minsan malambot, minsan makunat…

sulat para kay bespren

Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Walang mali sa ginawa mo. Gusto mong maging malinaw ang lahat. Nagkataon lang na magkaiba kayo ng paraan ng pagresolba ng di pagkakaintindihan. Hindi din nman ako sang-ayon sa paraan nya. Hindi uubra na lagi na lang kinakalimutan ang mga di pagkakasundo nang hindi nacclear lahat ng issues ng dalawang panig.
Wag mong kaawaan ang sarili mo sa mga nangyayari.  Ginawa mo ang bagay na sa tingen mo ay makakapagpatahimik sa loob mo. Iba ang naging reaksyon nya, sya ang may problema.
Aware ako sa mga naging kasalanan mo sa kanya. Alam kong hindi ka naging faithful sa kanya at nang mahuli ka ay wala kang ginawa para ipagtanggol ang sarili mo. Tinanggap mo lahat ng pang-aalipusta nya sa pagkatao mo. Hinayaan mo syang ilabas lahat ng galit nya at tinanggap mo lang lahat ng yun. Nang hiningi nya sayong sabihin mo sa kanya ang lahat ng nangyari, ibinigay mo sa paniniwalang wala kang karapatang tumanggi kahit na pakiramdam mo nun ay tinatanggalan mo ng dignidad ang sarili mo. Bawat salitang binitawan mo nun ay parang hampas sa pagkatao mo. Pero hinayaan mo lang para lang mapakita ang sinsiredad mo sa paghingi ng tawad. Sapat na ang pagdurusa mong yun. Hindi na nya pwedeng isumbat sayo yun. Lalot matagal nang nangyari ang kataksilan at nito lang nya natuklasan. Matagal na panahon mo nang itinago yun sa sarili mo at pinilit kalimutan, nga lamang ay nabuko ka pa din. Ginawa mo ang lahat upang maging malinaw sa kanya ang lahat. Inamin mo ang pagkakamali mo at humingi kang tawad. Sapat na yun mula sa yo. Tinanggap ka nyang muli, hindi ko lang alam kung napatawad ka talaga nya. Kase malake at masakit talaga ang nagawa mong pagkakamali.
Ngayon na ikaw naman ang humihingi ng paliwanag mula sa kanya, sa kanyang mga ginagawang pagsisinungaling. Ayaw nyang pag-usapan at pilit kalimutan na lang daw. Nagkasala ka sa kanya, sabihin na din nating madumi ka, pero hindi ibig sabihin nun wala ka nang karapatang malaman ang katotohanan. Karapatan mo yun. Nung sya ang humingi ng linaw sa mga pagkakamali nun, ibinigay mo yun, kahit pa mapahiya ka sa sarili mo sa bawat pagrecall mo sa mga ginawa mo. Ngayon na ikaw ang humihingi ng paliwanag, hindi naman makatwiran na isumbat nya sayo ang pagkakamaling yun.  Dahil nagtatanong ka pa lang at humihingi ka ng linaw. Ano bang ayaw nyang pag-usapan dun? Mas maige ngang maging malinaw ang lahat nang walang naiiwang sama ng loob.  Pero sabi mo nga, ganyan ang paraan nya ng pagresolba ng mga bagay bagay, ang huwag na lang pag-usapan at kalimutan.  Hindi ako naniniwala sa gantong paraan.  Katulad ng tubig sa aquarium,  kaylangang linisin, hindi uubrang antayin lang tumining sa ilalim ang dumi dahil pag dumating ang araw na ito ay maalog, muling lulutang ang mga duming pansamantalang nanahan sa ilalim, muling lalabo ang tubig.

Alam mo namang nandito lang ako lagi, itagay naten yan 🙂

***updated 4/12/2011  Would like to share this conversation (sms) from an offline commenter. Medyo mahaba nga lang.

Monday, April 11, 2011

[Toks] 8:11 PM Wag asahang pareho ang treatment sa 2 incidents. Nung ngkasala si A, wlang gnagawang masama si B. Pero pinatawad, inunawa^t inintindi ni B. Ngkasala si B, may history si A. A is not completely absolved from fault. A cannot impose on B 2 do the same. It^s 4 A 2 undrstand B if A wants to save their love.

[tapa] 8:15 PM But A still deserves explanation lalo nat may kinalaman sa tiwala. Ang nagawang kasalanan ni A ay labas sa panibagong issue of trust.

[tapa] 8:34 PM Manong, may kulang sa kwento. Hindi s walang kasalanan si B, mas malalla nga lng ung naging kasalanan ni A. Madaming kasinungalingan si B, kahit bago pa magkasala si A. ang gustong malinawan ni A ay ang patuloy na pagsisinungaling ni B.

[Toks] 8:36 PM W8 lng ha. Meeting pako hehe

[Toks] 9:00 PM Trust is earned parekoy. It is not something owed. Neither can it be imposed. The relationship is doomed to fail if a partner is hounded by doubts. Most of all, sometimes the truth hurts. Balik ulit meeting hehe. Balikan kita ulit

[tapa] 9:06 PM Pano kung madaming beses nang nahuling nagsinungaling? Hindi ba kaylangan nang pag usapan. Ilatag lahat ng baraha nang maging malinaw?

[Toks] 9:16 PM Ano na tawag sa equipment used to separate elements/substances in a colloidal suspension? Yung pinapaikot-ikot yung test tube at maalog yung laman?

[Toks] 10:06 PM Lies beget lies parekoy. Anong goal ni A? Mas masakit lang na malaman ang extent ng kasinungalingan. Masyadong mahirap ibalik ang tiwala kapag nagkalamat na. True love na lang talaga para mabalik yun.

[tapa] 10:09 PM Mas masakit pero mas madaling magtimbang ng bagay bagay pagkatapos.

[Toks] 10:24 PM For what? Para ma-appease ang ego? Na tama ang hinala? And that it^s right to leave B just in case? Let B have her face intact. Wag ng overkill. Kasi if A truly loves B, A would have to take B as a whole, past,present and future, otherwise, it will eventually fail.

[tapa] 10:28 PM Kahiit ibig sabihin nun pauilit ulit na kasinungalingan pa ang mangyayari? Mahirap magtiwala at magbigay ng pang unawa sa taong kayang kaya kang pagsinungalingan ng nakatitig sa mata mo.

[Toks] 10:32 PM Kaya nga. Kung wala na ang tiwala, tapusin na. Kung mahal talaga, tuloy pero buong tanggapin, walang sisihan. Kung may duda parati, mahina ang pundasyon, guguho yon, di magtatagal.

[tapa] 11:02 PM Ang stand ko tapusin na. Pero parang ayaw pa ni A bumitiw. Hinihintay nya pa si B na gumawa ng paraan. Nghihintay sya ng paliwanag ni B. pero sabi ko nga mahirap intindihin ang taong ayaw magsalita at sinusumbat lng ang mga dating pagkakamali ni A. Gusto ni B instant, na parang walang nangyari.

[Toks] 11:38 PM Unless mahal pa rin ni B si A, hindi niya yun gagawin. It^s time for A to move on. Magkakasiraan lang sila lalo kapag ipilit pa. They can start anew but they need to bury the past, if not- the past will haunt them.

Tuesday, April 12, 2011

[Toks] 12:18 AM Sabihin na lang nating naglaro sina A at B. Natalo ni B si A. Gusto ni A talunin si B pero ayaw nang maglaro ni B. Kailangan nang maghanap ng ibang kalaro si A. Pero higit sa lahat, mas mainam isiping nag-enjoy pareho sina A at B sa paglalaro. Na sa mga susunod na laro, mas mag-eenjoy pa sila, maski sila man ay magkakampi o magkatunggali o maski na iba na ang kalaro nila. Hangad ko ang panalo nila pareho. Sport lang. :d

[tapa] 5:38 AM Magkaiba tlaga tayo ng stand pagdating sa kung kaylangan pang iclear ang mga bagay bago magsimula ult(o tapusin). Hehehe… Anyways, mas katanggap tanggap sa tingen ko ung huling txt mo. Masakit lng tlga pag turn mo na e saka nman ubos na pala ang oras, time is up, at ayaw na mag extend ng kalaro mo. Un siguro ang kulang ni A. Nakalimutan nyang tanungin si B kung game pa ito for another round. Pano kung hinihintay lng pala ni B na maubos ang oras para matapos n ang laro. Masaklap pero wala nmang choice kundi tanggapin. Awts… Magandang umaga manong! Nagtatae ako. Hahaha

[Toks] 6:37 AM Emo-dium haha. Pwedeng i-contest ni A ang pagkapanalo ni B, pero ang kabutihan non? Last few minutes na ng laro. Pag nafoul si B, si A may free throws. B first watches from the sidelines, but when A throws the ball, B can block it, and A may not make the shot to score. If A still manages to score, the game will be extended, but the records remain that B was fouled at the dying minutes. And if the foul made was B^s 6th, then B is out of the game! Game over!!!

Advertisements

11 responses

  1. lababo

    Base!

    Minsan naman umuubra yung wag na lang pag usapan. Pag kasi nalaman mo na, habambuhay mo nang dadalhin yun at hindi na maaalis ang bahid o lamat na iyon sa pagkatao niya.
    Pero depende rin siguro sa tao.
    Kamusta na ang bag mo? Pasensya na talaga dun ah. Sa uulitin.

    Abril 11, 2011 bandang 5:03 hapon

  2. sphere

    kahit ilang kasalanan pa yan basta hindi ka umaabot sa sukdulan kaya kita ng patawarin pero pag sumakto ka na sa banga wala ng usap usap yan at wag mong sabihin sakin ang ‘lahat ng hindi magandang ngyari nagagamot ng panahon” hindi uso sakin ang katagang yan. ako ang taong pag nawala na ang amor ko sau wala ng balikan yan at ilang beses ko ng napatunayan yan.

    kung walang koneksyon ang comment ko sa post mong ito sadyang wala lang akong masabing matino xD

    Abril 11, 2011 bandang 6:39 hapon

  3. kuhracha

    sabihin mo saken lahat, pipilitin kong unawain yan. ako pa. =)

    seryoso much. i-kampai nyo na lang yan!

    Abril 11, 2011 bandang 11:35 hapon

  4. bluemoon

    do what u thnk is true to ur heart :))

    Abril 12, 2011 bandang 11:57 umaga

  5. agree!!! mas mabuti ang mga kasalanang pinalalagpas na lang at hindi na pinag-uusapan.. 😀

    in the first weeks, may tumatakbo pa kaseng teleserye sa utak ng bespren mo.. 😀 kung anung isasagot sa gento sa genyan.. 😀

    mas mabuting palipasin muna ung panahon.. para walang halong yamot at emosyon…

    ito si yvarro.. nagsasabing hindi hawak ng mga bitwin ang ating kapalaran.. meron tayung free will…

    gamitin natin ito. heks!

    Abril 12, 2011 bandang 11:21 hapon

  6. ang haba hahaha anyway tama naman ung mga points dito..

    Abril 19, 2011 bandang 1:27 hapon

  7. myfilthyroom

    napa-whoa ako sa haba ng conversation.. ahaha.. 😀

    Abril 19, 2011 bandang 4:23 hapon

  8. ang haba… later ako magbabasa mukhang kailangan ng matinding concentration to e

    Abril 21, 2011 bandang 11:37 umaga

  9. whoooo!ang haba nang paliwanagan at conversation pati dun sa palitan ng mensahe sa sms. pero tama lahat halos yung mga point ng bawat isa.

    marupok lagi ang relasyon na nakatayo sa pundasyon ng patong patong na pagkakamali at pagpapatawad ng hindi lumilimot ng tuluyan.

    Mayo 14, 2011 bandang 10:57 hapon

  10. Katulad ng tubig sa aquarium, kaylangang linisin, hindi uubrang antayin lang tumining sa ilalim ang dumi dahil pag dumating ang araw na ito ay maalog, muling lulutang ang mga duming pansamantalang nanahan sa ilalim, muling lalabo ang tubig.

    – like.

    Ang tagal ko palang hindi nadalaw dito.

    🙂

    Mayo 16, 2011 bandang 12:39 hapon

  11. hello, tapa!

    antagal ng bagong post dine, pambihira! busy kaya ang maybahay? 🙂

    ei, tapa, dapat sa lablyp ka busy kaya wala kang new post, ha? all other excuses, indi pwede, haha!

    nak ng… mga bagong grids ang pinagkakaabalahan? weh, di nga?… 🙂

    Mayo 31, 2011 bandang 7:39 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s