minsan malambot, minsan makunat…

KM3: Tinig… o Ingay?

Ako daw ang “aktibista” ng klase namin noong nasa kolehiyo pa ko. Ewan ko sa kanila, ang alam ko lang pinaglalaban ko pag alam kong nasa tama ako. Hindi naman ako nakiki-epal sa iba o umaastang superhero ng mga naaapi, hindi din tipong spokesperson. Kung tutuusin nga, ako yata yung pinakatahimik sa klase. Nasa loob daw ang kulo.

Sa Intramuros ako nag-aral, katabi ng tanggapan ng gobyerno na laging sinusugod ng mga manggagawa. Sila yung mga nakakumpol at sumisigaw sa gitna ng kalsada. Mga naka-megaphone at may dala-dalang mga plakard habang namumudmod ng mga flyers na maya maya lang ay nagkalat na sa buong lugar. (Sayang ang papel at dagdag trabaho sa mga nagwawalis ng lansangan.)

Sa totoo lang, nung mga panahong yun madali nila kong makukumbinsi na sumama sa pakikipaglaban  ng karapatan nila. Siguro dahil bata pa at hindi pa talaga mulat sa totoong buhay, idealistic pa. Bawat sigaw nila talagang pumapasok sa tenga ko at parang alingawngaw na paikot ikot sa utak ko. Ramdam ko yung hinagpis nila, malinaw ang ipinaglalaban. Nakakaawa dahil  pagkatapos ng ilang oras ng pagbibilad sa araw at mamaos sa paghiyaw upang maiparating sa kinauukulan ang hinaing nila, wala pala ang Kalihim nag-lunch out sa Manila Hotel o sadyang sound-proof lang talaga ang mga opisina ng gobyerno? Ang mga manggagawa uuwing  pagod at gutom.  Natapos ang isang araw ng pakikipaglaban sa buhay, pero hindi natapos ang laban.

Ngayon naman na nagtatrabaho na ako, madalas pa din akong maging saksi sa mga ganitong tagpo.  Pero hindi basta mga manggagawa na lang. Hindi ko alam kung ano o sino ba sila. Ang palatandaan ko lang sila yung mga grupo na laging sumisigaw ng “Ibagsak ang Imperyalismo”, “Tigilan ang Kapitalismo”, “Tuta ng Kano! Patalsikin” — na hindi ko naman talaga nainintindihan, labas pasok lang sa tenga. Sila yung mga sinasabing mahihirap na may pambili ng mga materyales para sa susunugin nilang imahe. Sila yung mga artistic na nagdedesenyo sa mga malilinis at masyadong “plain “na mga pader. Sila yung mga hindi nagbabayad ng buwis dahil kahit pambili ng pagkain ay wala. Sila yung mga nagmamartsa sa gitna ng lansangan kasabay ng mga pampublikong sasakyan na lulan ang mga mangggagawang mahuhuli na sa oras ng paghahanap-buhay.

Hindi ko na alam kung tama pa ba ang pinaglalaban nila o alam pa ba nila ang pinaglalaban nila? Nagkamali ba ako ng paghusga o ang paninindigan nila ang nagbago? Iba nga ba ang nakikita ng mata sa kalam ng sikmura? O talagang iba na ang sukatan ngayon ng paninindigan. Tinig pa ba o ingay na lang?
Advertisements

11 responses

  1. minsan… sila’y nagbubulag bulagan… o sadyang hindi alam ang totoong kulay ng tinig… nice entry po.. goodluck po.. 😀

    Hunyo 6, 2012 sa 11:18 hapon

  2. ayon si tapa, o! hello, panget… 😉

    Hunyo 7, 2012 sa 1:01 umaga

  3. WP

    Pag hindi ito lumusot Davin daanin na talaga is Jakul sa rally lol.

    Hunyo 7, 2012 sa 5:26 umaga

  4. ang husay nitong sa iyo sir.

    Goodluck!

    Hunyo 7, 2012 sa 8:19 umaga

  5. panalo…

    kalimitan sa rally, ingay na nga lang.

    Hunyo 7, 2012 sa 9:54 umaga

  6. Pingback: KM3: TINIG | Kayumangging Damdamin

  7. ipinaalala ng akdang ito kng gaano kaimportante ang mga salitang lalabas sa ating bibig.

    Na ang tinig ay dapat laging may dalang katotohanan at hindi puro hinaing.

    Galing 🙂

    Hunyo 7, 2012 sa 5:12 hapon

  8. sabi nga ni choco martin “para kanino ka gigising? imposibleng walang dahilan” o ha! may matino pala akong nakuha dun kahit kunti. hehehe.

    may mga taong gumigising para sa karapatan nila at paraang alam nila. Mag-ingay man sila o kaya’y paningin ng iba ay di tama, yon lang ang alam nila para mailabas ang tinig nila.

    Magkaibang pananaw at magkaibang paniniwala pero at least may bayag ipaglaban ang paninindigan.

    Hunyo 8, 2012 sa 5:42 umaga

  9. congrats tapa!

    Hunyo 9, 2012 sa 1:26 hapon

  10. Minsan mainam din ang mga sigaw nila, ibig sabihin sila ay may pakialam sa ating lipunan, pero ang hindi maganda ay ang manghikayat ng mga inosenteng kapuwa at makisigaw na hindi alam kung ano ang ipinaglalaban. Nasaan naman ang kanilang layunin doon, sa puntong iyon pa lamang, lagapak na sila sa sinasabi mong, nag-iingay na lamang.

    Sana, yong mga sumisigaw sa lansangan ay talagang puro ang hangarin at hindi nagpapansin na lamang. Saka sana, hindi sila nakakaabala sa daan. Hindi ba’t kaya sila sumisigaw ay dahil nais nila ng kaayusan ang ating pamahalaan?

    Gaano nga kaya katotoo ang tinig nila? Gaano kabulaan ang ingay nila.

    Salamat sa pakikilahok sa KM3. Hindi mo ako matiis eh. Hahaha.

    Hunyo 12, 2012 sa 5:36 hapon

  11. Pingback: KM3: RESULTA | Kayumangging Damdamin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s