lahat ng parte ng katawan ko pag tumitingin sa baba.

    Nobyembre 11, 2010 bandang 7:50 hapon

    • hahaha! loko yung guide namin, hindi ba pang-beginner? kaya pala parang napasubo kami… Yung tubig tama lang, kinulang pa nga, ginamit pa kaseng pangsaing. pero mas napadali lang sana nag buhay ko kung tig 1-2 litters lng ang bote para naisiksik sa bag. 🙂

      Nobyembre 12, 2010 bandang 10:31 umaga

  6. kaya yan tinawag na pang-beginner kasi mababa lang ang elevation, minor climb pa nga para sa mga climber ang 1500 m asl, hindi sinusukat sa tarik yan sa taas at tagal ng oras na i-coconsume sa pag-akyat.

    at kung seryosohan ang pag-akyat, walang climber ang magsisimula sa pag-akyat ng alas siyete ng gabi..hahahaha

    Nobyembre 12, 2010 bandang 4:15 hapon

  7. oo na, alam mo namang di ako kokontra, ikaw na ang batang gubat/bundok. teritoryo mo yan e. hehehe…

    ehem, 8PM kami nag-start, ibig bang sabihin nun seroyoso kami? hahaha

    Nobyembre 12, 2010 bandang 4:41 hapon

  8. Wawaweeeeeeee! Ang ganda-ganda naman dyan!!!!! Haaay, ako kaya kelan makakatapak ang mga paa ko sa Mt. Maculot? Talaga bang gabi dapat ang pag-akyat? Yung trail ba yung tipong mga nasa edge na ng bangin? haha! Sorry ha, kung marami akong tanong. Baka lang sakali at magawi ako dyan sa Batangas 🙂 Pero kung sasabihin mo sa akin na may mga trail na halos nasa edge na, di ko na siya pupuntahan, takot ako sa open space na nasa edge eh hehehe. As in hindi ko na maihahakbang ang tuhod ko. Pero kung yung trail ay nasa gitna lang ng medyo malapad na lupa, kahit paakyat pa siya ay okay lang. Pero yung puwesto mo dyan sa huling picture, hinding-hinding-hindi yan kakayanin ng powers ko ever hehehe

    Maraming salamat sa pag-share mo nito, Davin.

    Nobyembre 12, 2010 bandang 6:02 hapon

    • ang ganda nga ng view sa taas Ms. N! Di ko alam kung bat gabi, sinabi ko na din kase dati na hapon na lang pero sila ang nasunod. hehehe… Dun sa trail paakyat ng campsite may mga part na sa edge ka maglalakad pero di naman yung matarik na matarik, tipong gugulong-gulong ka naman at masasabit sabit pag nalaglag. Pero yung sa rockies, ayun open space talaga 😀

      Nobyembre 13, 2010 bandang 12:08 umaga

      • ay, hindi na pala talaga ako pupuwede dyan…kasi di pa ako handang magpagulung-gulong lalo na’t brittle na bones ko hehehe

        Nobyembre 18, 2010 bandang 2:07 hapon

  9. astig yung nasa rurok ng tuktok ng bundok…

    yun lang parang mga nagtatago sa batas yung nasa pciture joke. 😀

    Nobyembre 12, 2010 bandang 9:35 hapon

    • hahaha! buti pala hindi orange ung kulay ng suot ko. hehehe… salamat makeso-cake! 🙂

      Nobyembre 13, 2010 bandang 12:09 umaga

  10. Ay nmiss ko bigla ang bundok. Ang sarap umakyat sa bundok, nkkpgod pero pg narating mo ung summit, sulit talaga ang efforts sa ganda ng view at syempre sa sense of accomplishments.

    Ang ganda nman ng view jan, davin. At talagang di mo pinakita ang mukha mo ah. Hehe. Natawa nman ako dun sa ngttanong kayo kung mlapit na. Haha. Gnyan din kasi kmi nun. Panay check nmin ng elevation kung anong height na. Tpos madidismaya kami pg konti lang tinaas namin after ng sandamakmak na pawis na nailabas namin. Ang saya ng adventure mo. At hmmm kasama pala si gf. Ahihi. Mas lalong masaya:)

    Nobyembre 13, 2010 bandang 8:57 umaga

    • hahaha! nakakailang minuto pa lang kami nun, tanung na ng tanung kung malapit na. sagot nman ng guide lagi malayo pa, mas ok daw yung ganung sagot kase daw pag sinabi nyang malapit na, mas madami pa lalong tanong ung malapit na. ahahaha!

      Nobyembre 13, 2010 bandang 11:29 hapon

  11. wow na wow ang adventure mo kuya davin
    kaya pala di ka agad nakapag update
    kasi umakyat ka sa matatarik at matatayog na bundok at mga bato..
    wow na wow

    bakit nakatakip ang mga faces niyo? sayang naman

    ang ganda talaga! ako mt.arayat pa lang naakyat ko

    Nobyembre 13, 2010 bandang 2:23 hapon

    • wag mo na pansinin yung takip sa mukha pong, yung view na lang. ahehehehe… ang ganda nga sa taas lalo na sa rockies…. panigurado, masusundan pa tong akyat na to. 🙂

      Nobyembre 13, 2010 bandang 11:31 hapon

  12. kuhracha

    nagcomment ako dito last week pa. san kaya napunta?

    bueno, masarap na mahirap maghike. uulitin mo pa ba?

    Nobyembre 15, 2010 bandang 3:15 hapon

    • kuhracha

      ayun… sinagot mo na pala sa taas. wahahaha.

      Nobyembre 15, 2010 bandang 3:16 hapon

    • aw! ni-check ko na sa spam, wala… maling lang. toink.

      oo naman, uulitin ko pa. hahaha! tapos pag nagsimula na ang akyat saka sasabihin na namang ayawan na. hahaha! pag nasa taas na kase at ramdam mo na ang malamig na hangin, nawawala lahat ng pagod e, tapos ang ganda pa ng view. 🙂

      Nobyembre 16, 2010 bandang 11:06 umaga

  13. hindi ako mahilig sa bundok… sa mataas at malawak na lugar… to be exact… ahahaha!!!

    kaya hindi ako naiinggit… wehehehe…

    kala mu ah?…

    Nobyembre 16, 2010 bandang 11:10 umaga

    • Wahaha! Adik ka Yvarro, bitter ba? 🙂

      Nobyembre 16, 2010 bandang 9:48 hapon

      • bitter?… akoh?!!! bitter?!!! pweh!! hindi ah?!!!

        Nobyembre 17, 2010 bandang 10:54 hapon

  14. Bakit umakyat lang kayo ng bundok, nabura na ang mukha nyo? Nakakatakot.

    Urong kUli..urong

    Nobyembre 16, 2010 bandang 2:52 hapon

    • Ahahaha! Putik lang yan Tito J, nakuha sa pag-akyat. hahaha!

      Nobyembre 16, 2010 bandang 9:50 hapon

  15. Bakit mausok? May nagsasaing?

    Nobyembre 16, 2010 bandang 2:56 hapon

    • May barbecue party sa paanan ng bundok Tito J.

      Nobyembre 16, 2010 bandang 9:53 hapon

  16. Malapit na?

    Ganun talaga ano? Ako noong nagsimulang magtrekking mahilig ding magtanong ng ganyan… Hehehe…

    Sa pagkakaalam ko, ang classification ng trek ay according sa difficulty ng trail – kasama na rito ang gradient ng bundok at ang kanyang taas… Mas mataas kasi, mas mahirap. Slope is most of the time directly proportional sa height ng mountain… The higher the mountain, the thinner the oxygen, kaya mahirap huminga… 🙂

    May mga bundok na kahit mababa ay mahirap ang trails kasi walang vegetation or 70-90 degrees na ang slope. So pwedeng di rin pang beginner…

    I am glad that you enjoyed your first climb… Okay lang yung 8PM… Mas komportable magtrek sa gabi. And mas grandiose yung maexperience yung sunrise sa bundok…

    Nice views… Ain’t God great? 🙂

    Nobyembre 16, 2010 bandang 10:58 hapon

    • Salamat sa muling pagbisita Kuya! 🙂

      Nobyembre 17, 2010 bandang 1:25 hapon

      • ang haba ng comment sau tpos ang sagot mo un lang 😆

        Nobyembre 21, 2010 bandang 3:36 hapon

      • hahaha! talagang naninita? ang totoo nyan, di ako makarelpy nung time na yan. kaya kesa iwanan kong walang sagot, nagpasalamat na lang ako sa muling pagdalaw ni kuya mark. 😀

        @kuya Mark, sobrang nag-enjoy kami sa akyat na yun. May mga part man na sobrang matarik at nakakatakot, naka-akyat at nakababa naman kami ng ligtas at nagtatawanan. Ang isa pang bagay na kinatutuwa ko sa experience na yun ay yung mga hikers na naabutan namin sa camp site at mga nakasalubong namin nung pababa, lahat sila ay bumabati ng “Good morning Sir/Ma’am” ng nakangite. Ang sarap lang sa pakiramdam na hindi kayo magkakakilala pero pero nnagbibigay sila ng matatamis na ngite. 😀

        Nobyembre 22, 2010 bandang 9:45 umaga

  17. shea

    hindi ka nag training bago ka umakyat? o nag 10 laps lang na jogging para masanay ang binti mo sa pag akyat?

    wow ang ganda diyan..

    ako nakapag training.. nakapg jogging.. ready na ako umakyat ng MT. MAKILING… tapos… tapos.. FAILED..

    bawal daw umakyat, dahil may namatay lang isang linggo bago kami umakyat.. wakekek yun talaga.

    ang ganda ng view..

    Nobyembre 19, 2010 bandang 12:00 umaga

    • wala ng warm-up shea, derecho akyat kami. hahaha! kaya siguro nahirapan din kami, nabigla ang mga maskels.
      sinasara din pala pag may namamatay? Sa Mt. Makulot naman, may nagsuicide din daw na hiker.

      Nobyembre 22, 2010 bandang 11:45 umaga

  18. tinutubuan na ng damo ang bakuran mo..hahaha

    Nobyembre 22, 2010 bandang 2:47 hapon

  19. Hi! Davin, dumaan lang para mangumusta.

    Nobyembre 22, 2010 bandang 7:06 hapon

  20. YOU GAVE ME AN IDEA kung saan ako ulit mamasyal. pero kelangan ko ng kasama, nakakainggit ka! 😉

    Nobyembre 29, 2010 bandang 9:57 umaga

  21. na try mo na ba yung susong dalaga?

    pico de loro?

    sierra madre?

    literal,masarap mamundok. natutuwa ako sa bago mong libangan.

    Disyembre 13, 2010 bandang 9:55 hapon

  22. Ay gaganda ng mga pictures! Halos maamoy ko na ang sariwang hangin at dahon ng mga damo at kahoy.

    Disyembre 14, 2010 bandang 10:47 umaga

  23. Jag

    Wow! Fascinating pictures! Especially the aerial shot! Hilig ko din kasi ang umakyat…NOON hehehe…Merry xmas!

    Disyembre 22, 2010 bandang 7:08 hapon

  24. oi! next time sama naman ako! hehe..

    Disyembre 23, 2010 bandang 1:43 hapon

  25. 2011 na Davin. Anong plano?

    Sige na nga, Happy New Year. 🙂

    Enero 3, 2011 bandang 5:22 hapon

  26. 2011 na Davin, isang taon na lang, wala lungs.

    anong plano?

    Inihaw, hapi nu yir 🙂

    Enero 3, 2011 bandang 5:23 hapon

  27. wow nakakainggit 😦

    Enero 5, 2011 bandang 9:35 hapon

  28. giobb

    ganda nman ng turtle island! Parang Pirates of the Caribbean!

    Enero 9, 2011 bandang 9:37 umaga

  29. hello, tapa. sulat ka uli ng post… 🙂

    alam mo bang oct. last year, nakita ko naitong post mong ito. late aug ako nag-start mag-blog. after writing the draft of kuluong post, naghahanap ako ng pics for it, i came across this mt. makulot pics nyo. yon.

    tapos, yong post ko palang sabado ng kamusmusan, ang unang pic attached do’n ay pic ng cuenca forest. o,di ba? yon lang.

    musta? 🙂

    Agosto 16, 2011 bandang 10:05 hapon

  30. WP

    Wow perstaym ko pala dito at ang lakas ng loob mong umupo dun sa bangin hah! Hi Davin 🙂

    Nobyembre 11, 2011 bandang 3:47 umaga

  31. ejie peji

    pwede ba magluto sa kahoy sa summit ah>??

    Abril 4, 2012 bandang 10:10 umaga

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s