minsan malambot, minsan makunat…

bangkang may tagas

Madalas masarap ang umayon na lang sa agos ng tubig. Kapag napapagod na sa pagsagwan, hayaan itong dalhin ka kung saan man. Namnamin ang bawat sandali ng kapayapaan. Sana lang laging smooth-sailing.

Pero alam naman nating hindi lahat ng parte ng ilog ay malalim, madaming parteng mabato at malakas ang agos. Patuloy ang ilog sa pag-agos kahit pa mapa-idlip ka sa parteng mapayapa.


Hindi maiiwasang makasalubong ang malalaking bato na susubok pataubin ang bangka mo… ang bangka ninyo.

Sa mga pagkakataong nalagpasan nyo ito, hindi ba ang sarap sa pakiramdam na nakaraos kayo ng magkawak-kamay? sabi nga nila, what doesnt kill makes you stronger. lahat ng pagsubok na matagumpay na nalagpasan ay nagdadagdag ng kulay at tibay sa buhay. Ganun sana…
Masarap sana kung handa din ang kasama mong sumagwan upang labanan ang pwersa ng tubig, tumulong upang mabalanse ang lahat nang hindi tuluyang mapataob basta-basta. Pero pano kung sa tuwing makakasalubong na ang rapids, ay napapakapit na lang sya sa bangka? susukatin ang dami ng tubig na pumapasok? bibilangin ang butas kung saan sumisirit ang tubig? hayyyy… mahirap sumagwan mag-isa, pero mas mahirap kung pareho kayong sumasagwan sa magkaibang direksyon. walang malinaw na patutunguhan.

Pagkatapos ng unos, isang mapayapang araw. Malalim na tubig.Oras ulit upang mamahinga.ilapag ang sagwan, at muling namnamin ang kapayapan. O oras na upang iwan bangkang binutas na ng pagsubok upang di na tuluyang masira’t malubog sa susunod na paglusong?

Advertisements

31 responses

  1. ang lungkot ng tono tapa… pero umaasa ng pagbabago.

    naicompare ko sa situation ko, pero nakikita kung masyadong malayo ang kulay ng sakin.. kase sakin simula pa lang alam ko na saan ang pwedeng hantungan..nagdagdag lang ako ng kulay sa memorya pero mas magaan dalhin.

    sabi nga nya masyado na daw founded ang pagbuo ko sa sarili ko.. wala man sya di ako magiging kulang.. πŸ™‚ masaya pero may lungkot syempre.

    pero ok lang.. sanay din akong mamangka ng nag-iisa… sa dulo meron at meron parin akong pwedeng kasama pag dumaong na.

    Marso 10, 2011 sa 4:54 hapon

    • oks na anini, basta hindi nawawalan ng pag-asa, magagawan pa ng paraan. salamat!

      Marso 22, 2011 sa 12:23 umaga

  2. hello, tapa. πŸ˜€

    ano at nag-white water rafting ka na e, waxing philosophical ka pa, bok? masarap mag-rafting, wala nang pa-emo pa, hi, hi… masarap tamaan ng tubig at maitumba ang bangka. basta may magpi-fish out sa ‘yo, sakaling hindi ka makalangoy, hehe…

    hwag mong palungkutin si anini. kuyang-kuya ka raw nya, e. alam mo namang artist yong nene na ‘yon, madaling malungkot. minsan naman, naglulungkut-lungkotan, hwehe.. hi, anini. gusto ko ang recent post mong about self-determination, haha πŸ˜€

    hindi ko pa kilala ‘tong si kuya tapa mo pero, sure akong di sya malungkot habang nakikipag-commune sa nature. peace, manong tapa. πŸ˜€

    Marso 10, 2011 sa 5:27 hapon

    • ngayon lang ako nakapagreply miss susan, hindi pa kase ok ang sitwasyon nung nakaraan, pero ngayon ok na. hehehe… ang sarap po ng rafting. nasa cdo si anini pero di pa yan nakapagrafting. titilapon sya kahit sa maliliit na rapids lang.

      Marso 22, 2011 sa 12:23 umaga

      • di sya titilapon, kakapit sya sa ‘yo, ahaha! at dalawa na kayo ngayong ihahagis sa mapuputing alon… sana, marunong lumangoy si ani dahil… πŸ™‚

        Abril 28, 2011 sa 9:24 hapon

  3. kuhracha

    masayang experience yun cdo mo di ba. eh baket ang seryoso ng post? magpapakasal ka na noh. hahaha.

    Marso 11, 2011 sa 9:06 hapon

    • ahahaha! ganun ba yun kuh? nagiging seryoso pag ikakasal na?

      Marso 22, 2011 sa 12:16 umaga

  4. haller..ummm mukhang emoness???
    anyway mukhang nag enjoy k naman sa rafting nu..
    teka gusto ko sanang subukan yan kaso mukhang skeri lol..

    nga pala mas masarap mamangkang may kasama,,para naman masaya,,,:P

    Marso 13, 2011 sa 7:08 hapon

    • masaya talaga yung adventure unni, may nangyari lang na di maganda after nung vacation. hehehe… pero ok na ngayon.

      try mo magrafting, ang saya pramis. hehehe

      Marso 22, 2011 sa 12:16 umaga

  5. Gusto ko yung huling paragraph. Time to make a change, moving forward and equipping again!

    Marso 14, 2011 sa 8:07 hapon

    • nandun pa din yung hope kahit hindi ganun kaganda ang sitwasyon.

      Marso 22, 2011 sa 12:13 umaga

  6. Parang masaya naman yong water rafting pero bakit parang may nais kang ipakiusap at ipaunawa?

    Natatakot ka bang sumagwan na mag-isa o mas natatakot ka na pareho kayong sumasagwan pero magkaiba ng direksiyon.

    πŸ™‚

    Marso 16, 2011 sa 1:01 hapon

    • hello Tito J! Masaya nga po, may nangyari lang na di maganda nung araw na ginagawa ko yung post. pero oks na po ngayon πŸ™‚

      Marso 22, 2011 sa 12:09 umaga

  7. Wow! Saan to davin? Pangarap ko din mg water rafting, gusto ko itry. Saya nman ng bago mong adventure:)

    Marso 16, 2011 sa 1:09 hapon

    • hi ate che! sa cdo po yan. masarap nga po magrafting, ang saya, pramis. dapat nga kesa nag-camiguin at zipline sa bukidnon, inulit-ulit na lang namin ang rafting e. ganun kasarap. hehehe

      Marso 22, 2011 sa 12:07 umaga

      • Wag nang iinggit ka pa ha.:)

        Marso 24, 2011 sa 6:29 hapon

      • stefania

        parang adik lang ah, gustong magpaulit-ulit. >:D walang kapaguran?

        Mayo 14, 2011 sa 3:33 hapon

  8. huwaw tapa huwaw huwaw huwaw talaga!

    Marso 17, 2011 sa 10:47 umaga

  9. oh noes tumaob!

    Marso 17, 2011 sa 11:25 umaga

    • na-out of balance jason, may mabigat sa likod. teka, hindi ka naman namin kasama di ba?

      Marso 22, 2011 sa 12:02 umaga

  10. ang gandang adventure nito… napadaan lang po.

    Marso 20, 2011 sa 11:07 hapon

    • salamat po sa pagbisita πŸ™‚

      Marso 22, 2011 sa 12:02 umaga

  11. myfilthyroom

    grabe yung tubig, kulay kape (with coffe-mate) πŸ˜€

    Marso 21, 2011 sa 4:46 hapon

    • myfilthyroom

      *coffee-mate pala.. haha

      Marso 21, 2011 sa 4:49 hapon

      • ahahaha! kinorek mo pa talaga, natawa ko dun ah. hehehe…

        Marso 22, 2011 sa 12:01 umaga

  12. paano ser if kung pagkatapos ng pagtumba, sunod sunod pa din pagtumba at walang pagbangon? paano na maiaapply? Unfair?

    Marso 23, 2011 sa 8:40 hapon

    • tsk tsk… iba na yan pre. wag mong antayin na pareho kayong malunod.

      Marso 24, 2011 sa 9:44 umaga

  13. kuha ka ng ibang bangka…

    hanap ka ng isang taong magiging kasundo mo sa pagsagwan…

    minsan simple lang ang pag decide sa ganyang bagay.. pero pinapakumplikado lang ng mga “sentimental values” …

    pero hindi kita masisisi.. kung maging sentimental – that is the best thing about being human…

    nice post boss tapa!!! meron akong bagong bahay.. dun muna ako pansamantagal.. dalaw ka.. πŸ˜€

    Marso 27, 2011 sa 2:04 hapon

  14. liz

    ganda ng mensahe. sana lahat ng tao ganyan ang pananaw lalo na pag may mga pagsubok…

    Abril 4, 2011 sa 2:13 hapon

  15. stefania

    “ahoo!ahoo!” yan yung isinisigaw pagkatapos harapin ang mga malulufet na rapids ng cdo river. nakakamiss. masaya. nakakapagod. kakaiba ang satisfaction pagkatapos. pero..ewan ko ba. bakit nung sinuong ko yang ilog na yan eh may hindi rin magandang pangyayari ang naganap sakin? haha. baka cursed yung ilog! o baka ako yung cursed?! joke. newei..nagpaparamdam lang ulit sayo tapa. natuwa at nalungkot ako sa sinulat mo kasi nakarelate ako. pak. (sensya na..ngayon ko lang nabasa eh.kaya late reation nanaman ako!hehe.)

    Mayo 14, 2011 sa 3:41 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s