minsan malambot, minsan makunat…

Parang si Tapa yun ah… Nagbabalik?

Kumusta na dito blogsphere? Mundong minsang inikutan din ng buhay ko. Halos isang taon mula nung huli kong buksan ang blog ko. Nakakaligaw na… Medyo nag-iba na ang layout ng dashboard. Haha! Hindi man ako naging aktibo sa pagsusulat, paminsan-minsay nagagawa ko pa ding dumalaw sa blog ng ilan. Buti’t may facebook din ako bilang Beeftapa at kahit papano’y nakakabalita pa sa mga bloggers na naging kaibigan ko na. Ilan na din sa kanila ang nakasama ko sa mga EB at out of town adventures.

Nakakamiss din magsulat. Nakakatakot nga lang din bumalik baka wala na kong abutan… Pero syempre, kung gugustuhin kong makabalik at muling sumabay sa paglalakbay ng mga bloggers, dapat umpisahan ko na. Konting tulak para muling gumulong ang blog ko.

Madami nang nagbago sa normal na takbo ng buhay ko,  kasama na ang pagiging “almost always idle employee”. Kaya nawalan din talaga ko ng oras. Ang dating naghahanap magagawa para mabilis lumipas ang oras ay naging abala sa paghahanap ng oras upang mapagkasya ang mga kaylangang tapusin. Oo, naging busy ako sa trabaho. Hindi nga din ako makapaniwala. Ahahaha! Pero hindi ko naman hinayaan na mawalan ako ng oras para sa personal kong kaligayahan, ang magbyahe. Tulad ng nabanggit ko kanina, isang grupo ng bloggers na personal ko nang naging kaibigan ang nakasama ko sa lakwatsa sa Ilocos at Bohol, bukod pa syempre sa mga byaheng barkada at pamilya ko naman ang kasama. Dalawang byahe din ang hindi natuloy sa mga plano ko nung nakaraang taon.  Unang beses ko sana makikita yung taga Davao. At yung isa naman na taga-CDO, na medyo ilang beses ko na naka-bonding. Sana matuloy ngayong taon.

Isa pang kumain ng oras ko ay ang pagkahilig sa mga gadgets. Napadalas ako sa pagbabasa sa mga forums at balita sa mga bagong labas na telepono. Nakailang bili at palit din ng gadget. Masakit sa bulsa pero napasaya naman ako… pansamantala. Nagsulputan din ang mga online/group buying na nakaka-tempt naman talaga ang price ng mga tour packages. Medyo napabili din ako nitong mga to.

Yan ang kwento sa labas. Pero sa loob ko, madaming nangyari. Ayoko lang talaga ma-categorize  bilang emo. Alam kong sa takbo ng mga huling naisulat ko puro kadramahan na,  ayokong dagdagan pa. Kaya mas pinili kong hindi magsulat.

Pero tapos na ko sa chapter na yun. Kaya eto, susubukan ko ulit makisalamuha sa inyo at sana makakilala ng mga  bagong kaibigan 🙂

Advertisements

15 responses

  1. Welcome back, Beef Tapa! Pare pareho pla tayong nghibernate. Kagabi lng din ako ngsulat ulit ng kaemo-han. Haha. Mailabas lng ba. Namiss ko din kayo. Naisip ko nga may mgbabasa pa kaya sa sinulat ko hehe. Pero ok lng din just letting my emotions out.

    Anu na bago sayo? Mga gadgets ba? Lovelife? Uyy.. Work loads? Kwento k nman. Ako ganun pa din… still waiting for Trisha:)

    Mayo 7, 2012 sa 12:48 hapon

    • Thanks Ate Che! 🙂
      Dumaan ako sa bahay mo kahapon, konting paghihintay pa, madami kaming magdadasal para dumating ng maayos at malusog si Trisha… kaso pano pag lalake? Trisha pa din? hehe… joke 😉

      Mayo 8, 2012 sa 11:31 umaga

      • haha.. uu nga ano pano pag boy sya? trisho? hehe.. glad to know you’re back! halos sabay pala tayong bumalik… kakamiss din kayo ah.. be safe lagi 🙂

        Mayo 8, 2012 sa 9:38 hapon

  2. may prize ba sa unang magcocomment? haha!

    bakit ayaw mong magdrama? ma-emo kaya ang beeftapa. hehe! joke lang. kelangan lang talaga ng kunting hakbang para bumalik at kunting tulak din sa sarili.

    Sino ba ang hindi busy ngayon? Lahat na yata. Nag-iiba takbo ng buhay.

    Mayo 7, 2012 sa 3:28 hapon

    • may prize sana Anini kung ikaw ang nauna. kaso talo ka e. hahaha!

      aminin mo, nakakasawa magdrama at ayaw mo din ma-typecast na emo 🙂

      Mayo 8, 2012 sa 11:26 umaga

      • sana sinabi mo na may prize nung una pa lang. hahaha!

        Mayo 8, 2012 sa 4:38 hapon

  3. sphereq

    yey! base? hahaha

    Mayo 7, 2012 sa 7:59 hapon

    • haha! base ka dyan. nagulat ako nung nag-comment ako sa blog mo, awaiting for moderation na. bat ganun???

      Mayo 8, 2012 sa 11:26 umaga

  4. Welcome back BT! Ok lang na maghibernate… All of us live and breathe in the real world – with tactile connections… Masarap ding gumugol ng oras sa blogosphere pero mas masarap itong gugulin sa mga taong malapit sa atin… Kaya andito lang kami, maghihintay sa mga kwentong buhat sa iyong paglalakbay… 🙂

    Halos magkasabay pala kayong nagbalik ni Mrs GBP… 🙂

    Mayo 7, 2012 sa 9:00 hapon

    • aba mga batchmates sa blog, kamusta naman? coolwaters, namiss ko mga naggagandahan mong photos at kwento. natutuwa ako na anjan pa din kayo para makinig at magparamdam ng friendship despite the distance, despite the virtual wall ng internet. how i wish one day makilala ko din talaga kayo ng personal.

      uu nga halos sabay kami nagbalik ni davin. akala ko nga ako lang ang nagpakabusy busyhan sa buhay..

      kung posible lang eh nagparty party na tayo.. hehe.. miss u, guys!:)

      Mayo 7, 2012 sa 9:16 hapon

    • Salamat Sir Mark!
      Ang gaganda ng mgakuha mong pics, nakikita ko sa fb. At isa pa pala, tinutuloy ko pa din ang pag-suporta sa World Vision. Sayo ko yun nakuha 🙂

      Mayo 8, 2012 sa 11:28 umaga

  5. Hahahhahaha. 🙂 🙂 🙂 Yan

    Mayo 8, 2012 sa 1:09 hapon

  6. hala, ni-like ko ito 20 secs. pagka-publish, ba’t di nag-rehistro? kainaman… hello, tapa! 🙂

    Mayo 9, 2012 sa 6:47 hapon

  7. psssttt 🙂
    e tuloy tulou nb yang pagbblik u?

    Mayo 11, 2012 sa 3:30 umaga

  8. J.

    welcome back.. 😀

    Mayo 22, 2012 sa 8:56 umaga

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s