minsan malambot, minsan makunat…

makunat na ang tapa… isang taon na!

A:  Uy, mag-iisang taon na pala blog mo! Anong balak mo? Manghihingi ka ba ng pic greeting?Coffee painting na lng    saken. Hahaha!
B:  Toink! Hindi ako manghihingi. Sige, gawan mo ko ng coffe painting. Yung gravatar ko ha. Ahahaha! Tignan naten. Hehehe…

at tinotoo nga po nya…

Ang totoo nyan, yung coffee painting talaga ang original, ginaya ko lang ang pose 😀

Isang taon na nga mula nang gumawa ako ng account ko sa dito sa wordpress. Target ko nung umpisa at least isang post kada Linggo. Natupad ko un nung mga unang buwan ng pagbblog. Sa pagiging active ko sa bloggging noon, madami akong nakilala. Naging mga kakulitan sa ym at idinagdag sa FB. May mga nakilala ng personal at naging kaibigan.

Sa grupo ng mga bloggers na nakasama ko sa inuman nang sinabit ako ng “pinsan” kong blogger (lima sila kaya medyo napipi ako nun at humihingi ako ng paumanhin kung di ako nagpakilala  agad ng maayos), sa nanong bantay ni Lapu-lapu, sa mga nakasama kong kumain ng alimango’t tempura sa seaside nung birthday ko— si pinsang blogger slash legal adviser na hindi pa din nabibigay ang librong pa-birthday daw nya, sa ate-atehan kong hindi ako pinasalubungan ng camel na walang goiter sa batok (sya din ang taga-bura ng mga mukha sa tuwing magpopost ako ng mga pics), si mojacko na nagpa-pizza nung birthday nya at laging ipinamamalita na payat na sya, at sa butiking kuripot na malakas palang kumain at magaling sa photoshop— sa diwatang madaldal na hindi nagpapatalo na sinamahan akong mamili ng pastel, durian, marang at magosteen na pasalubong at sa mga kwento nyang halos buntong-hininga lang ang pagitan. Maraming maraming salamat.

Hindi ko man napangatawanan ang regular na pag-uupdate ng blog, regular pa din akong bumibisita sa mga bahay ninyo. Nagsimula ako bilang blog-reader/hopper, kaya siguro mas madalas pa akong pakalat-kalat sa bahay ng iba kesa gumawa ng sariling post ( o excuse lang daw sa katamaran ko gaya ng ibinibintang saken ng diwatang gala? ahahaha! ) Basta sa lahat ng mga nakasalamuha ko  at sa mga mapapadaan pa sa blog-hay na to maraming-maraming salamat, ganun din sa mga inaakyat-bahay ko nang di nila nalalaman. Salamat sa inspirasyong hatid ninyo sa akin. Hindi ko na kayo mababanggit isa-isa, itatag ko na lang sa fb. 🙂

Madami pa sana kong gustong makilala sa personal na blogger kaso likas na yata saken ang pagiging ilag sa mga bagong kakilala…  Panawagan pala sa mga uuwi dyan ngayong taon, pasalubungan nyo ko at siguradong kahit sa airport pa lang ay pupuntahan ko na agad kayo. hehehe…

*** Espesyal na pasasalamat sa gumawa ng coffee painting version ng gravatar ko. Galing-galing naman.  Salamat 🙂

Advertisements

58 responses

  1. Happy anib sa blog mo, davin!!
    Isa ito sa mga binibisita ko lagi. Fan ba. Hehe.
    Ako bukas anib ng blog ko. Mgkasunod pla tayo:)

    Enero 13, 2011 sa 2:31 hapon

    • wow naman ate che! nauna ka pa. hehehe… salamat salamat! sa kasal nyo ni manong ha. hehehe…

      Happy blogsarry din! 🙂

      Enero 13, 2011 sa 5:14 hapon

  2. liz

    ay naka isang taon ka na pala hehehe. congrats! Hapi anniv sa bahay mo. akalain mo un isang taon na pala mula ng magkakilala tayo hahaha.

    Enero 13, 2011 sa 2:39 hapon

    • uu ate liz. isang taon na mula nang maligaw ako sa bahay mo at nangulit. 🙂

      Enero 13, 2011 sa 5:15 hapon

  3. kuya davin hapi blog anib sa iyo!
    ang galing naman ni waling anini 😄

    ikaw pala yung pinsan ni kuya _________s.

    madami pang makukunat na beef tapa ang maihahandog mo sa mga bloggers
    magsipag ng magupdate yun nah! hahahaha

    Enero 13, 2011 sa 2:41 hapon

    • salamat pong! mali yung ibang balitang nakarating sayo. hehehe…
      pasalubong ha pag-uwi mo.

      Enero 13, 2011 sa 5:16 hapon

  4. Napa-smile na lang ako ng ganito kalaki.

    ^______________________^

    Enero 13, 2011 sa 2:47 hapon

    • ang lake ah! ahahaha! 😀

      Enero 13, 2011 sa 5:17 hapon

  5. kayedee

    hapi blogsari tapa!! hnd mabati ng personal sa ym kc nagtatago ako pansamantala kaya d2 aq sa blogosphere pagala gala ahahaa..
    xge my pasalubong ka basta sb mo sasalubong ka sa airport ha! ehehe

    ang galing galing nman ng painting :))
    hapi blogsari uli!!
    more post to come 🙂

    Enero 13, 2011 sa 2:53 hapon

    • malapit lang ang office namin sa airport keydi kaya walang problema. yun nga lang magttaxi tayo palabas. hahaha

      Enero 13, 2011 sa 5:19 hapon

  6. hindi ko pa binabasa natuwa lang ako sa coffee paint haha. astig! 🙂

    more posts to come 🙂

    Enero 13, 2011 sa 3:00 hapon

    • salamat sa nagpadala ng painting. hehehe 🙂

      Enero 13, 2011 sa 5:19 hapon

  7. hi davin.. hahaha… happy aniv. oo nga medyo di ka nakakaposte. salamat sa inspirasyon.. kaya natin to…

    Enero 13, 2011 sa 3:01 hapon

    • salamat berl sa consistent na pagdalaw! 🙂

      Enero 13, 2011 sa 5:20 hapon

      • weh di nga… consistent ka dyan? hahaha peace tayo davin…

        Enero 14, 2011 sa 2:33 hapon

  8. ang galing naman ng nagiisang diwatang kilala kong gumagawa ng coffee painting na tulad nung nasa taas na siya naman talagang gumawa nung painting na yun.

    whew! haba.

    congrats at happy blogoversary. oo, tanda ko pa noong wala ka pang kuta at padalaw dalaw ka pa lang sa mga blogsite. paiba iba pa nga ng pangalan e. haha!

    bakit saken di ka nagpakita? oo nga pala, dapat pala di ako nagcomment dito kasi me tampo pa ko sayo!!! hmp!

    haha! o sha, sa susunod na pagkikita kelangan present ka na kasi malayo pa lang makikilala na kitang sigurado. =)

    Enero 13, 2011 sa 3:10 hapon

    • MAMI KAYE!!!!
      hahaha! dumalaw ka na ulit. napangite mo ko 🙂
      bat may tampo???

      Enero 13, 2011 sa 5:22 hapon

  9. wow di nga, 1 year ka na? weh?

    hohohoh

    happy blog anniversary! huwaw

    ganda naman ng gawa ni ate anini ko 🙂

    Enero 13, 2011 sa 3:27 hapon

    • hahaha! siguro kung ang bibilangin e mga buwan na may post ako, wala pa kong isang taon. wahahaha! asan na yung fried siopao ko?

      Enero 13, 2011 sa 5:23 hapon

  10. Ok Ani, mas mahal mo si Tapang Makunat kesa kay Jakuling Makunat. Ewan ko lang 🙂

    Kaya pala lagi akong nanakawan ng brip, ikaw ang nagnanakaw non sa bahay ko, Tapang Makunat.

    Sige na nga. Happy birthday

    Enero 13, 2011 sa 4:14 hapon

    • pag nagawa ko ba ang request mo mawala na yang tampororot mo kuya?..hahahaha, ang hirap ng pinapagawa mo ha.

      Enero 13, 2011 sa 4:18 hapon

    • Hahaha! loko loko ka talaga TIto J.
      Salamat, alam mo nmang isa ka sa mga nirerespeto ko sa blogosphere.

      Enero 13, 2011 sa 5:24 hapon

      • Parang napipilitan lang yong respeto factor oh.

        @Ani, oo, mawawala na ang tampororot ko.

        Enero 14, 2011 sa 10:46 umaga

  11. 🙂

    Enero 13, 2011 sa 5:22 hapon

    • 🙂 🙂 🙂
      salamat anini…

      Enero 13, 2011 sa 5:25 hapon

  12. len

    happy annivblogsary! :)) God Bless!

    Enero 13, 2011 sa 5:35 hapon

    • hi Len!
      Salamat! kumusta na? Uwi ka din ba this summer? 🙂

      Enero 19, 2011 sa 3:06 hapon

  13. happy anniversary, beeftapa! 🙂

    ganda ng rendition sa ‘yo ni anini…

    nakailang balik rin ako dito. buklat-buklat ako ng mga luma… nag-reklamo?:s

    glad na nag-post ka na ng bago. :]

    Enero 13, 2011 sa 5:52 hapon

    • Salamat po. Buti nga po tinoyo sya at naisipan akong igawa 🙂
      Pasensya na po bihira talaga ko makapag-update, sabi ko nga sa taas, mas madalas pa kong pakalat-kalat kesa tumigil dito. hehehe

      Enero 19, 2011 sa 3:08 hapon

  14. congrats beef. congrats tapa. 😀

    Enero 13, 2011 sa 6:33 hapon

    • salamat makeso!
      mag-iingat ka kay jason.

      Enero 19, 2011 sa 3:08 hapon

  15. congrats tol beef. sana kapag umabot to ng 10 years…maka 50 post ka man lang.hahaha!!!!

    tagay para sa isa pa ulit taon ng blogging mo!~

    Enero 13, 2011 sa 6:48 hapon

    • ahahaha! aabot naman yan ng singkwenta. napabilang tuloy ako ung ilan ba nagawa ko nung 2010, lumampas naman sa sampu. not bad. hehehe

      tagay duks! 🙂

      Enero 19, 2011 sa 3:10 hapon

  16. happy blog anniversary po… 😀

    katuwa mga descriptions,,,nyahaha swak na swak sa kanila..hoho

    more post pa!!!! 😀

    Enero 13, 2011 sa 8:02 hapon

    • swak ba? nyahahaha!
      salamat sa pagdaan arnie…

      Enero 19, 2011 sa 3:11 hapon

  17. lababo

    Syempre binura ko yung pagka-tag ko sa fb, pero salamat sa pagtag. Hehe.

    Happy birthday s blagszs mhoewh pfoe3whsz. Naalala ko dati nga pakomment comment ka lang. Hahaha tas biglang may blog na, ayaw naman magpakilala na siya pala yung nagcocomment dati. haha

    Enero 13, 2011 sa 9:28 hapon

    • ay ang totoo hindi ko nakalimutang anonymous ka, kaya tinag kita. hahaha!

      salamat!

      Enero 19, 2011 sa 3:14 hapon

      • lababo

        langya ka

        Enero 25, 2011 sa 2:02 hapon

  18. happy blogsari kuya beefy!
    isang taon na pala, ang bilis lang ano, pareho kau ni anini, hindi nanghihingi ng picgreeting 😀

    Enero 13, 2011 sa 10:32 hapon

    • salamat lee mi!
      kumusta ang buhay sa isla? hehehe

      Enero 19, 2011 sa 3:14 hapon

  19. EssaPayoyo

    ang galing! Susunod SUNOG NA ITLOG naman for your second year! Tas MAALAT NA SINANGAG 🙂

    Congrats! Nawa’y sipagin ka pa din asikasuhin ang iyong bloghay 🙂

    Enero 14, 2011 sa 7:57 hapon

    • salamat sa pagbisita essa! dalawa! tatlo!
      galing na ko sa bahay mo 🙂

      Enero 19, 2011 sa 3:15 hapon

  20. shea

    congrats and happy blogsari!

    Enero 15, 2011 sa 4:09 hapon

    • salamat shea… nabasa ko ang post mo tungkol sa HARI mo 😉

      Enero 19, 2011 sa 3:16 hapon

  21. hey davin! congrats sa iyong unang anibersaryo sa blogosperyo! sana magtagal ka pa para naman makadalaw ka pa rin sa kanya-kanyang kuta ng mga kaibigan mo.

    tsaka oks lang na bihira magsulat ng post. tignan mo ko? ganun talaga yun! ang importante, once in a while nakakabahagi ka pa rin ng kuwento mo sa madlang pipol bilang patunay na ikaw ay humihinga’t buhay pa sa iyong mahiwagang kuta.

    tsaka, ayaw mo nun, namimiss ka ng iba paminsan-minsan?

    congrats ulit! sana sa susunod na EB makadalo ka na, at kung nasa Maynila ka na. hehehe

    Enero 15, 2011 sa 6:07 hapon

    • salamat kuya bong!
      kasama kayo ni mami kaye sa mga gusto kong ma-meet sa personal 🙂
      natutuwa talaga sa inyo at xmpre sa mga cute na cute na cute na piglets.

      Enero 19, 2011 sa 3:19 hapon

  22. myfilthyroom

    ayos to ah! happy blogsari po. napadaan lang at nakimeryanda na din ng tapa. 🙂

    Enero 17, 2011 sa 4:47 hapon

    • salamat sa pagbisita myfilthyroom!
      ok lang makimeryenda, eat all you can dito, bawal lang tmagtake out. hehehe

      Enero 19, 2011 sa 3:21 hapon

  23. huli na naman ako… pero babati pa rin ako sa ayaw mo at sa gusto! happy blog anibersaryo! kelan ba kami makakatikim ng beef tapa? hahaha!

    Enero 26, 2011 sa 4:54 hapon

  24. OWkei! HapPy AnNivErsAry sA iYo .. pAp a TaPa.. 😀
    PakaIn ka NamaN,,,

    as in..

    iKaw..

    MagPapaKain kAh ..Njajajaj!!! 😀

    Enero 29, 2011 sa 5:36 umaga

  25. happy anniversary beef! bohahahahahah

    Pebrero 8, 2011 sa 12:34 hapon

  26. Hi Davin!

    Dumaan lang para kumustahin ka…at batiin ng advance happy Valentine’s day 🙂

    Pebrero 8, 2011 sa 2:02 hapon

  27. wow isang taon na! libre naman dyan engineer!
    hakhak!
    *ubo* *ubo* *ubo*
    yiheee! ate anini! hakhak!

    Pebrero 10, 2011 sa 12:22 hapon

  28. yiN

    davin asan ka na tol??? ginagaya mo na ako eh.. mabuhay sa isang taon pare, grabe ano, apat na raang araw na din hehehe.

    Pebrero 21, 2011 sa 4:19 hapon

  29. happy blog aniv sau. khit late sa pag greet. hehehe 🙂

    Marso 1, 2011 sa 12:52 hapon

  30. makunat na nga!
    😄

    Marso 2, 2011 sa 7:35 hapon

  31. Tao po! Tao po! 🙂

    Marso 9, 2011 sa 4:30 hapon

    • magandang araw Ms. N!
      Ayan nakabalik na po ako 🙂

      Marso 10, 2011 sa 4:41 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s