minsan malambot, minsan makunat…

Posts tagged “sugat

kumusta ka?

kumusta ka amoy usok na tinapa, maanghang na caldereta, malasang corned beef at malinamnam na roast beef? ahehehe… pambungad pa lang kaadikan na. patay tayo dyan….  o sya, medyo serious to, malamang karamihan ng mapopost ko nman talaga dito ay more on my serious side, ung mga nararamdaman ko na di ko mai-share sa tunay na buhay. umpisahan ko na ha…

(naisulat ko to kagabi bago matulog….)

nakakapagod. parang hapong hapo ako. alam mo ung pakiramdam na nahulog ka mula sa napakataas na lugar pero oras na ung lumipas e hindi ka pa din sumasayad sa lupa? lutang.  nasa ere pero di ka nman lumilipad kase nararamdaman mong bumubulusok ka pababa, at wala kang magawa kundi ramdamin ang malakas na hangin na sumasalubong. sa dami ng nangyari, di ko na lam kung pano ako magrereact sa mga bagay bagay. gusto ko ngayon maging sponge, ung tipong sasaluhin ko na lang muna lahat, ung hindi ko kaya, hahayaan ko na. gusto kong pumikit ng matagal, umasang makakatulog at sa muling pagmulat ng mata, hindi man ayos ang lahat, pero at least medyo settled na, kaylangan ko na lang makibagay, di ko na kaylangan makigulo, di ko kaylangan magdesisyon. makikisabay na lang. gusto kong lumayo, para pagbalik ko iba na ang sitwasyon, ung tipong wala na kong magagawa kundi tanggapin na lang kung ano man ang abutan ko. sa mga pagkakataong ganito, gusto kong marinig lahat ng sumbat at galit ng mga taong nasagasaan at nadamay dahil sa mga maling desisyon  ko. gusto kong maramdaman lahat un. ayoko ng ganto ako, para akong manhid. ayaw gumana ng utak ko, naghihintay na lang ng mangyayari… para akong zombie.

Bat ba ko nagkakaganito? Konektado to dito gulit…guilt…guilt...

(eto naman tumatakbo sa isip ko kanina, habang nasa byahe papasok ng opisina. first time na di ako nakatulog sa fx…)

Para akong nakakapit sa isang maliit na sanga na anytime ay pwedeng mabali. Dahil takot ako, ayokong bumitiw,  kaya pati sya pilit ding kumakapit. Ayaw nya kong iwan sa gantong sitwasyon. Nakikita ko nahihirapan sya, kahit  iba ang pinapakita nya. Pinipilit ko pa ding kumapit, ayokong bumitiw, tama, ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya pero ayoko syang bumitiw, ganun ako ka-selfish. Ang sama ko, hinintay ko pang umabot sa puntong tumulo ang luha nya sa sakit bago ako mahimasmasan sa mga nangyayari. Para akong tanga, naisip ko naman na anytime ay pwdeng mabali ang maliit na sangang yun. Alam ko din  na sa dulo kakaylanganin namin bumaba sa ayaw at gusto ko,  babagsak at babagsak  kami pareho. Pero I chose to prolong the suffering. Halos matunaw ako sa hagulgol na narinig ko sa kanya, wala ko nagawa kundi yakapin sya at mag-sorry ng paulit-ulit…  At ngayon heto na ako,  taking my first big  step.  I’m letting her go… I’m giving up. Sabay na kaming bibitiw. Walang kasiguruhan kung ganu kasakit ang pagbagsak, kung gano kabigat ang paghakbang papalayo. Hindi ko alam kung may matitira pa samen pagkatapos ng lahat, sana ma-save pa ang friendship. Alam ko mahirap at kumplikado. Pero tanggap ko na, tama na ang pagiging makasarili… Di ko maiwasan umasa, sa dami ng pinagdaanan namin, sa muli sanang pagku-krus ng landas, tuluyan nang naghilom ang sugat na ako ang may gawa…

Ayun. Pero ayokong tapusin ang post na to ng ganto kabigat. Sige, ibahin naten ng konti… Tulungan nyo kong sagutin tong isang tona di ko masagot mag-isa:

Eto ang eksena:  langaw na lumilipad sa loob ng kotse

At eto naman ang problema ko: pag umandar ba ung kotse, ibig sabihin ba nun lumilipad din ung langaw ng kasing bilis ng sasakyan? kase kung hindi, dapat tatalsik un sa likod na salamin? tama?  (teka kung windshield ang tawag sa salamin sa harap ng sasakyan, anong tawag dun sa likod? hmmm…) at pag pumreno ung sasakyan bakit hindi sila nauuntog sa windshield? kung 120kph ang takbo ng kotse, ganun din kabilis ang lipad ng langaw???


guilt… guilt… guilt…

nahihirapan ako ngayon. ilang araw kong tiniis. kala ko, mauna sya magparamdam, khit ano lang sabihin nya. ung normal namin. pero wala. para akong tanga, ayoko syang itext pero nag-aantay ako ng reply, anu un mental telepathy?! engot ko. hayst.

sabi nya dati, dont go near the clift, kung alam mong mahuhulog ka. pero anong ginawa ko? lumapit ako at isinama ko pa sya. ayun, pareho kaming nahulog. ang hirap ng gantong pakiramdam. kase naman ini-expect ko syang pigilan ako. kaso baliktad ang nangyari, naisama ko sya, di nya ko pinigilan. sabi nya gusto ko pa daw bang lumapit. di ako nagsalita. ang totoo natatakot ako, pero nakita ko sa mata nya na gusto nya. hinawakan nya ko sa kamay, hinayaan ko sya. sabay kaming lumapit. palapit ng palapit sa bangin. bumagsak. nahulog kami pareho.

nagtatawanan pa kami nun maghiwalay pauwi. di nya napansin un sugat ko, nagdudugo. di ko din napansin kung nasugatan sya, parang wala naman.  baka pilay. wag naman sana.

ambigat ng pakiramdam na may naligaw ng landas ng dahil sayo… lalo na  malapit sayo.